Postponed ang screening ng indie movie "Moreno"


Kailangan pang mag-shoot ng additional footage si Cris Pablo, ang director ng Moreno, bago niya ipa-review muli sa MTRCB ang kanyang indie movie.


Hindi natuloy sa pagpapalabas ang independent movie Moreno.

Kahapon, June 20, dapat ang simultaneous showing in two digital theaters ang pinakabagong independent movie ni Cris Pablo na Moreno, starring Ray-An Dulay of Bathhouse and Mr. Valentino 2007 winner JV Roxas. Breakthrough for independent movies sana ito, na sa dalawang sinehan agad ipalalabas nang sabay, sa Robinson’s Galleria and Robinson’s Place.

Independent movies in the Philippines are only shown in one theater. Kung kikita, mai-extend. Kung kikita pa, ililipat naman sa ibang sinehan for more access sa mga gustong makapanood.

Morning ng Wednesday na-submit ang final cut sa Movie & TV Classification Board (MTRCB) for review. It was rated X dahil wala raw itong "reedeming value."

Today, Thursday, nagsu-shoot ng additional scene si Direk Cris involving the other stars Ynez Veneracion and Mark Dionisio. Idadagdag ang eksena sa kabuuan ng pelikula at ipapa re-review ito sa MTRCB.

Kung makakapasa, next Wednesday, June 27, na ito maipapalabas.

Cris is the director behind the independent movies Duda (Doubt), Bathhouse and Bilog (Circles). Ang Pitong Dalagita ang unang mainstream movie niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN