Amalia Fuentes reveals she experienced nightmares because of director Elwood Perez


(L-R) Direk Elwood Perez, Amalia Fuentes, Orestes Ojeda and Boots Anson-Roa were photograhed during the SOFIA special screening of Isang Gabi, Tatlong Babae (1974) at the CCP last February 5, 2011.


Binigyang parangal ang award-winning filmmaker na si Elwood Perez sa special screening ng isa niyang pelikula, Isang Gabi, Tatlong Babae (1974) noong Sabado, February 5.

Ginanap ang special screening na ito simula alas dos hanggang 4:30 ng hapon sa Dream Theater (Tanghalang Manuel Conde) ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Ito ay kasunod ng retrospective screening para kay Direk Elwood na naganap noong March, 2008 sa Cine Adarna ng UP Film Institute.

Noong Sabado, ang ipinalabas na Elwood Perez classic drama (trilogy) ay bahagi ng proyekto ng SOFIA (Society of Filipino Archivists for Films) na naglalayong pangalagaan nang maayos ang local film classics. Ginaganap ito kada buwan at may special free screening ng natatanging Tagalog movie sa CCP Dream Theater.

Ngayong Pebrero 2011, napili ng samahan, represented by Mr. Ted and Freddie Alicpala, ang 1974 trilogy ni Direk Elwood, na nagtampok sa mga batikang aktres ng dekada ’60s at ’70s tulad nina Ms. Amalia Fuentes, Ms. Boots Anson-Roa, at Ms. Pilar Pilapil.

Nakarating sa naturang screening sina Amalia at Boots pero hindi nakadalo si Pilar. "Hindi [yata] niya alam," pakiwari ni Elwood, na overwhelmed sa dami ng dumating na mga artista, mga personal friends niya, mga taga-media, kabilang ang PEP (Philippine Entertainment Portal), mga fans ng iba’t ibang artista, tulad ng character actress na si Vangie Labalan at kasama, na tagasubaybay rin ng pelikulang Pilipino.

Ang isandaang seating capacity ng Tanghalang Manuel Conde o Dream Theater ay kulang sa maraming bilang ng nanood; kaya may screening ding isinagawa sa lobby ng TMC. Tuwang-tuwa si Elwood sa nangyaring tagumpay. "Masaya, ano?" nakangiting banggit niya sa mga bumati.

Bukod sa special screening ng Isang Gabi, Tatlong Babae ay naging angkop din ang okasyon, bilang pagdiriwang ng kaarawan ni Elwood Perez, who turned "60-plus" years old on his birthday last Friday, February 4.

ON JOEY GOSIENGFIAO. "He was the wind beneath my wings," makahulugang pagbanggit ni Elwood Perez (citing a line from Bette Medler’s song na inawit sa pelikulang Forever Friends), patungkol sa namayapa nang kaibigang direktor na si Joey Gosiengfiao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa sa mga unang pinasalamatan ni Elwood si Direk Joey, kaugnay ng pelikulang Isang Gabi, Tatlong Babae. Si Direk Joey kasi ang producer (under his own film outfit, Juan dela Cruz Productions) at co-writer ng obra, kasama sina Wilfrido Nolledo and Orlando Nadres.

Bago nagsimula ang pagpapalabas ng pelikula, nagbigay si Direk Elwood ng simple ngunit madamdaming talumpati. Inalala niya ang panahong nang nagsisimula siya at si Direk Joey sa pagiging aktibong direktor noon.

Nabanggit rin ni Direk Elwood ang National Artist for Film na si Lino Brocka "because he [Brocka] paved the way for all of us...and remembered the time when he was able to do films that were violating the conventions of the drama; tell stories that moved us; and tackled themes and issues of our youth..."

Tulad ng mga pelikula ni Direk Joey, ang mga idinerehe ni Direk Elwood noong ’70s ay mga proyekto na may "campy" nature. As kanyang talumpati, inamin ni Direk Elwood: "Films were a toy for me [then]..."

Gusto ng batikang director na magkaroon pa rin ng "child-like wonder" as he views some of his past works, na kabilang dito ang Isang Gabi, Tatlong Babae, na ang casting ng tatlong sikat na aktres ng naturang dekada ay mula sa isang earlier hit movie nila, ’titled Ang Uliran... Imelda [(dinirek ni Augusto Buenaventura), mula sa Premiere Productions, Inc./Cirio Santiago (producer); an entry to the 1971 Manila Film Festival (source: The Urian Anthology, 1970-79)].

ART PATRON. Kabilang pa sa in-acknowledge ni Elwood Perez nang hapong ’yon ang kilalang negosyante, pilantropo at art patron na si Danny Dolor, at ang kaibigang screenwriter na si Ishko Lopez.

Hindi rin nakalimutang banggitin ng direktor ang mga naunang dumating na mga artista niya sa ipapalabas na pelikula, tulad nina Marissa Delgado (kasama ang former beauty queen daughter, Avon Garcia), Orestes Ojeda (with pretty daughter Nicole), at Ms. Boots Anson-Roa, na tinagurian ni Direk Elwood bilang "Philippine Movies’ Sweetheart."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa hanay ng mga personal friends (and relatives) ni Direk Elwood ay naroon ang kanyang mga doktor tulad nina Dr. Garcia ng Metamorphosis Clinic na aniya, "It took someone like him for me to have this kind of hunger" at ang kanyang cardiologist, Dr. Agnes de Castro.

PREMIUM ON POSTERITY. Makahulugan ang naging mensahe ng aktres na si Ms. Boots Anson-Roa, aktres at executive director ng MOWELFUND (Movie Workers Welfare Foundation).

Sabi niya, "When one reaches my age, one puts a premium on posterity. So I started collecting my films on DVDs and VCDs..."

Itinuturing ni Ms. Boots na isang "landmark film" ang tulad ng Isang Gabi, Tatlong Babae. "As Elwood said, it is ’out of the box.’

"It took Elwood to convince me to portray [the non-conventional role I did], something like ’out of my ’goody two shoes’ image. Of course, then the standard of boldness was different. And I made sure my older children see it.

"I didn’t regret doing the film, as it helped me advance my artistry," sabi pa ni Ms. Boots, na ginampanan sa ikalawang episode ng trilogy ang papel ni Andrea. Ang karakter niya ay mahirap, may lovechild (Angelito), nakipag-relasyon sa isang batugang nambubugbog (Ray Marcos), at ibinalik sa tunay na ama (Ramil Rodriguez) nito ang nagbibinata nang anak (Angelito) na inapi-api ng naging madrasta (Marissa Delgado).

ARTISTIC DIRECTOR. Wala man sa pagtitipon ang premyado ring aktres at dating beauty queen na si Pilar Pilapil ay naging sapat ang pagdalo ng Movie Queen (1960s) na si Amalia Fuentes.

Sa unang episode ng Isang Gabi, Tatlong Babae nagbida si Ms. Pilar, bilang si Selda Soler, isang ambisyosang commercial model, na naging pasakit ng kinilalang ina, si Aling Cording (Anita Linda), na itinatwa ni Selda nang malamang isang mayamang donya (Mona Lisa) ang tunay na kadugo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaklap ang ending ng kuwento ni Selda, sa pagkamatay ni Aling Cording, ang inalilang ina-inahan, na dinamayan ng lalaking tapat na nagmahal kay Selda, si Efren (Ricky Belmonte).

Ayon kay Amalia Fuentes, nang siya naman ang hingan ng mensahe, matapos ang screening, "Isusumpa mo si Elwood! Isinusumpa ko si Elwood habang ginagawa namin ang pelikula!"

Bagama’t nagbibiro lang sa sinambit, ang pagtukoy ni Tita Nena (palayaw ni Amalia) ay may kaugnayan sa naging pagkamulat o pagkakaroon niya ng mas bukas na isipan hinggil sa pagiging artista niya.

"I can see things better, now that I’ve been out of the movies for a long time," makahulugang sabi nga ng aktres. "Mas nakikita ko ang ganda ng pelikula... noon! And how the directors really worked at the movies.

"Talagang masasabi kong Elwood is an artistic person; artistic director," pagpuri pa ni Ms. Amalia sa kanyang director-friend. "Every morning, may bagong idea ’yan. Kaya paggising mo, iba na ang script; meron ’yan idea na gagamitin na naman niya. Some of the things here [sa film] were gathered from his personal experiences..."

Bagay na pinatotohanan din ni Direk Elwood, sa maikling pahayag niya sa PEP. "Ako lahat ’yan, e... pati mga lalaking characters!" birong-totoo niya.

Sa tatlong episodes, ang huli ang pinaka-glamorosa, na nagwakas sa isang trahedya. Isang socialite si Sandra na naging asawa ng isang multi-millionaire (Luis Gonzales), pero nagkamaling umibig sa binatang anak nito, na kanyang stepson (Orestes Ojeda). Nakita ng manghuhulang tomboy (Mary Walter) na kanang kamay ni Sandra, ang malagim na kahahantungan ng bawal na ugnayan, pero nanaig ang damdaming mapusok. Nag-suicide si Sandra sa swimming pool, matapos siyang iwan ng asawa at maaksidente ang binatang anak.

Addressing Direk Elwood na nakikinig sa pagsasalita niya, sabi ni Amalia, "But I loved him! And you turned out to be one of my best friends! We always have dinner, once a month, nagmi-meeting kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But, during that time, Elwood, I really hated you! I used to have nightmares everytime!" prangkahang sabi pa ng outspoken actress. "’Pag nag-shooting ako, the next morning, nine-nerbiyos ako! Kaya siguro ako nangayayat [noon], dahil sa nerbiyos!"

Nagtawanan ang mga nakikinig sa nasabi ni Amalia, na iba na ang itsura kumpara sa sexy figure napanood sa mga eksena niya sa Isang Gabi...

"Anyway, thank you so much, everybody, for coming and sharing with us this retrospective film that I know we enjoyed doing for [all of] you..."

NEXT IN LINE. Natuwa rin kay Amalia Fuentes ang mga dumalong manonood nang nagsabi itong gusto niyang mag-contribute sa SOFIA ng iba pang Elwood Perez movie, na prinodyus ng sariling AM Productions outfit, para magkaroon din ng special screening.

"I have a good copy of the movie, Puwede Ako, Puwede Ka Pa Ba? (1975; 1st Metro Manila Filmfest entry) I did with Romeo Vasquez. I will prepare it, just let me know; we will schedule it and, I hope, that you, too, will enjoy it as much as you did this afternoon. Thank you, everybody!" sambit pa ni Amalia.

Bukod sa nabanggit ng aktres, nagbigay rin ng iba pang line-up ng scheduled films na magkakaroon ng special screenings mula sa SOFIA: Bagong Hari (March 5; directed by Mario O’Hara); Ligaw Na Bulaklak (B/W Sampaguita Pictures; directed by Tony Cayado), with 45-minute docu on Philippine cinema-tribute to the late film critic, Hammy Sotto; Taong Paniki (May 7; Richard Abelardo); Return of the Dragon (June; Celso Ad Castillo, director).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN