Jeffrey Jeturian’s Bisperas is one of five entries in the Directors’ Showcase of Cinemalaya 2011


Julia Clarete (left) and Edgar Allan Guzman (right) portray the children in the indie film, Bisperas, said to be Jeffrey Jeturian’s comeback film.


The lower ground floor of the house on No. 9, Daily Mirror Street, West Triangle Homes, Quezon City, was a total mess.

Malaki ang buong kabahayan at ang bakuran, pero pagbungad pa lamang sa dakong living room ay tatambad na ang kaguluhang hindi karaniwan sa isang bahay na nasa exclusive Quezon City village.

Mukha ni-ransack ang bahay. Nagulo ang dating ayos ng mga furniture, sa sala, sa dining room, at kitchen area. Nagkalat ang mga kagamitan sa iba’t ibang bahagi nito, pati sa dakong mezzanine, kung saan makikita ang dalawang bedroom doors.

Ang malaking religious painting sa dingding na nasa pagitan ng dalawang pintuan ay nakatabingi; gayundin yung sa may dining area na adjacent sa maluwag na sala. Maraming istatwa ng mga santo, at mga anghel, ang wala sa tamang ayos. Maging ang mga ito’y tila napabayaan at hindi naisalba sa kung anong "delubyong" dumaan.

Ang daming DVDs at music CDs, mga magasin, at kung anu-ano pang babasahin, na nagkalat sa sala, sa sahig at sa center table na wala na sa sentro ng sala set. Maging ang mga picture frames, na nakasabit sa dingding at nakapatong sa ibabaw ng mga cabinet, ay nakatabingi, o kaya’y natabig.

Maraming gift boxes, malalaki at maliliit, ang nakakalat din. May bukas na mga kahon ng regalo at mayroong hindi. Ang nakabukas, halatang forced open at hindi dahil ito’y ayon sa tradisyunal na opening of gifts tuwing Christmas.

Sa gitna ng magulong larawan ng kabahayan ay ang nakahambalang giant Christmas tree na nasa bungad ng sala, malapit sa hagdan patungong mezzanine area at second floor. Isang tanawin na pagtatakhan kung bakit ngayon naganap, at hindi nitong nakaraang Kapaskuhan.

NIGHTMARE BEFORE CHRISTMAS. The sight, indeed, was a re-creation of what transpired in the Aguinaldo home, the night before Christmas.

Ito ang nangyaring panloloob sa tahanan ng pamilya Aguinaldo isang "bisperas" ng Pasko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang pamilya Aguinaldo ay ang bida sa kuwento ng indie film na Bisperas, na kasalukuyang tinatapos ng comebacking film director, Jeffrey Jeturian, para sa film outfit ni Atty. Joji Alonso.

Ang Bisperas ay isa sa limang entry sa Directors’ Showcase category, sa gaganaping 7th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival and Competition, sa July 2011.

"Bisperas [ang title], kasi nangyari siya on the 24th of December, so one day lang talaga. After Christmas Eve Mass, the entire family finds out na ninakawan sila," Paul Sta. Ana, the film’s screenwriter revealed to PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Pagdating ng gabi, hindi po natin makikita yung bahay na maayos. Ang susundan po natin, yung family na sumasama sa prusisyon. Na ang tawag po sa prusisyon na ’yon ay Panunuluyan."

Among Catholics in the Philippines, ang Panunuluyan ay isang tradisyon ng paggunita sa panahon ng pagsilang ni Jesus Christ, o ng infant Jesus.

Writer Paul Sta Ana further explained: "Kung saan sina Joseph at Mary (Jesus’ parents) ay kumakatok sa mga bahay-bahay at hindi sila pinapatuloy."

Maraming villages sa Pilipinas ang nag-o-observe pa rin ng naturang tradisyon, at ito ang napiling gawing backdrop ng sumulat ng script ng Bisperas bilang narrative content.

"So, may material na, through the years, talagang makikita mo, ginagawa, sinusunod pa rin nila," dagdag ni Paul. "May script sila, nire-reenact nila, kinakanta nila, at very faithful sila sa Panunuluyan tradition."

Kay Paul din nalaman ng PEP ang iba pang detalye ng ginagawang pelikula. Sa naganap na shooting (last February 28 and March 7), sa naturang location, ay hindi kumpleto ang mga artistang gumaganap bilang family, na siyang major characters ng bagong obra ng premyadong direktor.

Wala rin sa set ang production designer (Diggo Riccio), bagama’t kumpleto ang na-set up ng kaguluhan sa kabahayan. "Virgin location ito; kami ang nag-furnish," pagtukoy rin ni Direk Jeffrey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHARACTERS. Paul described the film’s characters. "The Aguinaldo family is typical middle-class family, with a father, portrayed by Tirso Cruz II, who is domineering, and a mother played by Racquel Villavicencio, na very loyal and submissive.

"Mayroong tatlong children. Yung panganay, played by Jennifer Sevilla, may anak na, may sariling buhay na sa States," banggit din ni Paul. "It’s very typical, I thought, of a Filipino middle-class family, na ang isa sa members ay based sa ibang bansa. And, usually, nakapangasawa ng foreigner..."

But in this particular story, he continued, "Si Jennifer, nakapangasawa ng Amerikano na walang trabaho sa States. Napaka-ironic na humanap ka ng isang magandang buhay sa ibang bansa, pero ang napangasawa mo [hindi rin well-off]... dahil nga sa hirap ng buhay ngayon, lalo na sa States, ang daming balikbayan na nagbalik dahil sa recession.

"We’re so happy that Jennifer Sevilla is making a comeback in this film. She really looks the part. I’ve always respected her as an actress."

Playing the role of Jennifer Sevilla’s siblings are Julia Clarete and Edgar Allan Guzman.

"Si Julia plays Ara — yung middle child. Dahil wala nga yung panganay, siya yung tumayong panganay sa pamilya," sabi pa ni Paul.

"She knows what she wants. She’s aggressive, she runs errands [for the family] kasi matanda na yung mga magulang. She’s strong-willed, very independent, at the same time, she knows that the family needs her, kaya she stays in the house. Artist siya, isang photo-journalist by profession."

Paul considers the role of "bunso," played by young actor, Edgar Allan Guzman, as one of the most interesting characters in Bisperas.

"Edgar would be playing [the role of Mio]... the only guy [among three children] in the family, na bunso pa. At, siyempre, usually, pag gano’n, marami ding expectations. Mahilig siya sa music; may guitar sa kuwarto niya because he’s into music..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

When interviewed, Julia Clarete didn’t give too many details about her character but hinted at a very intriguing plot twist.

"Lahat po sila, may sikreto," writer Paul revealed. "Actually, lahat po sila, may skeletons in the closet, na parang nahalukay dahil sa ganitong pangyayari...

"Usually po kasi, in times of crisis, talagang naiiba yung ugali at nakikita mo, nari-reveal ang negative traits," he added.

Nakahanda raw si Paul sa magiging "mixed reactions" ng manonood.

"I think, hindi sila sanay sa ganitong klaseng material," sabi niya. "But I think, it’s time for the audience to be able to have an appreciation of something like this. Very different, in a way, na real... with focus on the middle class."

Si Paul Sta. Ana ang sumulat ng nagwaging Best Screenplay sa nakaraang Cinemalaya 2010 (New Breed category), para sa digital indie film entry na Mayohan, na dinirek ni Dan Villegas.


INDIE MEANS ’MADILIM’? Also at the center of the Bisperas shoot was award-winning cinematographer, Boy Yniguez. Siya ang naging katuwang, bilang DOP (Director of Photography) ni Direk Jeffrey Jeturian, sa huli niyang obra, bilang filmmaker, ang Kubrador (2006).

Kapwa nagwaging pinakamahusay, sa Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino, sina Jeturian (direction) at Yniguez (cinematography), among other major awards (kabilang ang best picture at best actress ni Gina Pareño) para sa taong nabanggit.

Ngayon, busy uli ang premyadong team para sa Bisperas. PEP asked Boy Yniguez kung anong pagkakaiba ng treatment na ginawa niya sa Bisperas kaysa Kubrador sa pamamagitan ng pag-iilaw at mga galaw ng kamera.

Boy replied: "Basically, yung Kubrador kasi, iisa lang yung [main] character, e. So, iba yung sunod [ng kamera] doon. Palagi lang nakatutok kay Gina yung kamera.

"Itong Bisperas, e, ensemble; ang daming characters nito.Kaya pa-ekis-ekis ang mga direksiyon ng characters. Mas challenging," aniya.

Kausap ng PEP si Ms. Krisma Fajardo (production manager/line producer), kasabay ng pag-iinterbyu namin kay DOP Boy Yniguez, and she shared, "Pag indie raw po, kailangan lakad nang lakad ang character. It’s almost synonymous with ’magalaw’ and ’magulong’ camera works, pangit at madilim?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Boy disagreed, "Hindi description ng indie [film] ’yon. Treatment ng direktor ’yon, [at depende] sa material. Hindi porke’t indie, kailangang gano’n. Nasa treatment ng director ’yon.

"Lalo na kung... actually, nagsimula ’yon sa Kubrador, e," he added, "na ang gusto kasi ni Direk [Jeturian], docu ang dating. E, pag docu naman, tuluy-tuloy ang camera."

Sa Bisperas, mala-docu rin ang execution, ayon pa kay Boy. "Kaya lang, palipat-lipat ang camera, sa iba’t ibang characters. Maraming characters, kaya pati ang requirements sa ilaw... iilawan mo yung iba’t-ibang characters, na nasa iba-ibang part ng kuwarto; medyo dumarami ang ilaw.

"Ang challenge mo du’n," he continued, "pag galaw nang galaw yung camera, pag natapat ka sa ilaw, may anino ka na sa eksena."

Mahalaga ang pag-iilaw sa shooting, dahil nade-define nito ang mood o atmosphere ng eksena, at ang partikular na emosyon ng tauhan, sa eksenang kinukunan.

After the shoot, on a daily basis, materials are viewed and Bisperas editor, Lawrence Fajardo, does the rough editing of the film. Fajardo also works as AD (Assistant Director) of Jeffrey Jeturian in the project, while he prepares to start work on his own Cinemalaya 2011 entry, Amok (for the New Breed category).

FAMILY DRAMA, IN REAL TIME. Basically, ang kaibahan ng Bisperas sa unang pelikulang ginawa ni Jeffrey Jeturian, ang Sana Pag-Ibig Na (1998), ay ugnay sa tinukoy na panahon kung kailan nangyari ang buong kuwento.

In "real time" mode ang Bisperas — nangyari ang kuwento sa loob ng 24 hours. "Real time family drama, tsaka middle class," pagtukoy ni Direk Jeffrey.

Isa si Jeffrey sa mga debuting filmmakers, nuong late 1990s, na nagpasimula ng so-called "pitu-pito" indie movies na prinodyus ni Mother Lily Monteverde (para sa Good Harvest Films).

"’Yung Sana... dramatic time [mode] ’yon. It’s a simple domestic drama, na ang involved, yung mga individual family members," Jeffrey explained.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

In the movie, the late Nida Blanca played the mother, Chinggoy Alonso was the father, while Julio Diaz, Pinky Amador, and Gerald Madrid, were the siblings. The mistress was portrayed by Angel Aquino.

"Sa Bisperas, mas malawak ang tinackle. Tungkol sa isang family, na supposedly religious, pero ang trato nila sa isa’t-isa, it turns out, un-Christian pala," banggit ni Jeffrey.

"Despite that," he continued, "they keep up with being devout Catholics. They hear mass [regularly], and the next day, after ma-expose yung kanilang pagiging un-Christian, they hear Mass again and receive Holy Communion.

"Mas malawak ang sinasabi nito kasi it’s not just about personal family drama, or domestic problems, but [about] a family in the context of their religion and society, and how they fall short of practicing what they believe in, or what they preach," pagtukoy rin ng direktor who won acclaim sa una niyang feature film.

Para kay Jeffrey, ang Bisperas ay isa na namang malaking paghamon sa kakayahan niya bilang direktor sa pelikula.

"Oo naman," natutuwang pagsang-ayon niya. "Ensemble acting ito. Pero hindi naman ako conscious na ito ang ’comeback’ ko, dapat ano... nagkataon lang, na this material was presented to me, and interesting naman siya."

CLARIFICATIONS. PEP clarified with Jeffrey Jeturian about his supposed "comeback" film, Parangal (written by Bing Lao), in 2008, which got shelved.

Could it still be filmed under different circumstances?

"Oo, but medyo expensive kasi siyang gawin," Direk Jeffrey said.

The said project was supposed to be a full-length "gay" feature. Is he still interested in doing a gay movie?

"Ah, oo. If I come across a very interesting material," he said.

Jeffrey reportedly had an entry in the 2010 Cinemalaya Directors’ Showcase Category but he backed out. What were his reasons?

He explained: "Gusto nila akong pasalihin last year... e, wala akong material. Hindi sa wala akong material. Pero yung material na ibinigay ko... Actually, half-hearted naming ibinigay para lang may mai-submit. Kasi nga, gusto nila akong pasalihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tungkol ’yon sa nasunugan sa squatters area — sine-setup pala nila [yung sunog]. Si Linda Casimiro ang writer; siya rin yung writer ni Brillante Mendoza sa Lola."

At the last minute, Jeffrey backed out. "Pinul-out na namin [yung entry]. Hindi na namin pinursue yung material. Kasi, baka ang mangyari, nira-rush lang para makasali," he said.

But with Bisperas, Jeffrey Jeturian is very much in the running in the Directors’ Showcase category of Cinemalaya 2011.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN