Marco Morales, Richard Quan and Arjay Carreon topbill the gay-themed film Laruang Lalake


The indie film Laruang Lalake, directed by Jay Altarejos and produced by Lex Bonife, is currently being screened in cinemas. It stars Arjay Carreon (left) and Mark Fabillar (right).


Kilala sina Direk Joselito "Jay" Altarejos at Lex Bonife bilang isang "winning tandem" dahil kumikita sa takilya ang kanilang mga pelikulang ginawa at pinaparangalan rin ang mga ito, hindi lamang sa bansa, kundi pati na abroad.

Ang grupo nina Direk Jay at Lex ang naghatid ng dalawang critically and commercially successful Pinoy indie gay films--Ang Lihim Ni Antonio at Ang Lalake Sa Parola.

Ang Lihim ni Antonio (Antonio’s Secret, 2008) ay isang pelikula tungkol sa pagdidiskubre ng sexuality ng isang teenager. Tampok rito sina Kenjie Garcia, Josh Ivan Morales, Jiro Manio, and Shamaine Buencamino.

Ipinalabas commercially noong early 2008, ang Antonio ay tinanghal rin sa Special Selection division ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival (July 2008).

Umikot rin ito sa iba’t ibang international film festivals abroad: Una ay sa official selection ng Image-Out: Rochester Lesbian & Gay Film festival sa Rochester, New York, USA (October 2008).

Bonggang-bongga ang newcomer na si Kenjie Garcia dahil nanalo ito bilang Best Actor para sa nasabing movie--not once, but twice--at sa magkabukod na international film festivals sa Spain.

Ito ay sa Festival Del Sol De Gran Canaria para sa Spain’s LGBT (Lesbians, Gay, Bisexual, Transgender) film festival na ginanap noong January 2010; at ang Festival Del Mar En Mallorca also this year.

Ang new wave pink film na ito nina Altarejos at Bonife ay ipinalabas sa LGBT Film Festival in New York USA (June 2009); sa Torino Gay and Lesbian Film Festival sa Turin, Italy (April 2010); at nanalong Best Film sa Festival Del Mar En Mallorca at sa first edition of International Film Festival Gay and Lesbian of Valencia (Festival De La Luna) sa Valencia, Spain (September 2010).

Locally, na-nominate rin si Kenjie bilang New Actor of the Year sa PMPC Star Awards for Movies 2009 at sa Breakthrough Performance by an Actor category ng Golden Screen Awards 2009. Nominated rin sa said PMPC awards si Shamaine Buencamino para sa parehong pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang ikalawang pelikula ng Altarejos-Bonife tandem ay ang record-breaking gay flick na Ang Lalake Sa Parola/ The Man in the Lighthouse (2007), launching movie ni Harry Laurel, kasama sina Justin de Leon and Jennifer Lee. Nag-quit nga lang sa showbiz si Harry sa personal na kadahilanan.

Graded "B" ng Cinema Evaluation Board, Ang Lalake Sa Parola ay ipinalabas rin sa Manila Pride Fest ng Mandaluyong City (October 2007); sa Director’s Cut Film Festival ng University of the Philippines (March 2008); at sa Special Selection ng Cinemalaya 2008.

Dahil sa pagiging "blockbuster hits" ng Lalake Sa Parola as early as 2007, ito ay nagpa-inspire sa ibang indie film producers na gumawa ng gay-themed movies upang tumipak rin sa takilya.

Maliban sa dalawang "gay indie gems" na ito nina Altarejos at Bonife, ginawa rin nila ang Kambyo/ Change Gear (2008), Little Boy Big Boy (2009), at Ang Lalake Sa Buhay Ni Juan (2009). Ginawa ni Direk Jay ang Pink Halo-Halo (official entry ng Cinemalaya 2010, Directors’ Showcase), ngunit si Altarejos na ang screenwriter.

LARUANG LALAKE. Ngayong October 27, 2010 (Miyerkules), may panibagong handog na pelikula ang bantog na tandem sa gay-themed movies: ang Laruang Lalake.

Isa itong narrative expose kung ano ba ang nangyayari sa likod ng kamera, sa paggawa ng isang gay film sa bansa. This time, hindi lamang writer si Bonife, kundi ngayo’y producer na rin ng pelikula, under his Lexuality Productions.

"Laruang Lalake is a narrative expose on what goes on behind the camera of gay erotic cinema in the Philippines. It is a realist film that portrays the people within the gay film industry and their personal stories--from the naughty to the gritty, from the horny to the hopeful," sabi ni Bonife sa email interview ng Philippine Entertainment Portal (PEP).

SYNOPSIS. The film weaves the short journey of an ambitious probinsiyano actor, Samuel (Arjay Carreon), an idealistic film staff (Mark Fabillar) who is secretly in love with an actor, and a filmmaker on the brink of bankruptcy (Richard Quan). The film also features the daring Marco Morales, as a comebacking actor willing to do everything to make a name for himself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

As the camera grinds between naked bodies in homoerotic play, it’s all in a day’s work for everyone in an industry operating in a society that is yet to accept the Filipino gay man.

Paano nga ba nagsimula ang material o script ng Laruang Lalake?

"Ang materyal ng script ay galing sa collective experience ni Direk Jay, pagkatapos naming gumawa ng about six gay films. Para itong montage ng aming mga obserbasyon sa process ng paggawa ng gay film, ang interaction na nangyayari among actors, film workers, at ang Pinoy audience," saad ni Bonife.

Isa sa cast si Marco Morales, ang tinaguriang "Frontal Nudity King" ng local showbiz sa ngayon, dahil nakailang ulit na siyang nagpakita ng kanyang sexual organ sa past films nito mula pa noong 2008. Hindi ba sila nag-iisip na maaaring "gasgas" na sa pelikulang hubaran si Marco?

"Gusto talaga namin si Marco to be one of our actors. Una, dahil alam naming seryoso siya sa craft niya as actor, and second, siya ang pinaka-visible actor sa indie gay scene. His face represents the genre na siyang pinaka-subject matter ng pelikula.

"Richard Quan and Mon Confiado are pros. Kung gay director dito si Richard, si Mon naman ’yung gay film producer. At talagang ang huhusay ng performances nila dito."

As for the lead role, ito na nga ang biggest break para sa baguhang indie actor na si Arjay Carreon na ilang indie films na rin ang nilabasan the past two years.

Kabilang sa indie films na tinampukan na ni Arjay ay ang Campus Crush, Discreetely, at Ang Pinakamahabang One Night Stand 2. Kasalukuyang nitong ginagawa ang Hinala. Kalimitan sa ma pelikulang ito ni Arjay ay pinamahalaan ni Director Cris Pablo (Duda, Bath House, Bilog, etc.) na siya ring manager ng baguhang indie actor.

Ayon pa kay Bonife, ang bida nilang si Arjay Carreon ay bata pa and "convincingly innocent" para sa ginagampanang role na probinsiyanong gustong mag-artista, kasehodang maghubad sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kamusta naman ang buong production at ang shooting ng Laruang Lalake?

"Sobrang limited ang shooting time dahil kailangan naming ma-meet ang budget. First time producer ako and sa totoo lang, constrained ang funds. Alam mo naman kapag gumagawa ka ng indie, ’di ba? Walang masyadong budget.

"Pero masaya ako dahil ang sa kabila ng ganitong set up, naniniwala ang aming mga artista sa direktor ng pelikula. Ibinigay talaga nila lahat ang kanilang tiwala at paniniwala kay Direk Jay Altarejos.

"Lahat ng mga extra sa pelikula, mga personal friends ko."

Ano’ng kaibihan ng atake ni Direk Jay this time sa Laruang Lalake?

"Direk Jay did an experimental approach. ’Yun bang karamihan sa mga eksena, hindi binigyan ng script ang mga artista. Isang actor lang sa buong cast ang alam na ang gagawin sa eksena, magre-respond na in character ang ibang mga ka-eksena.

"At ang resulta, it’s more genuine effect of reality na makikita ninyo sa pelikula," lahad ng producer-writer na isa ring Yoga teacher at may sariling blog called Lexuality.

Ang buong cast ay sina: Marco Morales, Richard Quan, Arjay Carreon, Mon Confiado, Mark Fabillar, Yda Yaneza, and Dexter Doria.

Production staff: Director -- Joselito Altarejos; Writer/ Producer - Lex Bonife; Director of Photography - Arvin Viola (Cinemalaya 2010 winner for best cinematography); at Associate Director - Zigcarlo Dulay.

Ano ang message ng pelikula?

"Sinasabi ng Laruang Lalake na ang paggawa ng isang gay film ay hindi ganoon kadali at ka-exciting tulag na nakikita at napapanood ng audience. It is hard work in the midst of financial constraints.

"Sociologically, the film also shows na kahit available ang gay entertainment sa Filipino gay audience, the identity of its audience is far from being accepted by the morals of those who are in power.

"Sa akin, on a personal level, ipapakita sa pelikula na hindi lahat ng mga pangarap ng isang tao ay nakakatotoo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DIRECTOR’S PROFILE. Si Joselito "Jay" Altarejos ay isang television and film director. Mula pa noong late ’90s, nakapagdirek na siya ng maraming television shows para sa GMA-7 at Viva Television.

Sa early part ng career ni Direk Jay, ginawa niya ang mga proyektong I Love You, She Loves Me, Guadalupe, Hustisya, at Tabloid Story.

Taong 1999 rin nang i-direk niya ang kanyang first feature film, ang Kiss Mo Ko from Viva Films. Ito ay pinagbidahan nina Dingdong Dantes, Antoinette Taus, Polo Ravales, Sunshine Dizon, etc.

Ang ginawa niyang telemovie na pinamagtang Bakla (Homosexual) ay naging finalist bilang Best Movie for Television sa Asian TV Awards 1999 na nagpanalo rin kay Romnick Sarmenta bilang Best Actor para sa parehong international TV awards na ginanap sa Singapore.

Mula noon ay naging aktibo na siya sa mundo ng telebisyon at advertising bilang direktor. Noong 2001, nanalo ng award ang isang telemovie na ginawa niya, ang Umaga, Tanghali, Gabi (Morning, Noon, Evening) na nanalong Best Movie for Television sa PMPC Star Awards for Television 2001.

Sa pareho pa ring TV awards ng PMPC noong 2001, naipanalo ni Direk Jay ang beteranang aktres na si Mona Lisa bilang Best Single Performance by an Actress para sa isa pa nitong telemovie, ang Pariwara (Lost Soul).


Siya rin ang creative director ng BEYONDtheBOX, isang grupo ng media practitioners na binuo noong 2003. Ito ay nagpo-produce ng TV commercials, audio-visual presentations at digital films.

Kabilang sa mga kliyente nito ay ang Digital Viva, Nestle Philippines, Bayer, White Flower, Fernslim, Chris Cahilig Consultancy, and Mindworks, Inc. Nagbibigay rin ito acting and TV production workshops sa mga estudyante at baguhang artista.

Taong 2006 ay ginawa niya ang Calauit: Isang Paraiso, Dalawang Mundo, isang documentary para sa Institute of Popular Democracy.

Hanggang sa ginawa na nga niya ang unang dalawang digital films niyang "nambulabog" sa local indie scene-- Ang Lalake Sa Parola at Ang Lihim ni Antonio--and the rest, as they say, is history.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN