Magdamag will be screened in cinemas starting September 15


"Sabi ko sa kanya, ’Alam mo, isipin mo na lang na para ka lang naka-swimming trunks. Kung gusto mo, doblehin mo’ng briefs mo!’ Ayun, nanginginig rin siya... Mahiyain siya, e," says Rita Avila about her leading man Edgar Allan Guzman.


Bihira nang gumanap sa pelikula sa ngayon si Rita Avila, na nakilala sa ilang mga pelikula ng Seiko Films ni Robbie Tan noong 1990s. A couple of years ago, ginawa niya ang Padyak, isang indie film ni Direk Aloy Adlawan, pero isang ensemble film ito.

Ngayong 2010, nagbabalik-indie film si Rita, pero this time, bidang-bida siyang muli as lead actress para sa pelikulang Magdamag. Ang character niya ay mayroong May-December love affair sa bagets actor na si Edgar Allan Guzman (past Mr Pogi winner ng Eat Bulaga).

Ang Magdamag ay kuwento ng isang nasa 40’s nang babae na nahulog ang loob para sa isang bagets na lalaki (early 20’s) sa isla ng Boracay noong panahon ng Holy Week. Sa isang buong "magdamag" lang umikot ang buong pelikula na pinamahalaan ni Joven Tan mula sa script ni Jerry Gracio, at produced nina Noel Ferrer at Ryan Enriquez.

Nakadalawang premiere nights/advanced screening na ang Magdamag--ang una bilang NETPAC entry ng Cinemalaya 2010 noong July sa Cultural Center of the Philippines at ang isa’y noong Agosto naman sa Cine Adarna ng University of the Philippines, Diliman, Quezon City.

Regular showing na ang nasabing pelikula ngayong September 15, 2010 sa ilang mga indie cinemas.

Ano nga ba ang rason at napapayag si Rita na gawin ang Magdamag na may sensitive love scenes sila ng mas bata sa kanyang si Edgar Allan?

"Nagustuhan ko ang script. It’s a very, very good script," simula ni Rita nang minsang makapanayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP).

"And it’s a challenge for me dahil it’s just a two-character film. Kaming dalawa lang ni Edgar ang lumabas sa buong pelikula, sa entire film. So, bago."

Hindi ba siya nagdalawang-isip dahil ngayon niya lang yata gagawin ang isang May-December love affair film na may sexy love scenes pa?

"No! Uso ang mga cougars ngayon!" tawa ng alaga ni Malou Choa-Fagar. "Open ako sa mga ganitong klase ng roles, walang problema sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang role na ginagamapan niya dito ay ibang-iba sa napapanood sa kanya ng mga tao sa ginagawa niya sa mga teleseryeng nilalabasan niya lately.

"Yah, ibang-iba, kasi, usually, sa TV ngayon, mother roles ang nabibigay sa akin. Mga nanay-nanay roles.

"Pero dito, ang challenge sa akin dito, since dalawa lang kaming characters for the entire film, that’s enough challenge already.

"Tapos, I didn’t know Edgar Allan pa, e. We met a night before the first day shoot. So, I think, it worked, ’yung pagiging strangers naming dalawa. It was very, very good kasi, magaling ’yung bata that we’re able to support each other for all the scenes."

So, okay lang sa kanya kahit may daring love scenes with a younger actor?

"Funny, kasi, na-shoot namin lahat-lahat muna except the love scenes. Hinuli ni Direk lahat ng love scenes. So, pagdating nu’ng love scene, talagang nakaluhod lang kaming dalawa, nanginginig kami. Sabi ni Direk, ’Ano ba kayo, parang ngayon ko lang kayo nakitang tensiyonado?’"

Na-tense siya sa love scenes?

"Yeah," pag-amin ni Rita. "Always naman in doing love scenes. A love scene can always makes me tense, kasi, siyempre, ’di ba, actor to actor ’yan... "

Pero sa loob ng mahaba-haba na ring tinakbo ng movie carer ni Rita, aminado siyang si Edgar ang youngest leading man na nakapareha niya to date.

"Oo nga, 20 years old!" tawa nito.

Bilang mas beterana sa pag-arte, binigyan ba niya ito ng acting tips kung sakaling humingi ito ng advice?

"No, noong ano lang... Kasi, there was a scene that he needed to wear briefs lang. Nahihiya siya talaga. Kasi, pareho kaming naka-tapis in between takes talaga.

"Tapos, sabi ko sa kanya, ’Alam mo, isipin mo na lang na para ka lang naka-swimming trunks. Kung gusto mo, doblehin mo’ng briefs mo!’ Ayun, nanginginig rin siya... Mahiyain siya, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero mabuti na lang, hindi na-project ’yun sa screen."

FINDING FULFILLMENT IN INDIE FILMS. Kung noong ’90s ay humataw rin siya sa ilang Seiko Films hits (karamiha’y kasama si Jestoni Alarcon) na binabayaran ng malalaking talent fees, sa indie films sa more than ten years later, e, hindi kalakihan ang TF. Ano’ng masasabi dito ni Rita?

"Alam mo, ang kapalit ng maliit na talent fee is the fulfillment of doing a role that you don’t usually do. ’Yun ’yon, e. ’Yung being an artist, hindi ka nakukulong sa formula-based stories or roles.

"So, there’s more freedom and there’s more chance for us to do roles na gusto naming gawin. Na hindi mo magagawa sa mainstream..."

Mapapayo ba niya ang iba niyang kapwa-artista na mag-indie films na rin, lalo na ang mga baguhang artista?

"Alam mo, parang, I feel everyone should do indie [films]. Kasi, doon nila makikita ’yung deeper respect for the job or craft ng acting. ’Yung mga tao, iba ang devotion sa indie, e. Na with a small budget, makikita mo na ang sipag-sipag nila to make a very, very good art film."

Pero sabi ng iba, ang paggawa daw ng indie films ay parang "exploitation" lang sa paggawa ng filmmaker dahil maliit nga lang ang TF ng stars, pero napapagawa naman lahat.

"Hindi naman," di niya pag-sang-ayon. "I really don’t know. I didn’t feel that noong in-accept ko ang movie na ito."

Hindi siya naniniwala na patay na o naghihingalo na ang Philippine movies?

"Sana nga, matutunan na mga tao na ma-appreciate ang independent films. Dito, primary consideration ko, maganda talaga ang script. Gusto ko talaga ’yung script.

"Tapos, ’yun nga, ’yung dalawa lang kami, parang, ’Uy! Wow!’ May Boracay shoot pa."

Kumusta ang pakikipagtrabaho niya with Direk Joven Tan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"I’ve worked with him before sa Biyahera with Gardo Versoza, latter part na ’yun of Seiko Films days. So this is my second time with him. Actually, wala na ako sa Seiko noon eh," kuwento ng aktres.

Ano’ng masasabi ng isang Rita Avila na sa panahon ngayon, mas namamayagpag ang TV kesa sa movies? Na ang mga artista’y mas sumisikat na lamang sa small screen kesa sa pelikula, tulad noong time nila nina Gardo at Jestoni sa Seiko?

"Well, kasi, di ba nga, affected tayo ng pirated films, ’yung ganyan, so it’s easier for people to buy na lang a DVD and watch at home. It’s just too bad na ganoon.

"Kaya nga, sana, itong independent films natin, e, mabuhay. I’m happy ’pag may mga kumikitang commercial films. Kaya lang, sa Philippines kasi, parang ang ina-adore lang nila, parang ’yung mga younger artists natin.

"Unlike sa States or Europe, parang the older you get, the juicier your roles become. And ’yun nga, you get more respected."

Kumusta naman ang pagsuporta sa kanya ng husband niyang si Direk F.M. Reyes (direktor ng ABS-CBN drama shows)?

"Oh, he’s very very supportive. Kasi, when I read the script, sabi ko sa kanya, ’You wanna read it before I say yes?’ Sabi niya, ’No, I trust you!’ So, I’m very happy," pagtatapos ni Rita.


SCREENINGS AT UP DILIMAN. Aside from Magdamag, other Cinemalaya Netpac films will be screened at the University of the Philippines-Diliman, Quezon City this September. TJ Trinidad’s directorial debut MKAK will be screend this Thursday, September 2; Mes de Guzman’s Ang Mundo sa Panahon ng Yelo on September 8; Khavn de la Cruz’s The Trial of Mister Serapio on September 16; and Arnel Mardoquio’s Sheika on September 21. All screenings will be held at the Main Cinema (Cine Adarna) at 7 pm.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN