Alessandra de Rossi portrays a girl who can’t walk in Cinemalaya entry Busong


Alessandra de Rossi (in red) is the lead star of Busong (Fate), Auraeus Solito’s Cinemalaya entry shot in Palawan.


Kabilang ang Busong (Fate) ng award-winning filmmaker na si Auraeus Solito sa limang entries para sa kategoryang Directors Showcase, sa gaganaping Cinemalaya Philippine Independent Film Festival and Competition sa July 2011.

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang direktor ng naturang Cinemalaya entry, sa pamamagitan ng e-mail, pagkatapos ng kanilang shooting nitong ikalawang linggo ng Marso, sa Sitio Tarabanan, Palawan.

Narito ang mga detalye ng panayam ng PEP kay Direk Auraeus:

PEP: Kamusta na ang shooting ng Busong?

AURAEUS: Natapos din nang maayos. Sa gitna ng ulan, init, malakas na alon, high at low tides, natapos din ang principal photography ng dream film kong ito. Tapus na ang shooting. Uumpisahang mag-edit sa linggong ito.

How was it working with your lead actress, Alessandra de Rossi?

Isang salita lang ang masasabi ko kay Alessandra de Rossi — uncanny! Kakaiba ang talento ni Alex. Napaka-precise niya kumuha ng directions. Grabe! Kung paano ko na-imagine ang eksena sa pag-arte ng role niyang si Punay, ang sugatang dalaga ng Palawan, ay eksakto ang kanyang pag-interpret. Para bang may psychic link kami.

At napaka-professional niya, ni minsan ay walang reklamo—kahit inuulan na kami sa taas ng bundok, kahit sa tinding init ng batuhan sa Tarabanan, Puerto Princesa, kahit giniginaw na siya sa paglusong sa waterfall sa Brooke’s Point, at malakas man ang alon sa Sabang ay walang ka arte-arte.

Nakaka-inspire siya i-direk. She is one of the most talented actresses that I have ever directed. I plan to cast her in the remaining two parts of my Palawan trilogy!

Yung mga baguhan naming Palaweño actors ay napakagaling din—raw at real ang acting nila. Totoong-totoo.

Yung gumanap na kapatid ni Alex na si Rodrigo Santikan ay isang natural. Totoong tribo siyang Palawanon kayat alam niya ang pag-supok o sumpit (Palawan long blow gun). Nag-audition siya mula sa dulong isla sa timog Palawan, nang nagpa-announce ako ng auditions sa diyaryo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Yung umarte ding Ninita na si Bonevie Budao, na Ms. Palawan Body Beautiful, ay napaka physical na actress. Walang problema sa pagtakbo sa gubat bilang Ninita—na naghahanap ng kanyang asawa sa kagubatan. Kasama din si Walter Arenio, na Mr. Bench Palawan, bilang asawa ni Ninita. Napaka-physical nilang dalawa umarte. Ang ganda ng chemistry.

May dalawa din akong discovery na Palweños na sina Art Villaver at Levi Brillantes, na mag-asawang netibong Palawanon sa pelikula. Pati itong child actor ko na si Vincent Magbanua ay napaka-totoo. Natural na natural lahat silang umarte.

Ang sarap i-combine ang isang pro na actress like Alex with local raw, beginning actors.

Are there other mainstream actors (male and female) in the film?

Clifford Banagale, na umarte sa Hollywood film na Bruno, na bida si Sacha Baron Cohen ng Borat, ay umuwi sa Pilipinas after 23 years para lang umarte sa pelikula ko. Nabasa ko ang article ni Ruben Nepales tungkol sa kanya sa Inquirer nang umarte siya sa isang musical sa LA, ang Altar Boys.

Naging FB [Facebook] friend ko. Tapos na-tiempo na plano niyang umuwi this year. Theater-trained siya at nag-aral sa American Musical and Dramatic Academy sa U.S. Nag-immerse talaga siya sa mga ka-tribo sa Timog Palawan. Tiniis ang lamig ng bundok, ang init ng araw. Umakyat sa taluktok ng bundok. At natutunan ang isang sagradong sayaw ng mga Palawanon.

Indie actor Dax Alejandro naman bilang Lulong, ang mangingisda, ay may isang eksena na napaiyak niya ang cast and crew. Kahit ako ay napaiyak niya nang todo. Napakahirap ng role niya. Natuto siyang lumangoy at sumisid [sa loob] ng isang buwan para lang paghandaan ang role. Nag-aral pa siya ng Palawanon accent. Magaling!

Veteran Australian actor na si Chris Haywood na umarte sa Oscar-winning movie na Shine at art film na Jindabyne ay may surprise role. Nakilala ko siya sa Australian Film Festival dito sa Manila nung hinahanap niya ako dahil napanood niya Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros, ang una kong pelikula, sa Sydney Opera House.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang sarap katrabaho, pro na pro. Wala ding karekla-reklamo. Magaganda din ang mga advice sa akin pag nagkakaroon ako ng mga duda. A very humble man.

Ano ang pinaka-in-enjoy mong bahagi sa paggawa ng Busong?

Nag-enjoy ako magdirek sa Busong dahil ang paborito ko sa trabahong ito ay ang pagdirek ng mga actors at actresses. I love producing genuine and profound emotions from my actors.

Sa Busong nakatrabaho ko ang tatlong klase ng artista: Ang "raw" actors from Palawan; ang mga "aral" o nag-aral sa teatro na si Clifford at Dax (na gumanap na din sa maraming dula); at ang mga "pro" tulad ng veteran actor Chris Haywood at mainstream actress na si Alessandra de Rossi.

But in the end, Palawan mismo ang main character ng film na ito. Ang kagandahan ng kanyang kalikasan ang humubog sa mga taong nagsiganap.

SYNOPSIS OF BUSONG. Kuwento ito ng bidang tauhan, si Punay (Alessandra de Rossi) na isinilang na may mga sugat sa kanyang mga paa kaya hindi siya makaapak sa lupa. Ang kanyang nakababatang kapatid na lalake, si Angkarang (Rodrigo Santikan) ang magbubuhat sa kanya, lulan ng duyan (hammock), habang binabagtas ang mga lupa’t bulubundukin ng Palawan, sa pag-asang makakakita silang magkapatid ng isang manggagamot para sa mga sugat ni Punay.

Iba’t ibang mga tao (Palaweños) ang nakasalubong ng magkapatid sa daan, at bawa’t isa’y tumulong kay Angkarang sa pagbuhat kay Punay. Kabilang dito ang isang babae (Bonevie Budao) na naghahanap sa kanyang nawawalang asawa (Walter Arenio); isang mangingisdang nawalan ng bangka (Dax Alejandro); at isang binatang naghahanap sa kanyang sarili (Clifford Banagale). Ang bawat isa sa kanila ay nakasumpong ng sariling katalagahan o kapalaran (fate).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN