Gina Pareño stars with Mario O’Hara in Tagalog version of American Hwangap


The cast of American Hwangap is composed of (seated, L-R): Bembol Roco, Gina Pareno, Celeste Legaspi and Mario O’Hara: (standing, L-R): Jeremy Domingo, Liesl Batucan, and Nico Manalo. Chris Millado directs this Tanghalang Pilipino production, with playdates from September 10 - October 3, 2010 at the CCP-Little Theater.


Sa unang pagkakataon, sasabak si Gina Pareño sa pagganap sa entablado, sa pamamagitan ng dulang American Hwangap ng Tanghalang Pilipino. Dagdag pa rito ang pag-fulfill ng veteran actress sa kanyang commitments sa mainstream showbiz. Bahagi siya ng cast ng TV remake ng Mara Clara drama series (sa ABS-CBN) at ng launching movie ng tambalang Enchong Dee at Erich Gonzales para sa Star Cinema na may titulong I Do.

"Yes, mahal. Alam mo ba, kung tutuusin, ang schedule ko, araw-araw," magiliw na sabi ni Ms. Gina, nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal), kamakailan. Ipinakita pa niya ang dala-dalang talaan ng kanyang taping at shooting schedules, na halos walang bakanteng araw. Ito ay sa kabila ng kanyang pagganap para sa two-week run ng American Hwangap starting this Friday, September 10.

"Araw-araw ang schedule ko... tingnan mo... rehearsals [para sa American Hwangap], tapos, shooting ako ng I Do, then, balik ako sa CCP [rehearsals uli]. Tapos, mag-start ako ng new teleserye (Mara Clara), sa September 18. Araw-araw, palipat-lipat ako. Iba-iba ang mood ko, araw-araw..."

ON DOING HER STAGE DEBUT. Masaya na kinakabahan si Gina Pareno habang ongoing ang kanilang pagre-rehearse para sa nalalapit na gala premiere ng American Hwangap sa CCP Little Theater.

Dalawang bersiyon ang inihanda, kaugnay ng dula (isang orihinal na English version by Korean playwright Lloyd Suh, at isang isinalin sa Tagalog ni Joi Barrios). Sa Tagalog version, gaganap si Gina bilang Mary, ang kapareha ang veteran actor-director na si Mario O’Hara na gaganap bilang patriarch na si Min Suk. Kasama nila ang tatlo pang aktor na gaganap na mga anak nila: Jeremy Domingo (David), Liesl Batucan (Esther), at Nicco Manalo (Ralph). Sa direksiyon ito ni Chris Millado.

Ang Tagalog version ang magbubukas ng dula sa September 10. Sa ikalawang weekend, ’yun namang English version, with Bembol Roco and Ms. Celeste Legaspi, as the couple Min Suk and Mary, respectively.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nandu’n ’yung halong pangangamba, at talagang may pangangatog," pag-describe pa ni Ms. Gina sa nararamdaman, "na natatakot sa mga kasama ko, magagaling kasi silang lahat!

Kuwento pa ni Gina, sa unang araw pa lamang, na magri-reading ang buong cast, naramdaman na raw niya ang takot at kaba.

"Nakita ko sila, lahat ng involved, sabi ko, ’Ay, ang gagaling! Napaka-dedicated! Ganito pala ang acting dito," sabi pa ng aktres. "Actually, ’yung pagre-rehearsal namin noon, umabot na ako ng ikatlong araw ng pagre-rehearse, pero, sa totoo lang, e, wala pa akong name-memorya. Sa pang-apat na araw naming reading, unti-unti kong naramdaman ’yung... nu’ng malapit na kaming mag-pack-up, magti-ten ng gabi... sabi ko, masarap, ah, parang masarap!

’Kaya ngayon po, e, magsisimula na po akong lasapin na po ang teatro," nakangiting banggit pa ni Ms. Gina. "At ako’y nagpapasalamat. Iba ang kasarapan ng teatro. Masarap... may kurot!"

BIG BOOST TO THEATER. Bilang aktres, sa hindi pa nasusubukang medyum ng entablado, sa mahigit apat na dekada na niyang pamamalagi sa local entertainment world, narito raw ngayon si Gina Pareño upang makiisa sa mga kasamahang artista.

"Actually, wala naman akong gustong patunayan, kundi, gusto kong masama sa kanila," pagtukoy ni Ms. Gina. "Para sa sa sarili ko, okey na rin ito, kasi, unang-una, another style, di ba? In six weeks, tatapusin itong play. Then, I will still continue to journey and be a channel of inspiration to other people."

Naunawaan na rin ni Gina kung bakit mataas, kundi man higit na mataas, ang pagtingin ng mga kapwa niya artista sa mga mandudula o theater artists.

"Nakita ko ’yung disiplina nila, e," aniya pa. "’Pag sinabing reading, nobody walks around, background lang ang naka-paligid. Kung tutuusin, kaya pala sila hanggang ngayon nandito pa, at sikat na sikat, kasi iba ang disiplina nila; sa time, ’yung pagri-reading, lahat nando’n. Lahat sila, disciplined.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, iba naman. Ibang aspeto. Masarap!" bulalas pa ng masayahing aktres. "Kaya gusto kong... sana manatili ako. Sana hindi lang ito ang una’t huli kong pagti-teatro."

Para sa pagpasok niya sa daigdig ng teatro ay binibigyang-kredito ni Gina Pareno, bukod kay Tata Nanding (Fernando Josef, Artistic Director of Tanghalang Pilipino), ang direktor na si Jeffrey Jeturian na naging direktor niya sa award-winning indie film na Kubrador (2006).

Para naman sa kasamahang highly acclaimed at multi-awarded singer-actress na si Celeste Legaspi: "It’s a very good thing that Gina Pareño is with us. It’s a big boost to Philippine theater!"

CCP TRIBUTE. Bilang pagbibigay pugay kay Gina Pareno, nagkaroon ng special screening ng pelikulang Krimen (Kayo Ang Humatol), noong ikatlong linggo ng Agosto, bago nagsimula ang rehearsal schedules ng aktres, para sa dulang American Hwangap.

Ipinalabas noong Hunyo 1974, bilang entry sa Manila Film Festival, ang Krimen (Kayo Ang Humatol) na prinodyus ng Red Lions Productions, sa direksiyon ni Jun Raquiza, ang unang pelikulang napagwagian ng best actress award ni Gina Pareño. Kabituin niya sa pelikulang ito sina Marianne dela Riva at Leo Angelo (screen name ni Raquiza).

"Ang ganda! Ang ganda ko pala nu’ng bata!" natatawang banggit din ni Gina nang mapag-usapan ang isa sa pinakamahahalaga niyang pelikula noong 1970’s. "Sabi ko, ’my God! Naging maganda rin pala ako nu’ng bata... uy, naging maganda rin pala ako nu’ng araw; maganda pala ako noon!

"Tuwang-tuwa ako sa CCP. Binigyan nila ako ng CD [ng Krimen]. Tapos, niyaya ko lahat ng mga anak at apo ko, kumpleto kami," masayang pagkwento pa ni Ms. Gina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN