Allen Dizon portrays an illiterate coffee farmer in Patikul


In this scene from Patikul, Allen Dizon’s character Amman is confused, being unable to do a transaction properly because he’s illiterate.


Allen Dizon is blessed to have the best of both worlds in anything he does, whether as an actor or as private person, in his family life or business.

"I’m so thankful to God for guiding me, and for all the blessings I’m having now!" sabi ng aktor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

"Gusto ko ring bigyang-credit ang pamilya ko, sa suporta at inspirasyon na ibinibigay nila," sabi rin ni Allen. Kasama niyang dumalo ang asawang si Crystelle Dizon sa presscon ng 7th Cinemalaya Film Festival noong June 8 sa Main Theater lobby ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Allen was at the presscon proper, bilang lead actor ng Patikul, entry sa Directors’ Showcase category, sa direksiyon ni Joel Lamangan.

But he had to beg off sa one-on-one interview, dahil on that day, he and Crystelle were celebrating their 10th wedding anniversary at kailangang umalis nang maaga ang aktor.

May tatlong anak sina Allen at Crystelle: Nella Marie, 8 years old; Felixia Crysten, 5; at Lucas Allric, 3 years old.

STRICT PARENT. Sa naunang interview ng PEP.ph ay nagpahayag si Allen Dizon ng kanyang saloobin tungkol sa pagiging isang padre de familia:

"I make it a point to have bonding moments with my wife and my children.

"Ang sarap ng may pamilya. At gusto kong maramdaman ng mga anak ko, na sila ang pinaka-importante sa akin. I play with them; sabay-sabay kami kumakain, at gusto naming mag-asawa na magkakatabi kami sa pagtulog.

"Palagi kong iniisip ngayon ang kinabukasan ng mga anak ko," sabi pa ni Allen.

"I want to make sure na paglaki nila ay secure ang future nila."

Bilang ama, strict disciplinarian si Allen.

"I don’t want to spoil my children," aniya pa. "Iba na ang priorities ko ngayon. It’s always my family. Sila kasi ang inspirasyon at ang buhay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang pangarap ko sa mga anak ko, katulad din ng pangarap ng kahit na sinong magulang: ang makatapos ng pag-aaral at maging responsableng tao sila.

"Importante sa akin ang edukasyon, kaya nagta-trabaho ako noong araw, bilang artista, at the same time, pinilit kong makatapos ng college. I graduated [with a degree] in Hotel and Restaurant Management; iyon kasi ang ’pamana’ na walang katumbas na pera."

Allen is firm in his decision sa tatahaking landas ng mga anak nila ni Crystelle.

"Ayaw kong mag-artista ang mga anak kong babae," sabi ng aktor.

"Iyong paglabas ng panganay ko (Nella Marie), sa pelikulang Marino (2009), katuwaan lang ’yon.

"Gusto ko mag-focus sila sa pag-aaral. Magulo ang showbiz, at pag babae, mas prone sa exploitation at sa mga tukso, at hindi ko papayagan na mangyari ’yon sa mga anak ko dahil maayos ko silang palalakihin.

"Itong bunso ko, si Lucas, kapag gusto niya, baka payagan ko, kasi ang lalaki, mas kayang dalhin ang sarili. Pero napakabata pa niya. At kung ako ang masusunod, ayaw ko ring mag-artista siya... ewan ko, masalimuot kasi ang showbiz..."

SELFLESS. In Patikul, which was based on a Palanca prize-winning screenplay by Kristoffer Brugada, Allen Dizon portrayed the role of Amman Al Mutawi, an illiterate Muslim coffee farmer. His character’s son, Fahad Al Mutawi (played by Martin delos Santos), is one of the brainy kids in the town of Patikul in Mindanao.

Palibhasa’y salat sa karunungan, pirma lang niya ang kayang isulat ni Amman; at umaasa siya sa kanyang anak sa pagbabasa ng mga dokumento na ibinibigay ng barangay.

Pero nag-aalinlangan ang bata kung ipagpapatuloy ang pag-aaral, o tutulong na lang sa kanyang ama, dahil sa magulong sitwasyon sa kanilang bayan.

Sa pangyayaring huminto ang mga guro sa pagtuturo sa mga bata, si Amman din ang naging isa sa mga instrumento para muling makapag-aral ang mga bata, kabilang ang kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How did Allen relate to his role as a father deprived of basic education in Patikul?

"Unang-una, tatay rin ako. Iyong character ni Amman, gagawin niya ang lahat para makapag-aral ang kanyang anak.

"Iniisip ko, given the situation, I’ll do the same. Igagapang ko talaga para makatapos ng pag-aaral ang anak ko.

"Ang gustung-gusto ko sa role ko, bilang Amman, napaka-selfless niya. Hindi lang ang anak niya ang ipinaglaban niya, kundi ang kalagayan ng edukasyon, na problema sa bayan ng Patikul.

"It’s one of my best roles sa pelikula," pahayag ni Allen.

"Excited akong ipapanood ang pelikulang ito sa mga anak ko.

"Through this film, makikita nila ang kahalagahan ng edukasyon; na masusuwerte sila dahil hindi nila kailangang maglakad ng ilang kilometro, para makapasok sa eskuwela at hindi sila kailangang huminto sa pag-aaral dahil may karahasan na nagaganap sa kanilang lugar.

"Nagpapasalamat ako kay Direk Joel Lamangan sa pagtitiwala niya sa akin," saad ni Allen.

BEST OF BOTH WORLDS. Kilalang indie actor si Allen. In fact, he won acting awards para sa mga nilabasan niyang indie films, tulad ng Twilight Dancers (2006), directed by Mel Chionglo; and Joel Lamangan’s Dukot (2009), at the PMPC Star Awards for Movies ’07; and the Gawad Tanglaw and FAMAS in 2010.

This year, marami rin siyang natamong nominasyon bilang second lead actor, para sa Sigwa (2010), also by Lamangan.

Pero masuwerte rin si Allen na nagkaroon siya ng pagkakataon to do a regular soap opera, Nasaan Ka, Elisa, for ABS-CBN.

Ang Nasaan Ka, Elisa ay magkatuwang na pinamamahalaan nina Jerome Pebocan at Richard Arellano.

Dennis Evangelista, Allen’s manager, informed PEP na isa si Allen Dizon sa mga major characters ng nasabing teleserye, na pinagbibidahan ni Melissa Ricks.

As Elisa, Melissa reprised the role of a Chilean actress, na gumanap sa orihinal na seryeng mula sa Chile; while Allen portrayed the part of Albert Martinez’ best friend and as the lover of Vina Morales’ character.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"From start to end (of the suspense-drama series) ay visible ang character ni Allen. Magiging suspect siya sa pagkawala ni Elisa," added Dennis.

Nasaan Ka, Elisa awaits airing; while Allen’s new indie project, Patikul, will have its gala premiere and regular screenings at the CCP venues, starting July 16, 2011.

Kabilang din sa cast ng Patikul sina Marvin Agustin, Glaiza de Castro, Dimples Romana, Ciara Sotto, Jim Pebanco, Gilette Sandico, Martin delos Santos, at Angeli Nichole Sanoy.

Meanwhile, isa pang bagong indie project ang pinagbibidahan ni Allen Dizon, ang Deadline (Reign of Impunity), also directed by Joel Lamangan.

Dito’y isang ma-prinsipyong journalist na nalagay sa panganib ang buhay ang ginampanan ni Allen.

Aside from Allen, Deadline stars Tirso Cruz III, Ina Feleo and Lovi Poe.

Deadline, which depicts media killings and warlordism in present Philippine society, had its well-attended premieres early this year, and several screenings are also scheduled, locally and internationally.

BUSINESS PROSPECTS. Allen Dizon’s PR-manager also revealed to PEP the actor’s upcoming projects, in line with his and Direk Joel’s "advocacy films."

Dennis mentioned that they are planning to make "a film on OFW’s (Overseas Filipino Workers), to be sponsored by the NGO (nongovernment organization) Migrante all over the world."

"Other line-ups for this year and in 2010 include films on such subjects as the land reform program, reproductive health, labor unrest and the urban poor."

According to Dennis, Allen also finds time to engage in private businesses, partly to finance the indie films he co-produces under his own outfit, ATD Productions, Inc.

"He’s part-owner of a food chain, na ayaw niyang ipa-mention," Dennis said. "It is located at SM Pampanga and NLEX Caltex. Kasosyo niya dito ang kanyang brother-in-law, na naka-base sa Amerika.

"So far, nakaka-survive naman ang negosyo. Allen wants to keep this business, hanggang sa paglaki ng kanyang mga anak," sabi pa ng manager ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN