K Brosas plays Zsa Zsa Zaturnnah in the musical


"Tailor-made" para kay K Brosas ang role niyang Zsa Zsa Zaturnnah, ang gay-beautician heroine sa musical play na Zsa Zsa Zaturnnah Ze Muzikal.


After 20 years, nagbabalik sa teatro ang beauty ni K Brosas. Siya ang isa sa gaganap na female lead (the other is Eula Valdes) sa pagre-restage ng Zsa Zsa Zaturnnah Ze Muzikal na gagawin sa RCBC Plaza Carlos P. Romulo Auditorium simula June 15 hanggang July 2, 2007.

Nakausap ng PEP (Philippines Entertainment Portal) si K sa interview para sa Backroom Artists noong Martes ng tanghali sa Baang Coffee, Tomas Morato Ave., at excited na ibinalita ng comedienne na gustung-gusto niya ang kanyang pagbabalik sa teatro.

"Bata pa lang ay kumukuha ng ako ng workshop kapag summer," kuwento ni K. Ang Zsa Zsa Zaturnnah Ze Muzikal ay inihandog na ng Tanghalang Pilipino for four runs. Last year pa raw siya inalok na magbida sa naturang stage play pero hindi naman umubra sa kanyang schedule kaya she had to turn it down.

"The role was tailor-made for me," wika ni K at sinabi pang napakagaling ni Eula (na siyang lumabas sa original stage play). "Bagay na bagay sa personality ko. Pati ang mga ad libs ko ay kuhang-kuha ng mga co-stars ko at swak na naman kami sa mga eksena.|

Sa kagustuhang magawa ang Zsa Zsa Zaturnnah, hindi muna tumanggap ng maraming trabaho si K habang patuloy ang play. Panay na raw ang rehearsal nila dahil sa June 15 na ang opening night ng stage musical. Si Eula ang magpe-perform sa opening night.

"Nakaka-pressure ang paglabas sa play pero ayoko itong isipin," sabi ni K. "Isa pa, ang laki ng venue. Pero excited ako dahil ngayon lang ako uli gagawa ng stage musical."

Ayon pa kay K, mahirap daw pala pagsabayin ang pagsasayaw, pagkanta, at pag-arte habang siya ay nasa entablado. Ang bentahe na lang ni K ay tailor-made sa kanyang personality ang role ni Zsa Zsa Zsaturnnah.

"Isa pa, kaya lalo akong nag-enjoy kasi ang gaganda ng songs sa play," sabi ni K.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag pa ni K, gusto niyang gumawa ng sarili niyang interpretation ng role that was originally done by Eula. Kailangan daw iba ito sa ginawa ni Eula.

"Ang isang pagkakaiba sa style ko ay ’yung kung kailan naging babae ang karakter ng bading, boses lalake naman siya. Doon pa lang ay nakakatawa na," kuwento ni K sa PEP.

Ang sipag-sipag ni K at lahat daw ng kanyang pagsisikap ay para sa kanyang anak. Sa Miriam College niya ito pinag-aaral kaya todo kayod ang comedienne dahil hindi biro ang magpaaral sa isang mahusay na eskwela.

Si K ay gumanap bilang Divina Demonica sa GMA-7 TV series na Darna .


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN