Join the hunky models of D’Survivors in Caramoan


Akihiro Sato poses with his D’Survivors co-star Evelyn Vargas. This Adolf Alix Jr. film, shot in Caramoan island, will be screened in select theaters starting April 28, 2010.


First time ni Adolf Alix Jr. na mag-direk ng isang comedy film, although as a writer, he has already written one: ang Star Cinema film na D’Anothers (2005) starring Vhong Navarro.


Direk Adolf’s films--mostly in the drama genre--have toured different festivals abroad and won him awards. But this time, the director took a break from drama and made a comedy film that was shot in Caramoan Island. Ang mga bida ng pelikula ay ang tinaguriang "crush ng bayan" na Brazilian guys like Akihiro Sato, Fabio Ide and Daniel Matsunaga.


Ani Adlf, "Comedy naman siya after ng mga drama. Try ko naman na mag-comedy although nagsulat na ako before, ’yung D’Anothers kay Vhong. Itong D’Survivors naman, kuwento siya ng mga male models na pupunta ng Babuyan Island para mag-pictorial. Kaso, nag-crash ’yung eroplano kaya na-stranded sila sa isang isla."


Sa Caramoan sila nag-location shoot for the movie, although, Direk Adolf admitted na may isang araw rin sila na nag-shoot sa isang beach sa Batangas dahil hindi na sila makabalik sa Caramoan dahil on-going naman daw ang shoot dun ng Survivor of Israel. But for the record, D’Survivors is the first indie-film that was allowed to shoot in the island.

Bakit ba pinili ni Direk Adolf na mag-shoot ng comedy? Matatandaang ang ilan sa mga past films niya ay ang nanging controversial tulad ng Aurora (starring Rosanna Roces) na binigyan ng X rating ng Movie and Television Review and Classification Board. His other films include Donsol (2006), Kadin (2007), Tambolista (2007) and Manila (2009)--all of which have earned honors abroad.


"Parang sabi ko, pang-14th ko na siyang pelikula na dinirek ko. So, parang sabi ko, bakit hindi naman iba? ’Yun nga, nagta-try ka ng iba-iba. Matagal ko na itong gustong gawin kaya lang, wala nga. Sabi nga nila, bakit kita seseryosohin, e, seryoso ang mga films mo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"So, parang ngayon, nagtiwala sa amin to do the film. Having written din D’Anothers, may timing naman. Sa akin, breaker lang talaga. Hindi mabigat. Bago rin ’yung producer namin, ’yung Astral Productions. Sila rin ang nag-produce ng Presa, another film na ginawa ko na ipapalabas pa lang."

When Direk Adolf wrote the script, ini-approach naman daw niya ang Mercator President na si Jonas Gaffud kung interesado itong gumawa.


"Parang model naman kasi dapat ’yung mga character at nag-recommend siya kung sino ang puwede. Halos first film din nilang lahat. So, masaya lang siya sa shoot. Para ngang laro-laro lang.


"I treated him kung ano rin ang kailangan sa shoot. Actually, iba-iba rin naman. Kasi si Daniel [Matsunaga], iba rin ang role niya rito. Narcoleptic siya. ’Yung bigla-biglang nakakatulog kapag sobrang saya niya. Kapag sobrang lungkot or galit, nakakatulog ka rin.


"Si Fabio [Ide] naman, model na sobrang vain na masyado niyang mahal ang sarili niya. Tipong sunbathing na lang tayo, tutal mare-rescue rin. Si Akihiro [Sato] naman, he’s a businessman, hindi siya model. Pero pupunta siya ng Babuyan Island . Si Rocky Salumbides naman, model din siya, pero, dati siyang nagta-trabaho sa Malabanan, ’yung seaweed system, ’yung nagtatanggal ng mga bara sa mga poso-negro. Ex-girlfriend niya si K Brosas na isang flight steward.


"Si K, stewardess while si Lemuel Pelayo, estudyante siya na magri-research sa Babuyan Island."


May pagka-sexy rin ba ang movie with all the male models on screen?

"May konting pagka-sexy siya, pero it’s more on comedy siya. Feeling ko baka PG-13, pero, hindi naman X, pahinga mun. ’Pag nagkaganun, baka may galit na sila," natatawang biro pa ni Direk Adolf.


"It’s more on topless lang, nasa beach, summer, ganun lang naman."


How was it like directing Brazilian models?


"Actually, ’yung dialogue nila sa movie, Tagalog, minsan English at saka kapag sila-sila lang naman, ang salita nila Portuguese. So, nakakatuwa naman kasi, in fairness, marunong naman silang umarte. At saka, binagay rin naman ang role. I met with them bago ako nagsulat. Tiningnan ko ang range. Nakakatuwa kasi marunong naman silang umarte. Kasi, kung marunong kang mag-project as model, more or less, aalalayan mo lang kung paano."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Dugtong pa niya, "Ang nakakatuwa rin sa kanila, hindi naman sila Filipino, pero, sobra ang affinity nila na mag-stay rito sa Pilipinas. Tapos ’yun nga, para nga raw Brazil so, in a way, naaalala rin nila ang bansa nila."


D’Survivors will be screened starting April 28, 2010 in selected theaters nationwide. Aside from the stars mentioned above, the others stars of the movie are Don Mendoza, Jubail Andres, Aaron Tuiza, Kerbie Zamora, Divine Tetay and Evelyn Vargas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN