Tarima will be screened in select cinemas by November 3


Tarima, an indie film starring Fanny Serrano and Rocky Salumbides, has been given a rating of R-18. This Buboy Tan film will be screened in select cinemas starting November 3, 2010.




Hindi akalain ni Fanny Serrano na sasalubungin siya ng mga hindi-kaaya-ayang balita tungkol sa pinaghahandaang regular commercial run ng indie feature na Tarima. Siya ang bida ng pelikula kasama sina Rocky Salumbides, Chokoleit, Rustica Carpio, at Gloria Romero, among others.


Noong September 27, napag-alaman ni TF, through Direk Buboy Tan, na hindi na matutuloy ang orihinal na September 29 playdate ng Tarima. Na-move ’yon, tentatively, to October 27, halos isang buwan mula sa unang schedule.


Nakipag-meeting, diumano, ang isa sa mga producer ng indie movie, si Mr. Rey Maclang, ng Blue Gold Productions, Inc., sa mga theater bookers, only to find out na maging ang October 27 ay hindi na rin uubra.


Ang rason: dalawang malalaking pelikula ng dalawang mainstream movie productions, ang naging "hadlang" sa pagpapalabas ng Tarima sa ilang selected cinema houses, sa Metro Manila at karatig-pook.


Una, ang Petrang Kabayo ng Viva Films. May schedule itong October 13 na na-move mula sa original date na September 29.


Ikalawa, ay ang Regal Entertainment, na may pelikulang suspense-thriller, pinamagatang White House.


Nang ma-desisyunan ng Tarima producer ang October 27 playdate, hindi rin ito natuloy dahil naman sa Regal Entertainment, na hindi umano nagbigay-daan sa naturang playdate. Pang-todos los santos kasi ang katatakutang pelikula ni Mother Lily Monteverde ng Regal Films.


Instead, matutuloy na ang showing ng Tarima, in select theaters, sa November 3. Samantala, ang indie film na ito’y approved without cuts ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), with an R-18 rating.


FANNY’S SENTIMENTS. Sa naging kaganapan, naiparating ni Fanny Serrano sa PEP ang kanyang sentimyento hinggil sa ilang ulit na pagkaka-move ng Tarima to a later playdate.

"Kawawa naman ang mga indie producers. Kahit anong gawin support sa kanila, ng mga katulad namin, sa paggawa ng matinong indie movie, e, hindi pa rin pina-prioritize ng mga theater owners," wika ni Fanny, na nagbida rin last year sa indie feature na Tulak, also directed by Neal Tan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Well, I can always understand naman. Business is business talaga! Ano nga ba naman ang panlaban ng mga indie sa mainstreamers?" sabi rin ni TF.


Bilang konsolasyon sa sarili ang pakiki-simpatiya rin sa mga prodyuser at mga kasama sa pelikula, nasabi rin ni Tita Fanny: "Ang totoong maipagmamalaki namin ay nakagawa kami ng isang pelikulang (tulad ng Tarima) hindi magsasayang ng oras, pagod, at pera ang manonood..."

HEARTFELT COMMENTS. May katwiran si Tita Fanny sa kanyang nabanggit. Patunay ang sinasabi niyang mga "heartfelt comments" mula sa iba’t ibang sektor, na nakapanood na ng Tarima, sa dalawa nitong malalaking premiere nights, kamakailan; una, sa Gala Premiere, sa Cultural Center of the Philippines (CCP), noong Agosto 28; at ikalawa, sa UP Cine Adarna premiere, last September 11, 2010.


"Matagal ko nang itinatago (sa aking cellphone) ang mga nai-send sa aking heartfelt comments ng mga nakapanood ng Tarima," ani TF, "ayaw ko sana ilabas, kasi parang nahihiya ako..."


Anyway, narito ang ilan sa mga papuri kay Fanny at mga nakasamang gumanap sa Tarima:


Mula kay Manny Valera (Regal Films’ supervising producer): "Fanny Serrano is at his acting best. It’s an endearing love story between Fanny and Rocky Salumbides, Nakakakilig talaga ang loveteam nila. Tarima is highly recommended!


From Charo Santos-Concio, ABS-CBN President: "Congratulations, Fanny Serrano, on this most important project, Tarima. I must say your performance is great. You came a long way since our Maalaala Mo Kaya? days and I’m proud of you."


Galing naman sa isang premyadong aktres at kaibigan ni Fanny na si Lorna Tolentino: "Congratulations, TF! Maganda ang Tarima! Siyempre, magaling ka at si Tita Gloria Romero! Good luck for its future international screenings!"


Isa pang de-kalibreng aktres at kaibigan ni TF, si Rita Avila: "Ang galing-galing! Do more movies Tita Fanny, ha!"


Mula kay Ole Morabe, Fashion Designer (FDAP): "I wanna commend Fanny Serrano for a brilliant performance in Tarima! ’Buti hindi niya ito tinanggihan at dapat nuon pa niya ginawa. Superb acting of my all-time fave, Dame Gloria Romero and the great Rustica Carpio. Though new, Rocky Salumbides delivered a fine performance. Kudos to Ana Capri who is always good and our dear, Oskar Peralta, who is so natural.
Congratulations!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Mula kay Tita Swarding, writer and radio host: "Totoong naramdaman ko ang puso ng Tarima! Bonggang-bongga!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN