Edgar Allan Guzman and Mercedes Cabral topbill 2011 Cinemalaya entry Ligo na U, Lapit na Me


In Ligo na U, Lapit na Me, Edgar Allan Guzman portrays Intoy, a young boy who is secretly in love with his friend Jenny (played by Mercedes Cabral).


The seventh edition of the Cinemalaya Philippine Independent Film Festival and Competition has nine entries to the New Breed category. One of the competing entries is a sex-comedy titled Ligo Na U, Lapit Na Me starring Edgar Allan Guzman and Mercedes Cabral. It is directed by Erick Salud, who previously helmed ABS-CBN’s fantaserye, Mutya.

"Ang ginagawa ko sa TV, puro drama, light or heavy... and fantasy. I’m used to doing mga comedy rin, so hindi na rin bago sa akin ang comedy," Direk Erik told PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) in a recent on-the-set interview.

"Ito namang Ligo Na U..., may pagka-sexy...(may touch of) bold! Na kakaiba [ang treatment, as sex-comedy].

"Doing something bold and sexy, ’yun ang bago. Talagang super-bago!

"Hindi ko ito karaniwang ginagawa sa TV, so ito ang something na nagpapa-excite talaga sa akin."

"SEX-ORIENTED." Hindi nag-aalangan ang baguhang movie director sa pagsasabing "sexy film" o sex-oriented movie ang kanyang kauna-unahang obrang pam-pelikula.

In lead roles dito sina Edgar Allan Guzman at Mercedes Cabral, na nakilala rin sa mga sex-oriented indie features.

"Marami silang mga sexy scenes; love scenes together," sambit ni Direk Erick.

Direk Erick was quick to dismiss, though, that his Cinemalaya entry, Ligo Na U, Lapit Na Me, is primarily a young love story between two people with certain "incompatibilities"; an odd pairing, one may call it.

"Parang, [the film asks]... ano ang nagustuhan ng isang babae, sa isang lalake, na ... may hitsura (nga), pero hindi naman gaanong guwapo? Bakit sila nag-click [as lovers, given the circumstances in the story]?"

Nabanggit din ng director ang pagiging makabagong teenagers ng characters nina Edgar Allan, bilang si Intoy, at Mercedes, as Jenny. Pareho pang mga estudyante (sa high school) pero hindi konserbatibo ang taglay na moral values.

"They make love and they talk about so many things after, marami silang pag-uusapan," pagtukoy rin ng direktor sa mga tauhan ng kuwentong mula sa screenplay na sinulat ng Palanca award-winning writer na si Jerry Gracio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Later, madi-develop ’yung lalake, pero ang babae, hindi mo alam kung ano ang gusto niya, o ano ba siya. She’s the kind of girl na parang ang hirap makawala. Iintindihin mo siya, kung bakit siya ganu’n.

"May mystery sa character ng babae, na comedy [ang dating]," natatawang banggit din ni Direk Erick.

EDGAR ALLAN ON MERCEDES CABRAL. First time niyang naka-trabaho sa movie ang sexy actress na si Mercedes Cabral at maganda ang naging impression ng 21-year old actor na si Edgar Allan sa bago niyang leading lady.

"Okay naman po, may bonding naman kami," sabi ni Edgar Allan nang tanungin namin siya tungkol sa pagta-trabaho nila ni Mercedes.

"Hindi na rin po kami nagkakailangan sa set," sabi rin ni Edgar, na aminadong may pagka-makulit din siya sa mga ka-trabaho sa set.

Sa TV, kung saan regular si Edgar Allan sa TV5 shows, like Locomoko U and Fantastik, maayos ang working relationship niya with fellow stars, lalaki man o babae.

No wonder hindi naging mahirap ang pag-a-adjust niya sa bagong pakikisama.

"Masaya din pong ka-trabaho si Mercedes... and very professional!" said Edgar, about his new leading lady.


Bukod sa Ligo Na U, Lapit Na Me, kasama rin si Edgar Allan sa cast ng isa pang pang-Cinemalaya Filmfest 2011, ang Bisperas (Directors’ Showcase category), sa direksiyon ni Jeffrey Jeturian.


(CLICK HERE to read related article)

PERFECT MATCH. Para din kay Direk Erick Salud, ang pagtatambal nina Edgar Allan Guzman at Mercedes Cabral ay akmang-akma sa una niyang pagdidirek sa pelikula.

"When I auditioned Mercedes, two months ago... screen test nila ni Edgar, nakita ko yung chemistry nila while doing [a scene]... parang, wow! Puwede talaga!

"E, si Mercedes, di ba, willing naman talaga siya magpa-sexy? Of course, dito [sa Ligo Na U...], hindi naman... all-out talaga. Hindi yung all-out na ’pag frontal-frontal, labas kaagad yung mga... [private body parts].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayaw kong ma-X din naman," pagtukoy pa ni Direk Erick on his precautions, with the MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) in mind.

Paano babalansehin ng pelikula ang pagiging sex-comedy nito, nang hindi mako-kompromiso ang nais sabihin ng mandudula at ng direktor?

"May guidance from the characters of Simon Ibarra and Mel Kimura, who play Edgar Allan’s parents," pagtukoy ni Direk Erick.

"As parents, na Born-Again Christians, hindi mawawala ’yun (guidance), kasi, ’diyeta’ pa rin [sa sex] yung lalaki--si Intoy (Edgar’s character)--dahil nand’yan pa rin ’yung parents niya.

"At the same time, when I talk about his personality, his character, mauunawaan mo siya, e. As an audience, maiintindihan mo siya kung ano siya, at bakit siya gano’n," wika rin ng direktor.

Sa simula’y hindi si Mercedes Cabral, kundi si Lovi Poe, ang dapat na magiging leading lady ni Edgar Allan.

"Kaso lang, ang problema, sumabay siya [Ligo Na U...] sa... [isang mainstream project]," sabi pa ng direktor, referring to the movie na isa si Lovi sa lead stars.

"Actually, si Kaye [Abad] din, bagay din sila ni Edgar; bagay din kay Kaye ang character ni Jenny [Mercedes’ role]."


Ang latest na napag-alaman din ng PEP, nai-consider for the role ang actress-beauty queen, Danielle Castaño, but she politely turned down the offer of Cinemalaya dahil hindi pa handa si Danielle sa pagpapa-sexy onscreen na pangunahing requirement ng role.

PROBLEMS AND EXPECTATIONS. Naging matagal ang pre-production para sa Ligo Na U, Lapit Na Me dahil sa iba’t ibang klaseng aberya at unavailability.

Unang-una ay ang pagiging busy rin ni Erick Salud noon, while taping for his previous teleserye.

Then, there was the problem with the main cast, na nag-back out si Lovi Poe as they were about to start with the shoot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa unang araw ng shooting, may lapnos ang kanang braso si Edgar Allan, bunga ng isang aksidente sa taping ng isang TV game show. Hirap mang igalaw ang kamay, the young actor managed to report for work at tinapos ang mga eksena hanggang alas-dos ng umaga.

Sa mga sumunod na araw, smooth-sailing ang naging shooting nina Direk Erick, kasama ang buong team niya (stars and crew) na subok naman daw sa pagiging professional.

"In fairness, hirap lang mag-anggulo ng sugat [ni Edgar Allan], e, wala na kaming choice; we have to shoot na, kasi nga we have a deadline with Cinemalaya.

"Ako rin naman, medyo at fault din naman because of my schedule with TV," banggit din ng nanganganay na film director. "Dapat, gagawin ko noon, hati; kaso nga nagpalit nga ng artista. Nu’ng okey na si Mercedes, ako naman, kailangan kong tapusin ang [Mutya]... kasi ending na."

Ano ang expectations ni Direk Erick Salud para sa Ligo Na U, Lapit Na Me, bilang entry sa New Breed category sa Cinemalaya on July 15-24, 2011?

"Sana, maiba sa TV," sabi niya. "Sa shooting, nagtu-2 cameras kami, na parang ang dating sa akin, nagti-TV pa rin ako.

"Mabilis akong mag-shoot, kasi kailangang bilisan! Sabi ko nga, parang TV kasi ang daming eksena. Ano ito, for airing?" natatawang biro ni Erick.

Ano pa ang iba niyang inaasahan para sa una niyang directorial job for the movies?

"Actually, ang sabi ko kay Noel [Ferrer, executive producer], ’H’wag kang magbigay ng pressure sa akin, na kailangang manalo sa Cinemalaya Competition...’ I just want to enjoy doing my first film!

"Maging part lang ako ng filmfest..." aniya pa, isa raw achievement ang maging bahagi ngayon ng taunang Cinemalaya. "Kasi Day 1, nu’ng nag-start ang Cinemalaya [in July 2005], nanonood na talaga ako palagi. Simula sa Maximo [Auraeus Solito’s prize-winning entry, Ang Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros], di ba? Nandu’n na ako. So, gusto kong ma-try din... [with my own film entry].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya sabi ko, ’Gusto ko lang i-enjoy...’ ayoko nang may iniisip na [sana manalo ng] awards... ayokong isipin ’yon!" natatawang banggit pa ng debuting movie director.

"Basta mapanood, magustuhan ng mga tao. Yun lang," sambit pa ni Direk Erick Salud.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN