Buhos (Downpour) tackles effects of climate change in the Philippines


Senator Loren Legarda (left) and filmmaker Brillante Mendoza (right) collaborate for the 30-minute documentary Buhos (Downpour), which is scheduled to be shown in cinemas during the 1st week of May.


Lingid sa kaalaman ng publiko, may collaboration sa isang project ang isa sa mga Vice-Presidential candidate na si Senator Loren Legarda at ang multi-awarded at internationally-acclaimed independent filmmaker na si Brillante Mendoza.


Ang proyekto, isang documentary film about climate change, ay pinamagatang Buhos (Downpour). Si Senator Legarda mismo ang nag-produce nitong documentary na nakatakdang ipalabas ngayon unang linggo ng Mayo.


Bahagi ito ng kanyang advocacy, at akma sa kanyang pagkahirang bilang Asia-Pacific Regional Champion for Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation ng United Nations. Nagsimula ang propesyunal na ugnayan nina Direk Brillante at Sen. Legarda, noong isang taon, matapos ang isang mahabang diskusyon tungkol sa climate change at mga kaakibat nitong isyu na may epekto sa pamumuhay ng mga Pilipino.


Sa isang press conference noong April 26 sa Annabel’s Restaurant, Quezon City, idinitalye ng dalawa ang pagsisimula at tuluy-tuloy nilang partnership, bilang filmmaker at producer ng isang pelikulang dokumentaryo, tungkol sa kalikasan at epekto ng pabagu-bagong klima o panahon. Kalunus-lunos ang bungang pagkasalanta ng maraming lugar sa ating bansa, dahil sa matitinding unos, tulad nang nangyari noong isang taon sanhi ng hagupit ng mga bagyong Ondoy at Pepeng. Hindi pa dumarating noon ang pagkasalanta ng dalawang malalaking bagyo pero malaon nang naging bahagi ng advocacy ni Legarda ang ukol sa climate change.


Napag-usapan na ito ng Senador at ng direktor na aniya’y kanyang hinangaan at gustong bigyan ng kaukulang pagkilala. "Bilang isang Senador, I want to give due recognition to internationally recognized Filipino artists," panimulang lahad ni Sen. Legarda sa harap ng mga miyembro ng media. "Gumawa ako ng resolution sa senado, commending his efforts and congratulating him."


Umamin naman si Brillante, "To be honest, wala akong masyadong alam noon tungkol sa climate change. Feeling ko, bakit climate change? Hindi naman popular advocacy at that time. Tapos, nagkuwento siya [Legarda] about climate change, kung ano ’yung epekto nito sa buhay nating mga Pilipino. At nakita ko ’yung passion niya about climate change. Sabi ko sa sarili ko, bakit napaka-passionate naman ng babaeng ito tungkol sa climate change? In fact, du’n sa first meeting namin, nakita ko ’yung sarili ko sa kanya: sa passion sa isang bagay na gusto niya. Du’n nag-start ’yung collaboration namin."


"CLIMATE CHANGE" CONVERT. ipinagpatuloy ni Senador Legarda ang kanyang kuwento at sinabing, "Ipinaliwanag ko sa kanya ang pagbabago ng klima; at that time, wala pang Ondoy at Pepeng.


"Pagbuhos ng ulan, na may matinding baha, mamamatay ang mga tao. Ang nakakalungkot diyan, ’yung pinaka-mahihirap, sa squatters’ area, ’yung pinaka-mahihirap, sa paanan ng bundok, matatabunan ng landslde. Sa tabing-dagat, maaanod na lang ’yung iba.


"Sa panahon naman ng El Niño, kita natin ’yan, iinit ang panahon, walang ani ang mga magsasaka, magugutom sila, mamamatay na lang. kasi walang kamulatan sa climate change hanggang ngayon," wika pa ni Senador Legarda. Nagsilbing isang kamulatan ukol sa climate change ang pagkikilala ng senador at direktor.


"Binigyan ko siya ng [kopya] ng lahat ng mga batas; lahat ng aking mga [ginawang] laws, speeches sa United Nations... lahat, sa isang buong meeting," pagtukoy pa ni Sen. Loren. "Nagulat ako, sa pagka-busy niya, he became very much interested. So, slowly but surely, naging climate convert ko si Direk Brillante!" "At ’yung passion niya, at passion ko, swak na swak! Una, kasi perfectionist kami. Pangalawa, he’s passionate about his art, I’m passionate about my cause. So, bring two passionate Filipinos and you have, hopefully, a good project that can bring about greater awareness and enlightenment for issues which affect every Filipino, lalo na ang mga Pilipinong mahihirap."


REAL-LIFE DISASTERS
. Sa pelikulang Lola (Grandmother) ni Brillante Mendoza ay tinalakay ang isyu ng umano’y tiwaling sistema ng hustisya sa ating pamahalaan, kaugnay ng matinding kahirapang dinaranas ng maraming Pilipino, kabilang ang dalawang matandang biyuda (portrayed by veteran actresses Anita Linda and Rustica Carpio). Ang character ni Anita ay nakatira sa komunidad ng Malabon na malaon nang nakalubog sa baha.


Napanood ni Sen. Legarda ang pelikula ni direk Brillante (na kamakailan ay nagtamo ng karangalan, para sa Lola, bilang best production designer sa PMPC Star Awards for Movies at Best Director sa katatapos na 33rd Gawad Urian).


Ayon sa former broadcaster, naka-relate siya sa napanood. "Ako’y taga-Malabon, e. At lumaki ako sa baha kaya gano’n kalaki ang kamulatan ko sa baha at pagbabago ng klima," pag-inform din ng Senador. "Sanay kami sa baha. ’Yun ang simula," dagdag pa ng vice-presidential bet. "Tapos, nangyari ang Ondoy at Pepeng (simula noong Setyembre 26, 2009)."


Tinanong daw ni Direk Brillante si Sen. Loren, "Puwede ba kitang sundan sa lahat ng mga pagbibigay mo ng medical missions?" That was after Ondoy and Pepeng.


For her part, Senator Legarda was initially hesitant about Brillante’s request. "Kasi, quietly [I did the tasks]...I didn’t invite all of you. Hindi nga ako nag-presscon tungkol ito. Pagkatapos ng Ondoy at Pepeng; in fact, midnight pa lang [sa simula ng Ondoy onslaught], kami ang una sa Pasig, ako ang una sa Marikina; kami ang una sa baranggay Catmon, sa Malabon. Dalawang linggo, hanggang Nobyembre, everyday ’yan, meron akong feeding mission, medical mission... gusto ko talaga, tumulong lang.


Sabi ni Direk, ’puwede ba kitang sundan?’ At sa pagsunod ni Direk Brillante, bitbit ang kanyang video camera, tinutukan at nakunan ng lente nito ang mga totoong eksena ng buhay, ang sidhi ng kahirapan sa siyudad at mga kanayunan, na pinamamayanan ng mga kababayang naghihikahos.


"Naka-back pack, naka-kapote, naka-bota... kasama ko siya (Brillante), lumusong sa baha ng Malabon; kasama ko siya, sa Laguna de Bay," kuwento pa ni Senator Legarda. "Sa Laguna de Bay, ’Wow, ang ganda ng lawa!" Pero sabi ng taga-roon, "Hindi po ito lawa, ito po’y aming mga palayan, naging lawa na, dahil sa climate change..’ Ang ganda ng video n’ya do’n."


Isa pang malayong bayan na narating ni direk Brillante, bilang director-videographer ng docufilm, ay ang San Roque, Pangasinan.


"Sumunod siya, ’yung mga tambak-tambak na basura, lahat kinunan niya. At hanggang ngayon, El Niño naman ngayon. So, mula buhos (ng ulan, at pagbagyo’t pagbaha) hanggang El Niño, nakasunod sa akin si Brillante. I think, it appears he’s not doing it because it’s a job. Nando’n na rin ’yung passion... grabe, perfectionist!" natutuwang sabi pa ni Sen. Loren tungkol kay Direk Brillante.


EL NINO.
Bilang isang docu-film na naglalayong maipaunawa sa manonood ang kalikasan at epekto ng climate change, nagbahagi si Direk Brillante ng sariling karanasan sa naging pagsama niya sa mga gawain (medical mission, typhoon relief operations) ni Senator Loren Legarda.


"Gusto kong makita kung ano ’yung talagang ginagawa ni Loren," sabi ni Direk Brillante. "Nakikita natin sa video, na talagang tumutulong lang at nagbibigay ng suporta sa mga tao. Sabi ko, ’Loren, ayaw kong nakatingin ka sa camera.’ Sa ginagawa niya, pina-follow ko lang." Ayon pa kay Senator Loren, 30 hours ang kabuuan ng footage na nakunan ni Direk Brillante. "Tapos, magiging thirty minutes."


Nang tanungin kung ano ang kaibahan nitong Buhos sa documentary na ginawa ni US Vice-President Al Gore, nais umano ni direk Brillante na maging epektibo ang docufilm. "It should work. Dapat maging effective siya. Hindi lang tayo magpi-present ng documentary about climate change, kundi it should work. Dapat may hakbang na gawin ang mga tao.


"In other words, ’yung pag-participate nila, gagawa sila ng hakbang para makatulong, lalung-lalo na sa Pilipinas. Global issue ang climate change. Tayo, maliit na bansa lang. Pero ayokong isipin na dahil maliit ang bansa natin, maliit lang ang participation natin.


"I think mas maa-appreciate mo na nanggaling tayo sa isang developing country pero meron tayong mga ganitong contribution, at meron tayong ginagawa, as Filipinos," makahulugang saad pa ng 2009 Cannes Film Fest Best Director awardee.


Simple lang daw ang ginawang documentary ni Direk Brillante pero naniniwala siya na magiging epektibo upang iparating ang mensahe tungkol sa climate change sa bansa.


"Hindi po kailangang gumawa ng napakalaking video; na kailangang gumawa ng mga nakakamanghang special effects. Ang importante, dapat sincere ’yung pagkukuwento, sincere ’yung intentions," ani Direk Brillante.


"Kapag nakita ng audience ’yung sincerity ng documentary, I think they would participate. "Madaling mambola sa documentary, pero ayaw nating gawin ’yan. Ang gusto natin, mas makatotohanan," dugtong pa niya.


May karagdagang pahayag si Sen. Legarda: "Baka ’yung iba ay dramatized, or maganda ang pagka-edit, but they may not have the same climate changes the Philippines has; the same typhoons that we have. And they don’t have the El Niño we’re experiencing now. Kaya ang na-capture ni Direk dito ay totoong pagkasalanta na dulot ng Ondoy at Pepeng, the two-hour documentary about climate change. Ang iba, dramatized. Ito, sa totoo."


What can be done para maging effective ang climate change advocacy? Sen. Legarda pointed out: "Minsan parang nakaka-frustrate, na napaka-hirap bang intindihin, na dapat alagaan ang kapaligiran? Puwede nating gawin ’yan, kung hindi, tayo ang maaapektuhan, mawawalan ng trabaho at pakinabang.


"Kung magiging malinis ang ating estero at kanal, hindi magiging gano’n ang mga pagbaha; na ang bilis ng pag-akyat, dahil walang dadaluyan ng tubig. Common sense. Dapat, tayo, ginagawa natin. At saka, dapat huwag babuyin ang kabundukan dahil pagdating ng ulan, walang mga punong sisipsip sa tubig. Sana hindi umabot sa gano’n ang pagbaha; sana hindi nangyari ’yung kamatayan sa Marikina at Rizal. Nakaka-frustrate.


"Pero I try not to let go of my passion," dugtong ni Sen. Legarda. "Kasi, kung wala pa tayong gagain, paano na? So, to counter the feeling of frustration or negativity, ginagawa ko ang passion ko."


Sa puntong ito’y nanawagan si Sen. Loren sa mga kinauukulan, ukol sa mga dapat pang gawin para maging epektibo ang naturang climate change advocacy.


Una, hiniling niya ang tulong ng media. "Para sa mas lalo pang pagkabatid at kaalaman," aniya. "Pangalawa, ito na ’yung collaborative effort, sa pamamagitan din ng medium of cinema, film, para mapanood ng mga tao. Pangatlo, naka-integrate na tayo sa curriculum, sa grade school pa lang. Which is a law I authored. It’s now a law (since) a year ago, in my second term. To integrate the environment (or environmental concerns) in the grade school curriculum.


Pang-apat, para sa ating mga commercial networks, especially television, magkaroon naman ng sense of ’developmental journalism’, wag lang puro away-away, kontrobersiya. Sana, ’yung mas mapapakinabangan ng mga tao." "Maraming maaaring gawin, for you, journalist, and for me, as lawmaker," saad pa ng senadora. "And then, of course, sa gobyerno, kailangan ipatupad ’yung batas. Ipatupad lang, and, I think, life will improve."


NOT AN OVERNIGHT ENVIRONMENTALIST. Bago siya naging Senador, si Loren Legarda ay nakilala bilang dating host ng TV public affairs show na The Inside Story.


"Whether I win—or win, this passion will stay," kuwelang banggit pa ni Sen. Loren. "Nobody can strip me of my passion about climate change—to help the downtrodden and educate them about climate change."


Idiniin niya, "My passion is ’in’ and ’out’ of politics, or campaigns. I’ve been doing this since I was 24 years old. You cannot be an overnight environmentalist."


Isa namang veteran columnist ang nagmunhkahi kina Direk Brillante at Senator Legarda na gumawa ng feature film on the subject of climate change or kahit isang mainstream teleserye tungkol sa topic na ito.


"Sa ngayon, wala pang plano," sagot ni direk Brillante. "Nothing wrong with that. But, ayokong i-commercialize ang advocacy. Gusto namin, mag-work muna, slowly but surely. Awareness muna ang importante."

Sinang-ayunan naman ito ni Sen. Legarda. "I will respect the artistic brilliance of Direk Brillante. Ang kanyang forte is real documentary."


Nakatakdang ipalabas ang Buhos (Downpour) sa unang linggo ng Mayo 2010. The details of screening venues will be published soon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN