Lance Raymundo internalizes role as Emilio Aguinaldo in Cinemalaya 2010 entry


Lance Raymundo fulfilled his dream of portraying a historical figure when he was cast as Emilio Aguinaldo in the Mario O’Hara film Ang Paglilitis Ni Andres Bonifacio. This epic film is one of the five entries competing in the Directors’ Showcase category of Cinemalaya.


"Sobrang excited, na hindi makapaniwala!" was how singer-actor Lance Raymundo described his feelings nang malaman niya na siya ang napiling gumanap bilang Emilio Aguinaldo sa Ang Paglilitis Ni Andres Bonifacio. Ang pelikulang ito ay ang entry ni director Mario O’Hara sa Directors’ Showcase category ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival na magaganap mula July 8-18, 2010.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Lance kahapon, May 23, sa shooting ng O’Hara film, sa Plaza San Luiz, sa loob ng Intramuros, Manila. Naikuwento ng aktor ang ilang pangyayari bago niya natanggap ang magandang balita, pati ang mga paghahandang ginawa niya para sa ginagampanang papel.


Una raw silang nag-meet ni Direk Mario O’Hara bago pa mag-eleksiyon noong Mayo 10. "Nu’ng na-meet ko si Direk, dun sa office ng manager ko (Ricky Gallardo), kuwentuhan lang," lahad ni Lance.


"Mga four hours kami nagkuwentuhan. Pero hindi niya ako pinagbasa ng linya. Kaya nagtaka ako. Akala ko, parang ayaw ni Direk sa akin. Pero, after a few days, tumawag si Ricky sa akin, na ako na pala si Emilio Aguinaldo!"


Ganu’n na lang daw ang tuwa ni Lance, sa pinakabagong malaking break na dumating sa acting career niya. "Siguro ’yung kuwentuhan namin already served as an audition," ani Lance.


Sa simula pa lang, kasabay ng mithiing mapasa-kanya ang role ay ang mga kaukulang paghahanda ni Lance. "Nu’ng sinabi sa akin na imi-meet ko si Direk, hoping na sana makuha ko ’yung Aguinaldo role, talagang inihanda ko ’yung sarili ko na maging gano’n. Dream role ko ’yun, e," banggit pa ni Lance.


"Gusto kong makagawa ng epic [movie]. And I wanna play someone na naging part na ng history. Dati pa, ’pag ini-interview ako, ano daw ang dream role ko, sabi ko gusto kong maging historic figure. And ’yun nga ang nai-offer. And I really did everything... nag-research ako, lahat!


"Before I met with Direk, I really prepared myself emotionally, lahat-lahat na. Para ma-impress ko siya. Kaya nagulat ako, na hindi niya ako pinagbasa [ng script]; hindi ako pinag-audition.


"Sabi ko, ’my God! Hindi ako pinag-audition. Baka wala na ito...’" nangingiti lang si Lance, sa pagbabalik-tanaw. "Pero, siguro, baka hindi ko lang alam, nu’ng nag-usap kami ni Direk, unconsciously, may asta na pala akong Aguinaldo. "I’m happy. I believe this is a big break for me, as an actor."


THE PRESIDENT AS HUMAN BEING.
Bilang Emilio Aguinaldo, binibigyang-buhay ni Lance Raymundo ang papel ng dating heneral na naging unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong Hunyo 1898.


Sa ginanap na shooting, kinunan ni Direk O’Hara ang mga eksena sa panahon ng rebolusyon, taong 1897. Bilang heneral pa lamang ng mga militar, kay Aguinaldo naiatas ang maselang tungkuling pagdakip kay Andres Bonifacio, na naging pinuno ng Katipunan. Si Alfred Vargas ang gumaganap sa papel ni Andres Bonifacio.


Base sa mga eksenang nasa script, nakikita ni Lance na magiging parehas ang bigat ng papel nila ni Alfred. "Except for the fact na pangalan niya [Andres Bonifacio] ’yung title, more or less, balanse naman," wika pa ni Lance.


Mahirap daw ang mga eksena nila ni Alfred bilang Bonifacio. "Yeah, kasi Bonifacio and Aguinaldo were good friends," pagtukoy pa ni Lance.


"Inidolo ni Aguinaldo si Bonifacio, na mentor niya. But at the same time, being the President of the Republic of the Philippines, its his duty na talagang ibigay ’yung sentensiya, kahit na talagang labag sa kalooban niya. So, ipapakita ’yung ganoong aspeto ng kanilang samahan, na hindi masyadong na-tackle [sa mga tala ng kasaysayan]."


Tungkol naman sa mga highlights ng kanyang pagganap bilang Aguinaldo, sabi ni Lance, "Luckily, na-kumpleto na lahat ng pinakamahihirap kong eksena... ’yung pinaka-grabeng scenes, natapos ko na, last week.


"Actually, ’yung pinaka-mahirap is more of an emotional scene, between him [Aguinaldo] and God. Ipinakita ’yung sensitive and human side ng isang tao na sa paningin ng lahat ay very strong and very powerful. Du’n ipinakita ’yung pagka-human being niya. So, that was the most difficult scene.


"Hindi monologue [ang eksena]," pagtukoy pa ng aktor. "Nasa simbahan siya, tapos, one-on-one lang sila ng Diyos. Pina-flashback niya lahat ng nangyari. And then, pagka-pan back sa kanya, as in, ’yung communication is just with the eyes. Without words."


PRAYING TO AGUINALDO. Nang tanungin ng PEP kung ano ang ginawa niyang preparasyon sa pagganap niya sa papel ni Emilio Aguinaldo, inamin ni Lance na nagdasal siya sa Diyos at kay Aguinaldo mismo.


"I prayed to God and at the same time, I implored the presence of Aguinaldo talaga!" sabi niyang nangingiti. "Sabi ko kay God, ’If you are able to allow me to contact Aguinaldo... Mr. President, para sa inyo ito, please, i-guide po ninyo ako to portray you...’


"I prayed to him, kasi I know naman, somehow, God will allow us na makapag-communicate for projects as big as this. And projects like this that can serve as landmark [film] din, for the Filipinos, di ba?


"So, ipinagdasal ko talaga. I tried to communicate to Aguinaldo himself," natatawang wika pa ni Lance. "I think it helped. Kasi, so far, sa eksena namin, ’yung pinakamarami is take two. We were able to get it right away, e."


MUSIC CAREER ON HOLD. Last year, kabilang si Lance Raymundo sa cast ng Cinemalaya 2009 entry, ang Nerseri (by Vic Acedillo Jr.), at nagbida sa pelikulang Fidel ni Mark Shandii Bacolod.


Bagama’t unang nakilalang mang-aawit sa mainstream recording industry, ang kanyang pagsisimula bilang aktor sa pelikula ay sa pamamagitan ng independent movies. Kaya laging welcome kay Lance ang mga indie projects. "Yeah," pag-sang-ayon niya. "As much as I love mainstream, I have the same love and respect and admiration for the indie sectoral entertainment."


Kumusta naman ang singing career ni Lance? "My singing career is in indefinite hold," sabi niya. "Actually, pinasuk ko ’yung singing, maybe as a means of eventually becoming an actor din, e. Pero mas naging madali sa aking pumasok du’n dahil sa kuya ko [Rannie Raymundo], ’di ba? And, siyempre, inidolo ko siya, so ginawa kong parang stepping stone ’yung singing.


"Pero... well, I’m given the talent and the gift din, e," ani Lance sa pagiging singer niya. "So, hindi ko rin siya puwedeng ilagay sa tabi. I still have plans of releasing an album. Pero gusto kong i-solidify muna ’yung task ko, bilang artista, because I’m still growing, e.


"I know I’m not yet there. But I’m slowly getting there, ’di ba? Small steps. Pero tuluy-tuloy naman," sabi ni Lance bilang pangwakas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN