PHILSTAGE honors the best theatrical productions of 2009


Repertory Philippines’ Sweeney Todd earned five PHILSTAGE Awards including Best Male Lead Performance in a Musical for Audie Gemora (seated) and Best Female Lead Performance in a Musical for Menchu Lauchengco-Yulo (standing in photo above).


Matagumpay ang ginanap na ikalawang taon ng PHILSTAGE Gawad Buhay Award para sa taong 2009, noong Biyernes ng gabi (Marso 26), simula sa ganap na ika-7:30 ng gabi, sa Tanghalang Aurelio Tolentino (Little Theater) ng Cultural Center of the Philippines.

Ang samahan ng mga mandudula, mananayaw (ballet), mang-aawit at kompositor na pang-teatro, o ang PHILSTAGE (Philippine Legitimate Stage Artists Group, Inc.) ang nagpasimula ng pagpaparangal na ito noong nakaraang taon. Sa pagpapatuloy nito’y buo pa rin ang suporta ng maliit ngunit nagkakaisang komunidad ng mga lehitimong theater artists sa Pilipinas.

Makahulugan ang pagwawagi ng musikal na Si Juan Tamad, Ang Diyablo at ang Limang Milyong Boto, ng Philippine Educational Theater Association (PETA), kaugnay ng darating na halalan na gaganapin sa ika-10 ng Mayo. Apat na tropeyo ang napanalunan nito, kabilang ang para sa Outstanding Musical Production at Outstanding Ensemble Performance in a Musical (para sa buong cast).

Ang aktor-kompositor na si Vincent de Jesus ay may dalawa pang naiuwing parangal, para din sa Si Juan Tamad: Outstanding musical composition at Libretto. Noong isang taon, siya rin ang nag-uwi ng mga tropeyo, para sa musical na Batang Rizal (musical composition) at Skin Deep (libretto).

Sa pagtanggap niya ng tropeyong (Dancing Bulul) likha ng eskultor na si Don Salubayba, tila walang pagsidlan ng labis na tuwa ang kilalang aktor-kompositor. "Mahirap (ang musical theater) pero gawin natin nang gawin... masaya siyang form!" ani Vincent.

Para din sa pinakamataas na karangalang Outstanding Dance Production at Outstanding Play Production, nanalo sa kaukulang nominasyon ang Masterworks (ng Ballet Philipines) at Saan Ba Tayo Ihahatid ng Disyembre (ng PETA), ayon sa pagkakasunud-sunod.

Ang CCP-Ballet Philippines Artistic Director na si Paul Alexander Morales ang tumanggap ng mga parangal para sa produksiyong Masterworks. "I am very much honored to recive this award, on behalf of other dance artists," sabi ni Morales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May tatlong set ng parangal at kategorya ang Gawad Buhay, para sa likhing-sining ng dula, sayaw, at musikal. Ang parangal para sa Outstanding Stage Direction ay ipinagkaloob kay Nonon Padilla para sa Saan Ba Tayo Ihahatid ng Disyembre?


Ang para sa musical (Outstanding Musical Direction) ay napanalunan ng bunsong kapatid ni Lea Salonga na si Gerard Salonga, para sa Sweeney Todd ng Repertory Philippines. At ang parangal sa likhang-sining ng sayaw (Outstanding Choreography for Dance Production) ay ipinagkaloob kay Augustus Damian III, para sa "Evacuation"/Masterworks ng Ballet Philippines.


SHAMAINE’S DOUBLE VICTORY.
Sa hanay ng mga gumanap, nagwagi ng ikalawa niyang Gawad Buhay award ang aktres na si Shamaine Centenera-Buencamino, sa kategoryang Outstanding Female Lead Performance in a Play Production, para sa Madonna Brava ng Mindanao (2009). Noong isang taon ay si Shamaine din ang nanalo, para sa dulang Ang Kalungkutan ng mga Reyna (2008), na mula rin sa Tanghalang Pilipino.

Ang aktor na si Lex Marcos, na siyang bida sa Saan Ba Tayo Ihahatid ng Disyembre? (ng PETA) ang pinarangalan sa kategoryang Outstanding Male Lead Performance in a Play.

Para sa Musical category, ang mga pangunahing nagwagi’y parehong mula sa Sweeney Todd: Menchu Lauchengco-Yulo (female lead) at Audie Gemora (male lead). Nanalo rin para sa musical na ito sina Liesl Batucan at Marvin Ong (female and male featured performance).

Tulad nina Gerard Salonga, Menchu Lauchengco-Yulo, Shamaine Centenera-Buencamino at iba pa, hindi rin nakadalo ang aktres na si Peewee O’Hara, ng dulang Madonna Brava ng Mindanao (Outstanding Female Featured Performance in a Play Production). Ang katuwang niyang nanalo (male featured performance) ay si Dido dela Paz, ng Repertory Philippines’ A Portrait of the Artist As Filipino.

Naging kaaliwan ng madlang taga-teatro at mga sumaksing taga-media ang pag-akyat sa entablado ng stage-movie actress na si Mailes Kanapi, na tumanggap ng tropeyo on behalf of Peewee O’Hara. Sina Kanapi at O’Hara lamang ang mga nominado para sa napanalunang kategorya ni O’Hara, ngunit naging sport sa kanyang pagkatalo ang aktres na gumanap, bilang Stella Kowalski sa dulang A Streetcar Named Desire ng Tanghalang Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NATATANGING GAWAD BUHAY. Sa kabuuan ay masigla ang palabas. Simple man at hindi magarbo ay masaya at masigabo ang palakpakan ng mga taga-teatro para sa mga kasamahang naparangalan. Makasaysayan ang pagkakaroon ng parangal pan-teatro, sa pamamagitan ng PHILSTAGE, kung saan ang sinasabing mga "teatrong pang-elitista" (tulad ng Repertory, Ballet Phils., Ballet Manila at mga kauri) at "teatrong pang-masa" (Gantimpala Theater, Tanghalang Pilipino, at mga kauri) ay nagkasama-sama sa layuning isulong ang tagumpay ng industriya ng lehitimong tanghalan sa Pilipinas.


Ugnay rito ay ang unang taon ng pagbibigay ng PHILSTAGE ng mga espesyal na parangal—ang Natatanging Gawad Buhay—para sa multi-awarded singer, actor, at theater and music producer, Celeste Legaspi, na siya ring founding president ng PHILSTAGE.

Binigyan din ng posthumuous special award si Zenaida "Bibot" Amador, na nagpasimula ng professional English theater sa Pilipinas, bilang founding artistic director ng Repertory Philippines.

Tumanggap din ng parangal ang kinatawan ng Avon Philippines, ang kumpanya ng mga make-up at iba pang cosmetics, sa patuloy na pagsuporta sa mga tauhan at pagtatanghal ng walong iba’t ibang kumpanyang pan-teatro na kabilang sa PHILSTAGE, tulad ng Ballet Manila, Ballet Philippines, Gantimpala Theater Foundation, Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit, PETA, Repertory Phils., Tanghalang Pilipino, at Triumphant People’s Evangelistic Theater Society, Inc.

Sa kanyang pagtanggap ng Natatanging Gawad Buhay ay binigyan si Celeste Legaspi ng standing ovation. "Parang Oscars!" natutuwang nasambit niya. "Two decades ago, PHILSTAGE had nothing but only a dream... and a vision to get the [theater] companies together..." And she thanked everyone "for this wonderful award!"

Ang stage actress na si Joy Virata ang tumanggap ng parangal on behalf of Zenaida Amador, na kanyang nakasama nang maraming taon sa pagtataguyod ng Repertory Philippines. Binigyang-punto ni Virata ang aniya’y "unique brand of mentoring" ni Bibot Amador na, hanggang sa pagyao nito noong 2004, ay nanatiling gabay ng mga bagong sumisibol na talino ng tanghalan, kung saan nahubog ang mga world-class performers tulad nina Lea Salonga, Monique Wilson, Ana Abad Santos, Menchu Lauchengco-Yulo, at marami pang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It was her dream to establish a theater industry in this country," sambit pa ni Virata tungkol kay Amador. Isang pangarap na nagkaroon ng magandang katuparan, sa pamamagitan ng PHILSTAGE at ng makasaysayang Gawad Buhay awards.

THEATER ARTISTS. Kabilang din sa mga dumalo, bilang presenters sina: Susan Macuja, Rem Zamora, Lisa Macuja-Elizalde, Paul Alexander Morales (artistic director ng Ballet Phils.), Isay Alvarez, Bong Cabrera, Sandy Hontiveros, Osias Barroso, CB Garrucho, Melvin Lee, at Robert Sena.

Sa hanay ng mga performers/choreographers ng musical excerpts ay kabilang sina: Carissa Adea, Sarah Abigail Cruz, Nazer Salgado, Richardson Yadao, at Novy Bereber para sa opening number; Candice Adea at Angel Gabriel, para sa sayaw na Evacuation ni Bam Damian, mula sa BP’s Masterworks; Marvin Ong na umawit ng "Not While I’m Around," mula sa Sweeney Todd ng Rep; at Joann Co, at Victor Robinson III, umawit ng "Huwag Hayaang Maging Galit Lamang/Para Saan Pa?" mula sa PETA musical na Si Juan Tamad, Ang Diyablo, At Ang Limang Milyong Boto.

Ang mga opisyales, tulad nina Raul Sunico (Pangalawang Pangulo at Artistic Director ng CCP) at Fernando Josef, PHILSTAGE President, ang nagbigay ng mga panimulang mensahe. Si Jeremy Domingo ang nag-Voice Over emcee. Si Dennis Marasigan ang sumulat at nagdirek ng pagtatanghal.

Ang mga bumubuo ng 2009 PHILSTAGE Gawad Buhay Awards Jury ay sina: Exie Abola, Walter Ang, Gilbert Cadiz, Ronald Elepaño III, Arvin Ello, Ralph Semino Galan, Rolando Inocencio, Glenn Sevilla Mas, Joy Parohinog, Joey Ting, at Basilio Esteban Villaruz.

Sinimulan noong 1997, ang PHILSTAGE ang tanging organisasyon ng mga professional performing arts companies sa bansa, na may regular na programang pan-teatro at sanayang pang-tagaganap, taun-taon. Kabilang sa Board of Directors sina: Melvin Lee, ng Philippine Educational Theater Association (PETA), vice-president; Sandy Hontiveros, ng Ballet Philippines (BP), secretary; Gidget Tolentino, ng Repertory Philippines, treasurer; Susan Macuja, ng Ballet Manila (BM); Tony Espejo, ng Gantimpala Theater Foundation, Mitch Valdes, ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM), Audie Gemora, ng TRUMPETS, at Elmer Beltran Ingles, PHILSTAGE Executive Director, bilang mga miyembro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang kumpletong listahan ng mga nanalo:

Outstanding Ensemble Performance in a Dance Production: The Cast of BP’s "Masterworks"

Outstanding Ensemble Performance in a Musical: (Tie) The Cast of PETA’s "Si Juan Tamad, Ang Diyablo" and "Ang Limang Milyong Boto and Ismail at Isabel"

Outstanding Ensemble Performance in a Play: The Cast of Tanghalang Pilipino’s "Madonna Brava ng Mindanao"

Outstanding Musical Composition: Vincent De Jesus (PETA’s "Juan Tamad, Ang Diyablo at Ang Limang Milyong Boto")

Outstanding Musical Direction: Gerard Salonga (REP’s "Sweeney Todd")

Outstanding Set Design: Tuxqs Rutaquio (TP’s "Streetcar Named Desire/Flores Para Los Muertos")

Outstanding Costume Design: Gino Gonzales (BP’s "Neo-Filipino")

Outstanding Lighting Design: Katsch Catoy (BP’s "Neo Filipino")

Outstanding Sound Design: Aries Alcayaga (PETA’s "Saan Ba Tayo Ihahatid ng Disyembre?")

Outstanding Adaptation or Translation: Alice Reyes (BP’s "Amada in Neo-Filipino")

Outstanding Libretto: Vince De Jesus (PETA’s "Si Juan Tamad, Ang Diyablo at ang Limang Milyong Boto")

Outstanding Original Script: Tony Perez (PETA’s "Saan Ba Tayo Ihahatid ng Disyembre?")

Outstanding Choreography for Play or Musical: Carlon Matobato (PETA’s "Ismail at Isabel")

Outstanding Choreography for Dance Production: Augustus Damian III’s "Evacuation" (BP’s Masterworks)

Outstanding Male Featured Performance in Dance: Lucky Vicentino (BP’s "Neo Filipino")

Outstanding Female Featured Performance in Dance: Marian Faustino (BP’s "Neo- Filipino")

Outstanding Male Featured Performance in a Musical: Marvin Ong (REP’s "Sweeney Todd")

Outstanding Female Featured Performance in a Musical: Liesl Batucan (REP’s "Sweeney Todd")

Outstanding Male Featured Performance in a Play: Dido Dela Paz (REP’s "Portrait of the Artist as Filipino")

Outstanding Female Featured Performance in a Play: Peewee O’Hara (TP’s "Mga Mansanas sa Disyerto/Apples from the Desert")

Outstanding Male Lead Performance in Dance: Ronelson Yadao (BP’s "Neo-Filipino")

Outstanding Female Lead Performance in Dance: Candice Adea (BP’s "Neo-Filipino")

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Outstanding Male Lead Performance in a Musical: Audie Gemora (REP’s "Sweeney Todd")

Outstanding Female Lead Performance in a Musical: Mechu Lauchengco-Yulo (REP’s "Sweeney Todd")

Outstanding Male Lead Performance in a Play: Lex Marcos (PETA’s "Saan Ba Tayo Ihahatid ng Disyembre?")

Outstanding Female Lead Performance in a Play: Shamaine Centenera Buencamino (TP’s "Madonna Brava ng Mindanao")

Outstanding Stage Direction: Nonon Padilla (PETA’s "Saan Ba Tayo Ihahatid ng Disyembre?")

Outstanding Dance Production: BP’s "Masterworks"

Outstanding Musical Production: PETA’s "Si Juan Tamad, Ang Diyablo at ang Limang Milyong Boto"

Outstanding Play Production: PETA’s "Saan Ba Tayo Ihahatid ng Disyembre?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN