"Moreno" to be screened at IndieSine from June 20 to 26


Ynez Veneracion, Ray-an Dulay, Mark Dionisio, and JV Roxas comprise the cast of Moreno (English title: Bronze). Director Cris Pablo shot portions of the film in South Cotabato, Mindanao, where he got some of the actors.


Mula June 20 hanggang June 26, ipalalabas sa Robinsons Galleria (Ortigas) at Robinsons Place (Ermita) ang indie movie ni Cris Pablo na tumatalakay sa relasyon ng bisexual sa bisexual.

Ipinapakita ng Moreno (English title: Bronze) ang ilang mga eksenang kinunan pa sa South Cotabato, Mindanao, kasama ang mga katutubo sa isang remote village malapit sa General Santos City. Nais buksan ng pelikulang ito ang diskusyon sa nakasanayan ng Macho Pinoy na magkaroon ng multiple lovers or partners. Bahagi ito at legal sa ilang mga tribo, sa relasyong bakla man kung saan parehong biological na lalaki ang magpartner, lalo na pag Pinoy din, mas matindi raw ang tendency na magkaroon din ng multiple partner kahit committed na.

Ang kwento ng Moreno ay tungkol sa filmmaker na si Cris na nagpunta sa isang remote village sa Mindanao para magdokumento ng kalagayan ng mga kababaihang members ng isang tribe doon. Ang director ng NGO (non-government organization) na si Mawen, kaibigan ni Cris, ay tumutulong na turuan at i-empower ang mga kababaihan ng naturang indigenous tribe.

Sa particular na komunidad na ito, ang mga lalaki ay legally allowed na magkaroon ng ilang asawa ngunit ang mga second, third, at fourth wife ay aping-api ang kanilang kalagayan. Mawen wants Cris, through his documentary, to be able to show how the community still needs help, especially the young, barely schooled women.

Ang kaso, may emotional and psychological baggage pa si Cris from a failed homosexual relationship in Manila. Habang hinaharap niya ang sufferings ng mga babae, nasasalamin din niya ang promiscuity ng partner niya, at ang paniniwala nito na dapat maging legal ang pagkakaroon ng maraming partners, bukod pa sa committed relationship ng isang tao.


Dahil nasasalamin ni Cris ang paghihirap na ito ay nakialam siya sa ilang case studies niya at ito ay magbubunga ng isang tragic ending.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Screening dates: June 20 - 26, 2007

Venue: IndieSine, Robinson’s Galleria, EDSA cor. Ortigas Avenue, Quezon City / Movieworld, Robinson’s Place, Padre Faura corner M. Adriatico St., Manila


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN