Horror-love story Gayuma features a "dancing Santo Niño"

" data-url="https://www.pep.ph/guide/arts-and-culture/6744/horror-love-story-gayuma-features-a-dancing-santo-nio" data-desc="Mercedes Cabral is paired with newcomer Kalil Almonte in this Alvin Yapan film." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/c7b6a3c5d.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/guide/arts-and-culture/6744/horror-love-story-gayuma-features-a-dancing-santo-nio" data-desc="Mercedes Cabral is paired with newcomer Kalil Almonte in this Alvin Yapan film." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/c7b6a3c5d.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/guide/arts-and-culture/6744/horror-love-story-gayuma-features-a-dancing-santo-nio" data-desc="Mercedes Cabral is paired with newcomer Kalil Almonte in this Alvin Yapan film." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/c7b6a3c5d.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/guide/arts-and-culture/6744/horror-love-story-gayuma-features-a-dancing-santo-nio" data-desc="Mercedes Cabral is paired with newcomer Kalil Almonte in this Alvin Yapan film." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/c7b6a3c5d.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/guide/arts-and-culture/6744/horror-love-story-gayuma-features-a-dancing-santo-nio" data-desc="Mercedes Cabral is paired with newcomer Kalil Almonte in this Alvin Yapan film." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/c7b6a3c5d.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/guide/arts-and-culture/6744/horror-love-story-gayuma-features-a-dancing-santo-nio" data-desc="Mercedes Cabral is paired with newcomer Kalil Almonte in this Alvin Yapan film." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/c7b6a3c5d.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/guide/arts-and-culture/6744/horror-love-story-gayuma-features-a-dancing-santo-nio" data-desc="Mercedes Cabral is paired with newcomer Kalil Almonte in this Alvin Yapan film." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/c7b6a3c5d.jpg">


Newcomer Kalil Almonte (back to camera) and Mercedes Cabral topbill the horror-love story Gayuma. This indie film, shot mostly in Bicol, features a "dancing Sto. Nino."


Naglikha ng "ingay" ang baguhan ngunit magaling na aktres na si Mercedes Cabral sa critically-acclaimed indie films na Serbis at Kinatay ng Cannes Best Director na si Brillante Mendoza. Dito siya napansin ng ilang foreign film critics, lalo na noong um-attend ito sa Cannes Filmfestival.

Mga makabuluhang indie films rin ang nilabasan niya the past two years. Kabilang na dito ang Ang Panggagahasa Kay Fe ni Direk Alvin Yapan na nagwagi ng Golden Prize Award for Best Digital Feature Film at the 33rd Cairo International Film Festival.

Nagwagi rin ang pelikula ng Special Jury prize sa Cinemalaya 2009, gayundin ang Ani ng Dangal award by the President of the Philippines and was nominated for five Gawad Urian Awards.

Last Cinemalaya 2010, dalawa ang entries na kasama sa cast si Mercedes: Magkakapatid at Si Tetchie, Si Teknoboy, at si Juana B, bukod pa sa isa rin siya sa lead stars ng opening film ng nasabing indie film fest, ang Ganap Na Babae.

Ngayong 2010, may bagong pelikulang pinagbibidahan si Mercedes: ang Gayuma (International title: Pilgrim Lovers), isang horror-love story. Ito ay mula pa rin sa grupo na gumawa ng Panggagahasa... (topbilled by Irma Adlawan), ang writer-director nitong si Alvin Yapan, at ang executive producer nitong si Alemberg "Alem" Ang.

Kapwa Atenista sina Direk Alvin at Alem, at natuturo pa ng Filipino si Direk Alvin sa Ateneo de Manila University.

Sa panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP) kay Alem Ang sa pamamagitan ng email, inamin nitong sinulat ang script ng Gayuma para lamang sa underrated actress na si Mercedes Cabral na mina-manage ng isa pang indie director-producer na si Mark Shandii Bacolod.

"The movie was written specifically for Mercedes Cabral. We feel kasi that she is underrated and underutilized sa industriya. She is known internationally, but here in the Philippines, people do not give her enough credit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The roles she’s given do not give justice to the immense talent that she has. Kaya namin naisipang gawin ang Gayuma specifically for her. And we’re casting her out of type. Dito, mayaman siya, sosyal, always in control and very poised and cultured. A strong woman pa rin, pero in a very youthful way. Here, she will make you fall in love with her and in some cases, also make you cry."

Ang buong pelikula ay ginawa sa Bicol, at ang lengguwahe ay Bicolano. Introducing sa pelikula si Kalil Almonte. Ayon kay Alem, ginusto sana nilang isang Bicolano actor ang kunin.

"We already chose an actor kaso nu’ng magshu-shoot na, nag-backout.," lahad ni Alem. "First film niya kasi ito at medyo nag-hesitate nu’ng nalamang may nudity. The usual, baka raw malaman ng pamilya niya.

"So we looked for someone na in Manila. We auditioned theater actors from Tanghalang Pilipino at isang indie actor, pero hindi nag-work. All the while, mahahanap lang pala namin ang gusto naming actor sa aming bakod, sa Ateneo: si Kalil nga."

Si Kalil Almonte ay isang stage actor sa Ateneo. After college, nagtrabaho na siya sa isang American company, pero nang ma-cast sa Gayuma ay nag-leave of absence lang ito sa trabaho.

Kuwento ni Alem, "Both Kalil and Mercedes had to learn Bicol. We spent about a month learning and rehearsing the lines with them para lang makuha nila ang accent nang tama. We even gave them a recording of the entire script para mapakinggan nila on their own.

"Ang nakakatuwa, one of the prominent Bicol writers na naging cast din namin sa movie, si Frank Penones, said na para raw talaga silang taga-Bicol.

"Lahat ng supporting cast ay taga-Bicol. Ang tanging dalawang leads lang ang taga-Maynila. Karamihan sa kanila ay hindi professional actors though marami sa kanila may experience na sa theater sa Bicol."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


May itsura at matangkad ang isa sa cast na si Robyn John Reyes, isang gymnast at part-time model na sophomore college student sa Ateneo de Naga.


SYNOPSIS. Ayon kay Alem, ang Gayuma ay isang love story na may horror element. "May isang mahirap na ampon na sacristan, si Delfin (Kalil) na may pagtingin sa mayamang si Carla (Mercedes). Volunteers ang barkada ni Carla sa simbahan at doon nagkamaigihan sina Delfin at Carla.

"May element of horror ang film kasi in between the love story of the two, may isang bangkay na na-possessed. At ang nag-possess sa bangkay na ito ay nagsasalita through a ’dancing Sto. Niño.’ At ’yung pamilya nu’ng bangkay pinapa-exorcise na sa pari.

"Itong sumasayaw at nagsasalitang Niño ay ang nagsabi kay Delfin na gayumahin si Carla. Ginawa naman ng bata. Kaya tuloy, nu’ng napamahal na sa kanya si Carla, pinagdududahan na ni Delfin kung tunay nga siyang minahal ni Carla."

Ano’ng kaibahan ng pelikula sa ibang horror-love story films?

"Hindi ito ’yung tipong horror na expected natin of local and Asian films. Hindi kami ’yung type na bigla na lang manggugulat o bigla na lang may mga usok na lalabas tapos may isang nakakatakot na heavily made up na lalabas. Ang horror namin ay subtle lang. ’Yung tipong pwedeng mangyari sa totoong buhay," aniya.

Paano nagsimula ang material ng Gayuma bago nila ito naisip na isapelikula?

"Una, dahil tubong Bicol si Direk Alvin. Actually nga, gusto talaga namin gumawa ng Peñafrancia movie kaso naunahan na kami [ni Direk Marilou Diaz-Abaya]. Gusto sana naming ikwento ang nangyari sa Virgin ng Peñafrancia... Dahil nga naunahan na kami, gumawa na lang kami ng sarili naming Bicol film.

"Since naging successful ang pagpasok namin ng horror sa Panggagahasa Kay Fe, naisip naming ituluy-tuloy na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang kwento talaga ng Niño na kinakausap at hinahabol ang isang tao ay totoong napanaginipan at nangyari sa aming musical scorer na si Jema Pamintuan (na isa ring Filipino teacher sa Ateneo).

"Nu’ng bata siya, napanaginipan niya ito kaya nu’ng naikwento niya kay Direk Alvin, ginawan ito ni direk ng isang short film na ngayo’y binuo niya at ginawa naming full length.

"Ang kwento naman ng possessed at sumasayaw na Niño ay nabasa rin namin sa news. Gusto kasi namin gumawa ng commentary rin sa mga kung anu-anong pinaniniwalaan ng mga Pinoy tungkol sa mga mahiwagang santo na minsan ay malalaman na lang natin na gawa-gawa na lamang nu’ng may-ari nito.

"Dahil sa mga tinatawag na ’folk beliefs’ nawawala tuloy ang totoong pananampalataya tungkol sa mga santong ito," salaysay ni Alem.

Kuwento pa rin ni Alem, sampung tao lang silang bumuo ng buong pelikula, dahil multi-tasking ang naging "roles" ng bawa’t isa sa production crew.

"Masasabi mo talagang kami-kami productions ito. Para nga kaming mga estudyante lang na gumagawa ng thesis. Kasi nga, wala kaming budget.

"We only had about P300,000 shooting budget mula sa napanalunan namin sa Cairo International Film Fest. At ’yun na ’yun. Wala na kaming ibang producers or sponsors. Kaya nga kahit na may mga volunteer pa kaming willing magtrabaho for free ha, at mga award-winning na ang mga ito mula sa Cinemalaya, hindi namin sila ma-accommodate.

"Kasi, ang afford lang naming dalhin sa Bicol ay ’yung magkakasya sa iisang van lang. ’Yun lang talaga. Plus, ang mahal din ng accommodations and food."

Kumusta naman katrabaho si Mercedes this time?

"Nakakabilib siya. Nakatrabaho namin siya sa sitwasyong inding-indie talaga. Pati nga si Mercedes, bahagi ng crew, e. Siya ’yung tumayong make-up artist namin. Siya ’yung gumawa nu’ng pasa at putok sa labi ni Delfin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At si Kalil namin, katulong namin as PA at utility. Sobra talaga nakakatawa kami. Ang gusto lang talaga namin ni Alvin ay gumawa ng pelikula. Na-miss na kasi namin, e.

"Dahil sa kakulangan ng budget, kailangan talaga kami maging creative. Ang dolly namin, wheelchair.

"’Yung clapper namin, ’yung mga white board na pambata na may a-b-c pa sa paligid nito at ang mismong "clapper" ay ang pag-clap namin ng aming mga kamay. Wala rin kaming ilaw.

"Posible kasing lumampas ng 200,000 ang babayaran para lang may ilaw at generator. Buti na lang at naawa sa’min ang ibang mga filmmaker tulad ni Ana Agabin (ng indie filma na 24K) at ang sound provider namin na si Ari Trofeo at ipinahiram ang mga ilaw nila nang libre.

"’Yung finale namin sa isang napakagandang waterfalls sa Bicol namin shinoot. And the night before, grabe ang ulan. Takot nga kaming baka di kami maka-shoot. Buti na lang tumigil that morning.

"Kaso, pagdating namin sa falls, sobrang dulas at ’yung falls talaga, rumaragasa ang pagbuhos. Kaya nga nu’ng kailangan nang magbabad sina Mercedes at Kalil sa tubig, makikita mo talagang nangingig sila involuntarily.

"Dapat kasi paliliguan ni Mercedes si Kalil dito. At sobra talaga kaming napahanga sa kanila na natiis nila ’yung ganoong kalamig na tubig!" mahabang kuwento ng film producer.

PRODUCTION CREW. Alvin B. Yapan - writer-director-cinematographer-producer; Alemberg "Alem" Ang - executive producer-assistant director-art department-production assistant; Ramil Plofino - editor-second cameraman; Tonee Acejo - production manager/designer-line producer; Ingrid Toribio - line producer-asst productin manager-art director.

Bukod sa pagiging propesor sa Ateneo, isang award winning fiction writer si Direk Alvin Yapan. Nagwagi na ito ng top prizes in literature sa bansa -- four Palanca Awards for Excellence in Literature, a National Commission for Culture and the Arts Writers Prize and the National Book Award to name a few.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang unang short film na ginawa niya, ang Rolyo, ay nagwaging best short film sa Cinemalaya 2007 at sa Gawad Urian Awards 2008, and competed as the Philippine entry to the Paris Film Festival 2008.

PRODUCER’S PROFILE. Samantala, si Alemberg Ang ay nagtapos sa Ateneo de Manila University ng AB Communication. Pumasok siya sa pagtuturo. Una, sa Ateneo de Manila High School bago lumipat lumipat sa high school alma mater niyang Xavier School.

"Doon nagturo ako, of all subjects, Filipino! 100% Chinese ako kaya very unusual na Filipino pa ang tinuro ko. After becoming the department chairperson of Filipino and coordinator ng Electives Program, nag-decide akong umalis sa pagtuturo.

"After more than 10 years of teaching, I decided to leave. Napagod na rin ako. At gusto kong mag-pursue ng something creative. So ’yung pag-offer sa akin ni Direk Alvin na i-produce ang Panggagahasa, medyo biglaan ’yun.

"Kailangan niya kasing maglagay ng pangalan as his producer for Cinemalaya nu’ng nag-aapply pa siya. So he asked me if I’m interested. Kumagat naman ako na di namamalayan kung anong kaakibat ng pagiging isang producer.

"At sabi nila, if you’re bitten by the indie bug, tuluy-tuloy na," pagtatapos ng indie film producer na si Alem Ang.

" data-url="https://www.pep.ph/guide/arts-and-culture/6744/horror-love-story-gayuma-features-a-dancing-santo-nio" data-desc="Mercedes Cabral is paired with newcomer Kalil Almonte in this Alvin Yapan film." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/c7b6a3c5d.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/guide/arts-and-culture/6744/horror-love-story-gayuma-features-a-dancing-santo-nio" data-desc="Mercedes Cabral is paired with newcomer Kalil Almonte in this Alvin Yapan film." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/c7b6a3c5d.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/guide/arts-and-culture/6744/horror-love-story-gayuma-features-a-dancing-santo-nio" data-desc="Mercedes Cabral is paired with newcomer Kalil Almonte in this Alvin Yapan film." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/c7b6a3c5d.jpg">


" data-url="https://www.pep.ph/guide/arts-and-culture/6744/horror-love-story-gayuma-features-a-dancing-santo-nio" data-desc="Mercedes Cabral is paired with newcomer Kalil Almonte in this Alvin Yapan film." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/c7b6a3c5d.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/guide/arts-and-culture/6744/horror-love-story-gayuma-features-a-dancing-santo-nio" data-desc="Mercedes Cabral is paired with newcomer Kalil Almonte in this Alvin Yapan film." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/c7b6a3c5d.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/guide/arts-and-culture/6744/horror-love-story-gayuma-features-a-dancing-santo-nio" data-desc="Mercedes Cabral is paired with newcomer Kalil Almonte in this Alvin Yapan film." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/c7b6a3c5d.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/guide/arts-and-culture/6744/horror-love-story-gayuma-features-a-dancing-santo-nio" data-desc="Mercedes Cabral is paired with newcomer Kalil Almonte in this Alvin Yapan film." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/c7b6a3c5d.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN