Justine Ferrer makes film debut as transgender in indie film Pulupot


Survivor Philippines castaway Justine Ferrer (left) will have her film debut through the indie film Pulupot. She is cast as an owner of a salon and videoke bar in this indie film directed by Monti Parungao (right). Pulupot is currently being screened in cinema houses.


Parehong masaya sina Direk Monti Parungao at Justine Ferrer, direktor at main actor respectively, ng indie movie na Pulupot dahil napapanood na sa mas maraming sinehan ang kanilang pelikula simula kahapon, May 26.


Originally kasi ay May 12 talaga ang showing ng Pulupot. Naipalabas naman ito pero sa iilang sinehan lamang.


Nakausap ng PEP sina Direk Monti at Justine sa taping ng kanilang showbiz program on Q Channel 11 na Tweetbiz para hingan ng pahayag tungkol sa Pulupot.


"Okay naman yung turnout nung income nung mai-showing siya last May 12. Pero siyempre we were expecting more. We wanted more people to see it. Hindi namin ma-book sa ibang sinehan because may dumating na foreign film at kinuha lahat ng mga bakanteng sinehan. So, after that foreign film doon lang kami nakapag-book ng mas maraming sinehan. So, now it’s coming back sa movie houses," paliwanag ni Direk Monti.


Natutuwa din si Direk Monti dahil magaganda naman ang feedback na nakukuha niya mula sa mga nauna nang nakapanood ng Pulupot.


"Ang nakakatuwa pa nun lahat ng naninira before na nagsabi ng pangit about me sa naunang movie kong Sagwan, wala talaga silang nasasabing pangit ngayon dito sa Pulupot. Ang nababasa ko lang at naririnig ay magagandang comments about the movie."


Magandang balita pa ni Direk Monti ay ipinapalabas na rin ito sa mga sinehan sa mga probinsiya. May intensyon din daw silang isali ito sa mga international film festivals gaya ng Sagwan na nag-compete pa sa Italy para sa Torino Film Festival at na-nominate sa Best Movie category.


"Ngayon kasi tinatapos ko yung transcription at yung translation ng movie for the English subtitles. Pag natapos ko iyon ipapadala ko rin sa abroad sa mga pinagpadalhan ko rin ng Sagwan. Baka mapansin din," sabi pa ni Direk Monti.

JUSTINE’S FIRST MOVIE. Happy din si Justine nang malaman niya na maipapalabas ulit ang Pulupot sa mas maraming sinehan. Si Justine ang bida ng movie kasama ang fellow Survivor Philippines: Palau castaway na si Echo Caceres at Justin de Leon. Introducing naman sa pelikula si Gio Gapas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Siyempre naman masaya ako kasi first movie ko ito e. Launching ko ito kaya siyempre mas gusto ko na mas marami ang makapanood, di ba? Happy ako sa movie na ito kasi nabigyan ako ng pagkakataon na ipakita yung talento ko. Kahit na hindi ako yung nanalo sa Survivor (Philippines: Palau), nabibigyan ako ng mga ganitong opportunities. Sa kabila ng lahat ako pa rin yung nag-stay dito sa showbiz," sabi ni Justine.


Hindi naman daw masyadong nahirapan si Justine sa role niya dahil malapit din sa totoo niyang pagkatao ito.


"Yung movie kasi namin pinagsama-samang drama, sexy at comedy. Ako si Eva dito, isang transgender na may-ari ng isang salon at videoke bar. Sa salon at bar may mga tauhan ako. Sa salon yung bakla kong sidekick. Tapos sa videoke bar naman may mga trabahador ako doong lalaki, na isa sa mga lalaking trabahador ko nahulog yung loob ko kahit na meron siyang girlfriend. Hindi ko kasi inamin yung pagkagusto ko sa kanya.


"Kuwento ito ng iba’t ibang taong nagmamahal, lalaki, babae, bakla, pamhinta o kung ano ka man. Pinakikita rito yung pagkakaugnay-ugnay nating lahat, kung paano nagdudugtung-dugtong yung buhay natin, kaya siya Pulupot," paglalarawan ni Justine sa kanyang role at sa movie.


May mga sexy scenes daw siya sa movie pero hindi naman daw bastusin at wala naman siyang naked scene or exposure.


"May sexy pero hindi n’yo na mapapansin kasi matutuwa talaga kayo sa mas maraming eksena. Mararamdaman n’yo yung emotions ng bawat character kahit na baguhan pa lang yung ibang artista."


Kumusta naman katrabaho si Direk Monti?

"Kasi si Direk, siya ang direktor namin sa Survivor noon, tapos ngayon direktor ko dito sa Tweetbiz. So, kahit papaano hindi naputol yung samahan namin. Kaya nung gumawa kami ng indie film at siya ang direktor, hindi naging mahirap sa akin kasi kilala ko na siya, kilala na niya ako. Mas madali kaming nakapag-adjust. At saka si Direk naman kasi magaling siyang direktor. Hindi siya yung dinadaan sa sigaw, sa galit para mapasunod niya yung mga artista niya. Siya kasi more on pakiusap. Madiplomasiya kasi siya kaya mahihiya ka na rin," sabi ni Justine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN