Ayen Munji-Laurel and Franco Laurel share the stage separately in Banaag at Sikat

by William R. Reyes
Aug 19, 2010
Married couple Ayen Munji-Laurel and Franco Laurel appear in the rock musical Banaag at Sikat but their characters are not paired with each other.

Matagumpay na ginanap noong August 18 ang gala premiere ng Tanghalang Pilipino musical na Banaag at Sikat sa Little Theater ng Cultural Center of the Philippines (CCP). Magaling ang buong cast, kabilang ang singer-actress na si Ayen Munji-Laurel na gumanap bilang lead character na si Meni, isang anak-mayaman.

"I'm happy for the whole cast! Because everybody worked really hard... hindi lang ako!" Ayen beamed when PEP (Philippine Entertainment Portal) congratulated her after the performance.

Kapansin-pansin ang natatanging talento at mataas na enerhiya sa pagpi-perform ng mestisahing singer-actress. Nakita ng PEP ang pinagdaanan ng buong ensemble nitongrock musical ilang oras lamang bago naganap ang una nilang performance, dakong ika-3:30 ng hapon noong Agosto 18. Ang dress rehearsal at run-through ng Banaag at Sikat, na kumpletong ginawa ang lahat, ay natapos bandang ika-4 ng umaga nang araw ding 'yon.

Sa evening gala, walang bakas ng pamamalat o pagkasira ng tinig kay Ayen Munji-Laurel at sa iba pang cast. Pero higit ang naging paghamon sa bidang tauhan, dahil marami siyang eksenang sabay niyang ginagawa ang pag-arte at pag-awit.

Continue reading below ↓

"It's a fun show, pero mahirap siyang gawin, vocal and everything. We have to sound like 'rock' talaga," patotoo pa ni Ms. Ayen na labis ding nagpasalamat sa natanggap na papuri sa karamihan kagabi.

Bilang Meni, ginagampanan ni Ayen Munji-Laurel ang papel ng isang may pagka-"rebeldeng" anak-mayaman ng kapitalistang si Don Ramon Miranda (Greg Abelardo de Leon). Pinili ni Meni na makapiling at magka-anak sa mahirap na peryodistang si Delfin (Al Gatmaitan) at kalauna'y sumuporta sa mga kauring nagpasimula ng kilusan ng manggagawa, bilang pasimula ng sosyalismo (socialism) sa Pilipinas.

Bilang magsing-irog na nagkatuluyan, may mga tagpo sa musical na ipinakitang nagroromansa sa may gazebo sina Delfin at Meni. Na-challenge daw si Ayen sa ginawa nila ni Al Gatmaitan sa eksenang 'yon.

"One of my most challenging roles... kasi, first time kong magkaroon ng love scene na gano'n," sabi ni Ayen, na natatawang binalikan sa isip ang nangyari, sa kauna-unahang performance na ginawa para sa matinee audience ng musical play.

Continue reading below ↓

"Many people kanina, it was... ah, students naman na nanood. Parang nakaka-ilang pala na may bata du'n sa harap mo," aniya, at naisip daw ni Ayen, "parang... puwede bang i-skip na lang natin 'yung part na 'yon?

"No, no, I'm not used to that!" natawa uli siya. "I'm trying to, at least, not do it, but this one naman is all stage technique."

"SEPARATED" ON STAGE. Sa totoong buhay ay happily married couple sina Ayen Munji-Laurel at ang kilalang singer-actor din na si Franco Laurel. Pero madalas, kung hindi sila gumagawa ng separate plays, ay magkasama sila sa iisang dula, o musical, pero walang kaugnayan ang mga tauhang ginagampanan.

Dito sa Banaag at Sikat ang kapareha ni Franco, bilang si Ruperto (isang OFW), ay ang baguhang stage actress na si Martha Comia.

"We're in one stage, pero we're not really acting together. Kasi, mag-asawa na kami, baka maging 'realistic' 'yung eksena," pagbibiro pa ni Ayen.

Continue reading below ↓

For his part, Franco shares his wife's view hinggil sa hindi nila pagtatambal onstage.

"Oo, mabuti na lang hindi," pagsang-ayon niya. "Mag-asawa na kami, tapos, kung magpe-play kami ng young sweethearts, baka hindi na malaman ng tao kung alin dun yung totoo at yung hindi."

Sinabi rin ni Franco na may sampung taon na mula nang gumanap sila ni Ayen sa isang stage play bilang magkatambal.

"Ang ginagawa namin is nagsusuportahan kami," sabi rin niya. "Kunyari, may trabaho ako, susuportahan niya ako. May trabaho siya, susuportahan ko siya. Ngayon lang kami nagkasama uli."

Sina Franco at Ayen Munji-Laurel ay may tatlong supling named Mariella, Hasan, and Angia.

AWARD-WINNING THESPIANS. Kapwa premyado sa kanilang larangan sina Ayen at Franco Laurel. They both won at the 2009 Aliw Awards. Franco won Best Stage Actor (in a Musical) for Floy Quintos' Isang Panaginip na Fili. Ayen Munji-Laurel won Best Actress (in a Musical) for Atang, kung saan ginampanan ng singer-actress ang papel ng legendary pre-war Queen of Zarsuela and Kundiman na si Honorata "Atang" dela Rama, National Artist for Music and Theater. Both musicals were produced by Dulaang UP.

Continue reading below ↓

Ngayon naman, parehong bahagi sina Franco at Ayen ng Banaag at Sikat, na dalawang Pambansang Alagad Ng Sining (National Artist) ang magkatuwang na bumuo: sina Bienvenido Lumbera, National Artist for Literature (librettist) at Salvador "Badong" Bernal, National Artist for Stage Design (production designer).

Bukod sa mga National Artists, mga batikan din ang bumubuo ng produksiyon ng Banaag at Sikat: Ms. Edna Vida-Froilan (choreographer), Lucien Letaba (music composer) at Jose Estrella (director). Sa pangkalahatang pamamahala ni Fernando "Tata Nanding" Josef, Tanghalang Pilipino Artistic Director.

"Ang hirap tanggihan ng play na ito dahil... Bien Lumbera and Badong Bernal, National Artists... why not? Di ba?" pagtukoy rin ni Franco. "Even though hindi kami magkatambal ni Ayen, it's the opportunity to work with Bien Lumbera and Salvador Bernal and Jose Estrella. I'm happy with my work here. I come in and out, as a mysterious character in the first two acts. In the third act, dun talaga ako mari-reveal. Before that, sunud-sunod yung mga kanta ko."

Continue reading below ↓

As for Ayen Munji-Laurel, who last appeared in the GMA-7 teleserye Rosalinda and the indie movie Sigwa, music and acting in a musical play will remain a passion.

Ang Banaag at Sikat ay patuloy na mapapanood sa CCP Little Theater on August 22 and August 25-29 at 8 p.m., with 3 p.m. Sunday matinee shows.

Read Next
Read More Stories About
Theater, Franco Laurel
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Married couple Ayen Munji-Laurel and Franco Laurel appear in the rock musical Banaag at Sikat but their characters are not paired with each other.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results