Family drama Bangkang Papel symbolizes fragile, impoverished country


In the indie film Bangkang Papel, Snooky Serna (left) is cast as a public school teacher while Emilio Garcia (right) plays her invalid husband.


May bagong independent film na pinagkakaabalahan ngayon ang actor turned film and event producer na si Carlo Maceda. Nasa post-production stage na ang indie film na Bangkang Papel to be released under his On Cam Productions.

Mula sa script at direksiyon ni Alejandro "Bong" Ramos, ito ay family drama na tinatampukan nina Snooky Serna, Emilio Garcia, Bela Padilla, Regine Tolentino, Rainier Castillo, at ang new child actor na si Denver Gonzales.

Ang kuwento ay umiikot sa isang mahirap na pamilya. Gumaganap si Snooky bilang ina na isang public school teacher, si Emilio bilang isang baldadong ama, at mga anak nila sina Bela, Rainier, at Denver.

Kamakailan ay nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Carlo Maceda. Ano ba ang concept ng Bangkang Papel?

"Well, we wanted to make an eye-opener to the youth," simula ng producer. "Putting all together things that are really happening during these times... Real time sa society.

"Sa Philippines kasi, di ba, usung-uso ang mga ano, makikita mo sa mga films, may mga kidney donations, maraming prostitution, poverty... Then may mga bagyo... So, all that, rolled into one... Para bang saksakan ng kawawa.

"Parang napakalungkot ng film, pero hindi naman. Kasi, at the end of the film, meron namang hope for the family and the viewers. May pag-asa."


In a nutshell, ano ba ang buod ng kuwento ng Bangkang Papel?

"It’s about the social situations of the society this decade. Hindi lang ng pamilya. In all ages, from bata hanggang matatanda, may mga temptation na dumarating, at laging ang dahilan ay pera. Kahirapan. Kailangan ng pera.


"Parang quick-fix schemes ang hinahanap ng mga Pilipino. Yun ang pinapakita ng film, tapos sa dulo, bigla silang magsisisi, kasi, inadvertently, yung bata, biglang makakaroon ng chance in the end yung bata na magdo-donate ng kidney niya."


Nang tanungin kung bakit Bangkang Papel ang titulo ng kanyang pelikula, pinaliwanag ni Carlo na ito ay nagre-represent sa Pilipinas.

"Bakit Bangkang Papel? Kasi, parang Pilipinas... Pilipinas mismo, napaka-fragile na...Yung mga chances natin for success, to achieve our dreams is parang paper...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na pag ma-tempt ka lang or bumangga ka lang nang konti sa gilid, aanurin ka na, lulubog ka na. Parang bangkang papel. Bumabagal yung chance mo, bumabagal ang pagtakbo mo sa buhay, habang dumarami ang tubig. Yun ang simbolo ng movie."


COMMENTS ON HIS CAST MEMBERS. Bagamat nagkaroon ng kaunting "glitch" noong umpisa, naayos naman raw kaya nakasama si Snooky sa pelikulang ito.

Ano ang pinagdaanan dito ng character ni Snooky?

"Pinakita niya dito ang heroism ng isang nanay. She’s a public school teacher. Sa classroom nila, may isang batang walang makain. E, siya rin, walang makain. Bibigyan pa niya ng konti yung bata."


Ano naman ang comment niya tungkol kay Emilio?

"Si Emilio, magaling rin dito. Parang gumagawa siya ng sarili niyang character sketch. Even yung costumes, alam niya ang isusuot niya, alam niya...Aral. Ready siya. Nagsisi ako dahil first time ko pa lang siya nakatrabaho.

"Baldado na siya pero he still makes himself useful, e. Nagluluto siya. Nagbabantay ng karinderya. Nagtitinda ng ulam.

"Hindi naman porke baldado ka eh, nag-iinom ka na lang. Marami akong kakilalang lalaki na nabigo [sa pag-ibig], e, surrender na, ’Iinom na lang ako! Loser na ako, e.’

"Si Emilio dito, hindi siya pumayag na maging loser na lang siya. He still strives for his family. Kumbaga, makapagbigay man lang kahit na konti, like yung mga tiring ulam, kinakain nila..."


Si Bela Padilla na isa sa mga leading ladies ni Aljur Abrenica sa Machete ng GMA-7. Kamusta naman ang pagganap niya dito?

"Si Bela, at first, hindi naming alam ang capabilities niya. Pero revelation siya dito sa Bangkang Papel. Our production designer, namatay lang siya nung December, kawawa naman nga... He suggested Bela. Until we met Bela. Sabi ko, ’Okey...’


"Sabi ko nga, ang titisay ng mga characters ko pero mahihirap. Pero nagawan ng paraan sa grading, sa post-production...Mahusay rin si Bela. Nabigyan niya ng buhay yung character niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think after ng Machete and this film, puwede na siyang mag-lead na talaga."


Kumusta naman si Rainier?

"Malaki na pinagbago niya, hindi na siya yung teeny bopper type. Pasok siya sa role. Siya yung anak dito na nalulong sa bisyo, sa pagsasayaw. Kasi, maraming kabataan ngayon, puro pagsasayaw ang inaatupag, hindi nila alam na kokonti lang ang trabaho para sa mga dancer.

"Kasi, ang dami kong kakilalang dancers, like from mga senior groups pa like Manouvers... Marami sa kanila ang okey. Pero kokonti lang ang opportunity, like sa Streetboys... Kakaunti lang ang talaga ang success rate ng dancers.

"Yung character dito ni Rainier, ang dilemma naman niya, too much dancing sometimes... Dapat, gamitin mo pa ring fallback ang pag-aaral. Kasi, ang mga bata, gusto nilang sumikat, sasali sila sa TV show...Pini-pin nila ang dreams nila doon, e, patay ka!"


Unang sinubukan ni Carlo ang pag-produce ng indie film sa pamamagitan ng Nars (2007), pero may co-producer pa siya noon. Sina Jennylyn Mercado, Coco Martin, Agot Isidro, Jon Avila, and Jodi Sta Maria ang naging bida sa naturang pelikula.

Ikalawang venture ni Carlo as film producer ay solo na niya, via Sisa, isang period film na tinampukan ni Jodi Sta Maria. Parte rin dito sina Christian Vasquez, Jay Manalo, at si Carlo mismo. Kasama rin sa Sisa ang dating girlfriend ni Carlo na si Aleck Bovick, ina ng isa niyang anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN