Ronnie Lazaro plays an ex-convict in Cinema One Originals entry Ishmael


Ronnie Lazaro (in photo) plays an ex-convict who tries to rebuild his life by returning to his hometown. Director Richard Somes says that this Cinema One Originals entry can be classified into the "Pinoy Western" genre.


Hindi mapapasubaliang isa si Ronnie Lazaro sa masasabi nating pinakamahusay na aktor sa industriya ng Pelikulang Pilipino. Sa kanyang extensive body of work sa pelikula man o telebisyon, nakatatak na kay Ronnie ang galing sa pag-arte.

Beterano sa larangan ng pagganap, 28 years ago na pala ’yun nang una tayong pinahanga ng isang Ronnie Lazaro sa film classic ni Director Peque Gallaga, ang Oro Plata Mata (1982), kunsaan na-nominate si Ronnie as Best Supporting Actor sa Gawad Urian noong 1983.

Two years after, 1985, ay muli siyang napansin ng mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino nang ma-nominate siya para sa natatangi niyang paggganap sa Boatman, considered to be a landmark film. This time ay for Best Actor na ito.

Dalawampung taon ang lumipas, 2005, nang muli siyang ma-nominate for Best Actor sa Gawad Urian pa rin, para sa Ebolusyon ng Pamilyang Pilipino (1994) ni Direk Lav Diaz. Sa taon ring ito siya napansin ng Film Academy of the Philippines (FAP) nang ma-nominate naman siya for Panaghoy Sa Suba (2004), directed by Cesar Montano, as Best Supporting Actor.

Year 2008 sa FAP Awards pa rin, nang muli siyang ma-nominate (Best Supporting Actor), para sa Ataul For Rent (2007) ni Direk Neal Tan.

Last year, 2009, pagkatapos ng maraming taon na huli niyang pagbibida sa pelikula, muling dumapo ang suwerte sa mga palad ni Ronnie upang maging film lead actor. Ito ay para sa Yanggaw na entry ng Cinema One Originals 2009, directed by film/ TV production designer-turned-filmmaker na si Richard Somes.

Hindi sukat akalain ni Ronnie na sa pagkakataong ito, sa loob ng mahabang panahon niyang pagiging "perennial nominee" sa iba’t ibang award giving bodies, sa wakas ay makakamit na niya ang pinakamimithing tropeo bilang pinakamahusay na aktor.

Sa Gawad Urian 2009, hindi na ipinagkait ng mga Manunuri ang mailap na karangalan. Nanalo na si Ronnie bilang Best Actor for Yanggaw. Kung kaya’t sa Gabi ng Parangal, naging madamdamin at emosyonal nga ang kanyang acceptance speech, tumatagos sa puso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maliban sa Best Actor win niya for Urian para sa Yanggaw, na-nominate rin siya as Best Actor sa PMPC Star Awards for Movies at sa Golden Screen Awards sa parehong pelikula.

Ngayong 2010, a year after his award-winning performance in Yanggaw, muli nating mapapanood si Ronnie sa isa pang Cinema One Originals entry ngayong taon.

Bidang-bidang muli ang mahusay na aktor--and a title role at that--sa Ishmael, written and directed by Richard Somes, na siyang nakapagbigay sa kanya ng kanyang first Best Actor trophy mula sa Urian.


Ang Ishmael ay isa sa pitong entries na maglalaban para sa 6th edition ng Cinema One Originals digital film fest na gaganapin mula November 10-16, 2010 sa Shangri-La Cinema sa Mandaluyong City.


Samantala, ang iba pang entries sa Cinema One Originals 2010 ay ang: Astro Mayabang directed by Jason Paul Laxamana; Third World Happy directed by EJ Salcedo; Dagim directed by Joaquin Pedro Valdes; Tsardyer directed by Sigfreid Sanchez; Ang Damgo ni Eleuteria Kirshbaum directed by Remton Zuasola; at Layang Bilanggo directed by Michael Angelo Dagñalan.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Direk Richard Somes sa pamamagitan ng e-mail, tuwang-tuwa ito dahil siya ang director na nakapag-panalo sa isang Ronnie Lazaro ng first acting award, pagkatapos ng maraming taong pagkaka-nominate lamang.

"Tuwang-tuwa at napakasaya ko sa Best Actor award na ’yun ni Ronnie, he certainly deserves it. At galing pa sa Urian ’yun," simula ni Direk Richard.

Sa Ishmael na second collaboration nina Direk Richard at Ronnie as filmmaker-actor tandem. "Pinoy western genre" ang description ng dirketor sa kanyang pelikula. Dito ay gumaganap si Ronnie sa role ng isang ex-convict na sa kanyang paglaya ay hahanapin nito ang kanyang kapalaran, para lamang madiskubre nito ang kanyang violent na nakaraan na isang bangungot.

SYNOPSIS. Narito ang buod o synopsis ng Ishmael: After serving his time in jail for twelve years for the crime of murder, Ishmael is now a free man. Alone and confused, he decided to come back home to find peace and solitude in a place familiar to him. But his dream of rebuilding his shattered past is shaken, when a mysterious innocent girl ends up in his front yard. The girl who is also running away from her own horrible past seeks the help of the ex-convict.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Keeping his distance from the outside world to stay away from more trouble, Ishmael avoided the girl and leaves her all alone frightened and hurt. But just when he thought that he’d already run away from his own demons, Ishmael slowly discovers that the quiet town he once knew is no longer a safe place to stay.

A powerful religious cult headed by an enigmatic leader only known as the "Ama" is running the town. Ishmael finds out that his connection with the girl would awaken his nightmares and violent past.

Bakit ito ang napili niyang materyal?

"Unang-una, simple lang ito, exciting, at bago. Hindi nito kailangan ang heavy subplots at themes. You just have to follow the characters and wait for the story to unravel."

CAST. Bukod sa bidang si Ronnie Lazaro, kasama rin sa cast ng Ishmael sina Mark Gil bilang Ama, Pen Medina bilang Nestor, Ria Garcia bilang Agnes, at Dan Alvaro bilang Lando.

Bakit nga ba ang cast na ito ang napili ni Direk Richard for this movie?

"Bagay na bagay sa kanila ang kanilang roles," ani Direk Richard. "I just thought they are all fit for the role. Classic ang mga looks nila as actors. Hindi rin matatawaran ang acting nila eversince.

"Gumagawa ako ng isang timeless kind of Pinoy western tale of a movie, at nakita kong swak ang mga characters nila sa napili kong cast. And most importantly, they can give a lot of dimension to their characters, na siyang pinakamahirap sa ganitong klase ng material."

Ano ang kanyang vision o statement na nais iparating sa kanyang audience para sa Ishmael?

"I have been longing to do homage to the Pinoy western genre. Sa maraming tao, they find it cliché na o or overrated, pero para sa akin, ang genre na ito ay very significant sa Filipino film industry na nakalikha ng maraming influences at inspirasyon sa industriya mismo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It offers a kind of classic and original material. Tingnan mo ang Fernando Poe, Jr. movies. Timeless ang mga ’yun, and may style of its own.

"So, nu’ng nabuo ko na ang istorya ng Ishmael, sobrang na-excite ako dahil nabigyan ako ng pagkakataon na gawin ang isang pelikulang malapit sa puso ko--a story grounded on revenge, redemption and honor.

"And given a new kind of style and idea, Ishmael will open its doors again to a genre that was once forgotten," saad ni Direk Richard.


PRODUCTION STAFF.

Director: Richard V. Somes

Line Producers: Riza Montelibano and Barbarra Montelibano

Directors of Photography: J.A. Tadena, Louie Quirino, Herman Claraval, Alex Espartero

Production Designer: Adrian Torres

Art Directors: Elmer Gamila and Charles Albert Alabado

Production Manager: Darry Dela Cruz

Costume Designer: Adrian Torres

Asst Director: James Montelibano

2nd Asst Director: Candy Nagrampa


DIRECTOR’S PROFILE. Si Director Richard Villarosa Somes ay ipinanganak noong November 15, 1977. Nag-aral ng elementary at high school sa hometown nitong Bacolod City, at nagtapos ng kolehiyo sa JBLCF-Bacolod, ng kursong B.S. in Marine Transportation.

Nagsimula bilang production designer for movies, sa larangang ito siya nagkamit ng ilang mga karangalan.

Para sa Bong Revilla-action epic na Exodus: Tales From the Enchanted Kingdom (2005), nanalo siya ng tatlong tropeo as Best Production Designer: Una ay sa Metro Manila Film Festival-Philippines 2005; ikalawa ay Maria Clara Awards 2006; at ikatlo’y para sa Film Academy of the Philippines 2006.

Para naman sa maituturing niyang isa pa niyang "obra" as production designer na Ang Panday (ni Senator Revilla pa rin), nagwagi si Direk Richard as Best in Production Design para sa 35th Metro Manila Film Festival Philippines 2009, pati na sa PMPC Star Awards for Movies 2010.

Para naman sa indie film niyang Yanggaw, kinilala rin ang kanyang busay bilang director naman. Sa Cinema One Originals 2009, nagwagi siya as Best Director, at sa 25th PMPC Star Awards for Movies ay wagi uli si Direk bilang Digital Movie Director of the Year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kanyang mga nominasyon naman bilang Best Production Designer ay ang mga sumusunod: Gagamboy (2003) para sa MMFFP’03; Pa-Siyam (2004) para sa Gawad Urian Awards 2005; Exodus: Tales from the Enchanted Kingdom (2005) para sa FAMAS 2006; Iskul Bukol (2008) para sa 34th Metro Manila Film Festival-Philippines 2008.

Bilang director naman, na-nominate siya sa mga sumusunod: Shake Rattle in Roll 2k5 sa Metro Manila Film Festival 2005; Yanggaw (2009), both for Golden Screen Awards at Gawad Urian Awards.

FILMOGRAPHY. Sa Art Department, ang mga unang pelikula ni Direk Richard ay ang: Ekis: Walang Tatakas (1999) (set designer) at Scorpio Nights 2 (1999) (set dresser).

Bilang Art Director, ginawa niya ang: Mano Po 2: My Home (2003); Prosti (2002); Dos Ekis (2001); Sa Huling Paghihintay (2001); Pedro Penduko, Episode II: The Return of the Comeback (2000)

As Production Designer for Movies: Ang Panday (2009); Iskul Bukol (2008); Exodus: Tales from the Enchanted Kingdom (2005); Pa-Siyam (2004); Gagamboy (2004).

Sadyang marami na rin siyang ginawang TV commercials bilang isang Production Designer, mula pa noong 2005 until today. Dito nga siya "humahataw", kumbaga.

Kabilang sa mahabang listahang ito ang: Ariel ni Vilma Santos, Smart ni Heart Evangelista, 555 Sardines ni Vic Sotto, Bioflu (Kuya), Neozep Neonovela Series, Tide (Belo), Motillium (Obama), among many others kunsaan naging "suki" na ng maraming advertising agencies si Direk Richard.

Bilang Production Designer naman for print ads, ginawa niya ang Bayantel Internet Card ni Karel Marquez noong 2006; at ang latest ay ang Jag Jeans ng mga big stars na sina Robin Padilla and Marian Rivera ngayong 2010.

As Production Designer for TV: Kagat ng Dilim, IBC-13 (1999-2000); Rounin (2007); at Imortal, ang current ABS-CBN teleserye nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz (2010).

Bilang Writer: Yanggaw, 2008 (story and co-screenplay); Pa-Siyam, 2004 (story); Dos Ekis, 2001 (co-screenplay); Shake Rattle in Roll 2k5, 2005; Kagat ng Dilim, IBC 13,1999-2000 (episode writer and story contributor).

As Director: Music Video ng Wait Until Dark by MOYG (2005); Shake, Rattle and Roll 2k5, episode "Lihim ng San Joaquin" (2005); Rounin (2007); Anti-Hero (2008); Yanggaw (2008); at Corazon (2010). Siya rin ang Associate Producer ng The Arrival, directed by Erik Matti, na na-nominate sa ilang kategorya sa Gawad Urian Awards 2010.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN