LJ Reyes kept her pregnancy a secret from co-workers in The Leaving


LJ Reyes, who is now nine months pregnant, bagged the Best Supporting Actress plum in Cinemalaya 2010 for her role in The Leaving. The GMA-7 star is currently in New York to give birth to her child with Paulo Avalino.


Tatlong beses umakyat ng entablado ng CCP Main Theater noong Linggo, July 18, ang Tsinoy indie writer-director na si Ian Dean Loreños, para sa mga parangal na iginawad sa The Leaving. Ito ag kanyang entry sa New Breed Full-Length Feature category sa Cinemalaya 2010.


Nanalo ang The Leaving ng mga parangal para sa mga sumusunod na kategorya: Best Production Design (Syrel Lopez at Ivan Zaldarriaga); Best Cinematography (Rommel Andreo Sales, Jr.), ka-tie ng Mayohan (Dan Villegas); at Best Performance by an Actress in a Supporting Role, para sa young actress ng GMA-7 na si LJ Reyes.


Bukod-tangi ang The Leaving sa mga entries na kabilang sa genre ng horror-drama. The movie is about Chinese traditions at dito umusbong ang kuwento ng katatakutan, na nag-ugat naman sa misteryosong pagkamatay ng dalagang naging kalaguyo ng isang Filipino-Chinese businessman.


Si LJ Moreno ang gumanap na mistress; si Arnold Reyes ang mister, na aksidenteng nakapatay sa kanyang other woman; at si LJ Reyes ang wife, na naging susi sa malagim na krimen.

Inilahad ang kuwento sa pamamagitan ng tatlong bahagi, gamit ang iba’t ibang pananaw ng mga tauhan. Pinag-ugnay ang mga bahagi ng kuwento sa pamamagitan ng isang estudyante, na ginampanan ni Alwyn Uytingco (as Martin), na nasa kalapit-kuwarto ng misis, sa isang Binondo condominium. Sa isang punto ng kuwento ay naging magkaibigan ang estudyante at ang maybahay na pinagtaksilan.

Ipinalabas bilang opening film ng Cinemalaya Goes UP ang The Leaving noong July 20 sa UP Film Institute (Cine Adarna) with a 5 pm screening. Magtutuluy-tuloy ang programa, with other Cinemalaya entries, hanggang July 30, 2010. (CLICK HERE to check the schedule of screenings)


LJ REYES, A PLEASURE TO WORK WITH. Nothing but good words si Direk Ian para sa kanyang mga naging artista sa The Leaving, especially LJ Reyes.


Hindi nga raw na-surprise masyado si Direk Ian nang magwaging Best Supporting Actress si LJ Reyes na gumanap bilang na-agrabyadong misis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Actually, napakagaling niya," masayang banggit ni Direk Ian sa PEP (Philippine Entertainment Portal), after the awards ceremonies sa CCP Main Theater lobby.


"Sinabi ko nga, ’LJ, after nitong pelikula, marami nang tatawag sa iyo, marami nang makakapansin sa ability mo.’"


Early this year, nabalita ang pagbubuntis ni LJ (real name: Lourna Jane "LJ" Pujeda Reyes, first-runner up sa StarStruck Season 2) sa nakarelasyong young actor na si Paulo Avelino. Dahil dito’y kinailangang magtungo ng U.S. si LJ para dun isilang ng una nilang baby ng aktor.


Ayon kay Direk Ian, hindi niya halos napansing nagdadalang-tao si LJ, sa buong panahon ng pagsu-shoot nila ng The Leaving. As in, hindi raw talaga niya alam.


"Hindi, e. At saka, dito po, parang naging comfortable naman siya [LJ] sa mga ipinapagawa namin sa kanya," banggit pa ng direktor. "Hindi rin po ako masyadong nahirapan sa pagpapaarte sa kanya, kasi magaling talaga siya. Wala siyang kaarte-arte. Tsaka nung time na ’yon, meron pala siyang dinadala noon, and then, na-pull off niya yung gano’n kabigat na role.

"Nu’ng una, hindi namin alam," dagdag ni Direk Ian. "Kasi po, full ability niya [LJ] yung inilalabas niya.


Nalaman ko na lang po nung paalis na siya. Sabi ko, ’Buntis pala siya?’ "Actually, yung last shooting day niya, yun na yung aalis na siya. Hindi namin alam. Kaya lang, ayaw yata niyang ipaalam para hindi siya gawing... parang bine-baby at inaalalayan."


Binibisita raw ni Paulo si LJ habang gumagawa ito ng pelikula.

"May mga times na pumunta siya," kuwento rin ni Direk Ian. "Actually, I’ve met him a few times na. Very supportive si Paulo, makikita mo naman, e. And then, si LJ, napakagaling talaga. Napaka-professional niya and I’m really happy to work with her again."


PLANS FOR THE LEAVING. Ngayon pa lang ay excited na si Direk Ian sa susunod na posibleng gawing indie film, at hindi nito nakakalimutang i-consider ang bagong award-winning young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Kakasabi ko nga lang sa kanya," ani Direk Ian, "sabi ko, ’LJ, kung may next project ako, work uli tayo...’ Kasi meron akong naisip na magandang role para sa kanya. Sabi ko nga, ito na ang simula ng mahabang relasyon namin sa pagtatrabaho."


As for their film, The Leaving, na naging matagumpay ang showing sa katatapos na Cinemalaya 2010, Direk Ian has started charting its possible international screenings.


"Ngayon po, may mga kinakausap kaming international programmers," sabi ni Direk Ian. "Hindi ko pa masabi, kasi hindi pa naman sigurado. Pero merong nagpaparamdam, from Europe."


Soon, Direk Ian will be ’leaving’ for some international filmfests? Natawa siya. "Babalik naman po ako," aniya.


Ang The Leaving ay produksiyon ng Anakim Media Productions at DigiTank Studios/Big Top Media Productions. With Ms. Bianca Balbuena, line producer/production manager; and Kat Loreños and Franco Alido, co-producers.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN