Eugene Domingo talks about the challenges of portraying herself in Ang Babae sa Septic Tank


Eugene Domingo topbills the Cinemalaya entry, Ang Babae sa Septic Tank, a satire about independent filmmaking.


Award-winning actress Eugene Domingo makes her comeback to the Cinemalaya Philippine Independent Film Festival this year. The 7th edition of this annual filmfest will take place from July 15-24 at the Cultural Center of the Philippines and select cinemas at Greenbelt 3.


Memorable para kay Eugene ang Cinemalaya dahil dito siya unang nagkamit ng acting award. Nagwagi siya best supporting actress for the movie 100 na dinirek ni Chris Martinez.

For her comeback film, Eugene stars in the satire Ang Babae sa Septic Tank, na film debut ni Marlon Rivera, president and chief executive officer ng Publicis Manila. Siya rin ang co-producer and creative consultant ng Martinez-Rivera Films which produced 100 for Cinemalaya.

"I am excited and proud of this film. First time at hindi na siguro mauulit na I am going to play myself—upgraded," wika ni Eugene about her role in Ang Babae sa Septic Tank nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa recent presscon ng Cinemalaya.

"Silip ito sa paggawa ng pelikula, particular ang indie filmmaking. It’s a film within a film, a movie within a movie. Tungkol ito sa tatlong filmmakers na nangangarap na makagawa ng movie that would take them sa red carpet ng Oscars. Ang tanong: paano nila magagawa iyon at makukuha ba nila si Eugene Domingo to be their star?"

Lalo raw na-excite si Eugene nang mabasa niya ang script na sinulat ni Chris Martinez. Isa pa, she’s being handled by a new director mula sa advertising world kaya kakaibang experience itong muli para sa kanya.

"It’s really a very difficult material written by Chris Martinez. To this day, pinapapahanga pa rin niya ako, I am also very excited to have worked with Marlon Rivera, a new director and who is from the advertising world. Wika nga niya, natanggal siya sa kanyang comfort zone. Nakita ko ang pagbabago niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magaling siya and he’s very intelligent. Sa tingin ko ang hindi masyadong nakakaunawa at hindi masyadong mautak na director would have a hard time doing this project. But he’s really very intelligent and clever," sabi pa ni Uge about her new director.

STARRING IN A SATIRE. Winika pa ng two-time Golden Screen Awards winner na malaking challenge to play herself.


"Iniba ko kasi ang sarili ko. Something like that. Satire kasi ang pelikula. We are not trying to make a statement. We are presenting some things that are based on things that are really happening," pahayag pa niya.

Ibig sabihin ba nito ay lumusong ka talaga sa septic tank? "Bakit naman natin sasabihin kung hindi naman natin mare-reach? Tignan na lang natin. Yun ang kabilin-bilinan ko sa filmmakers, gawin na nila ang lahat huwag lang nila akong palusungin sa septic tank. Ipagawa na nila lahat sexy na may actual penetration o kaya action, pero huwag ninyo naman akong palusungin sa tae," natatawang pahayag ni Uge.

Nagkaroon ka nga ba ng aksidente sa set ng pelikula?

"Tama ka, nahulog nga ako sa septic tank pero all’s well that ends well. After the last shooting day, nagpalakpakan lahat ng staff. Everybody was happy na nakaraos kami kahit na nagka-delay-delay dahil nga naaksidente ako. Hinintay muna nila akong maka-recover bago kami nag-resume ng shooting. Hinintay nila akong gumaling tapos pumunta pa ako sa Roma for Here Comes the Bride.

"Nang makita ko naman ang mukha ni Marlon Rivera, mukhang masaya naman siya, masayang-masaya sila kasi nakatapos kami ng movie. Pero talagang kailangan ko raw talaga lumusong sa septic tank. So I did it. Siyempre kinabukasan, siyempre yung ginagawa mo tuwing umaga, uupo ka sa trono. Tinignan ko ang lumabas sa akin. Ganitong ganito ang nakita ko sa septic tank. Parang gusto kong lumusong uli," natatawang wika ni Uge.


"Importante talaga sa production design somehow nakopya naman nila kasi magandang maramdaman, maamoy at makita."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Eugene hopes na kapag napanood na ang movie ay mag-enjoy ang mga viewers, lalo na yung mga film addicts na lumulusob sa CCP tuwing Cinemalaya.


"This (film) is supposed to be a celebration. Wala naman kaming statement na ipinapalabas. Nag-enjoy lang tayo rito, na kung anuman ang maamoy ninyo, i-enjoy natin ang movie," saad pa niya.

Puwedeng sabihin na may whistle-bait figure si Eugene ngayon. Sabi niya, she’s on her ideal weight of 117 kasi maliit lang. She’s only four-feet-eleven inches tall. Comfortable naman daw siya sa kanyang pakiramdam sa kanyang katawan.

"We really hope that in the projects that I will get, magiging factor ang katawan ko. Isa sa mga gusto kong paniwalaan ay ang hindi pag-stereotype ng isang artista. It’s about the role, how you portray it and the chance na maipakita mo na bagay rin ito sa iyon."

EUROPEAN TRIP. Nagpunta ng Europe si Eugene together with Direk Chris para sa screening ng Here Comes the Bride sa Udine International Film Festival. May mga nagandahan naman daw sa kanya noong nasa Europe siya dahil marami naman daw ang napapalingon pag siya’y naglalakad.


"Masyado kaming naging masaya roon kasi sa Udine International Film Festival, natuwa sila sa presence namin ni Chris Martinez kasi excited na excited sila. Natuwa sila kasi hindi nasayang ang ipinamasahe nila sa amin. Masyado kaming maliliksi roon. Masyadong maigsi ang oras para intindihin ko pa ang mga lalaki. Doon na lang ako naging busy sa pagpo-promote ng pelikula namin. Baka pagbalik ko uli. Inimbita ko ang sarili ko sa Udine at tinanggap ko ang invitation," pabirong wika niya.

Nakapamasyal ba naman kayo habang kayo’y nasa Europe?

"Oo naman. Nagpunta kami ng Rome, Venice. Napakaganda ng Venice pero parang naalala ko ang Malabon dahil sa tubig. Pero ang lahat ng lugar na napuntahan ko, maganda sila sa gabi. At saka ako rin, maganda roon, mas maganda ako roon pag gabi," biro pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinagkaguluhan ba ang beauty mo? "Napapa-double look sila pag sumasakay ako ng tren. Parang sinasabi nila, sino iyon? At natutuwa ako sa mga Pilipinong nakasalamuha namin doon dahil napakasipag nila at masaya sila sa mga trabaho nila. Gusto ko rin silang pasalamatan sa mga Pilipinong sumuporta sa amin. Inilibot nila kami sa Udine. Babalik ako talaga roon," say pa ni Eugene.

Kumusta naman ang reception ng mga tao sa Here Comes the Bride? "Universal naman ang tema ng pelikula kaya kahit saan mo ito dalhin ay nakaka-relate sa kuwento ang mga tao. Istorya ito ng limang tao na may kanya-kanyang frustrations at pangarap na dahil sa eclipse ay nagkaroon ng pagbabago. Lahat naman ay naka-relate," kuwento ni Eugene.

"Natuwa sila kina Angelica Panganiban at John Lapus kaya nanalo tayo ng Audience Choice Award (3rd Best). Wika nga ni Chris Martinez when he came up the stage to accept the award: ’Can anybody explain what is happening?’ Italian kasi ang salita, walang subtitle. Basta narinig lang naming Philippines so sabi ko kay Direk Chris, nanalo ka. Then they guided us na pumanhik sa stage kasi kami iyon.

"Hindi namin naiintindihan. Pagdating namin sa stage, hindi na kami nagmarunong pa. Nagtanong na kami what is happening. Natuwa naman sila sa kamangmangan namin. They find us cute. Napag-uwi pa kami ng karangalan."

SHOWCASING HER VERSATILITY. That Eugene is a very good actress is no longer a question. But how is she able to do it—shift emotions with ease, like with the flick of a finger?

"Mahirap iyon kaya pag-aaralan mo iyon. Kailangan timplahin mo iyon pero happily ang disiplina ko sa aking kurso which is theater arts ay talagang nagagamit ko, and most especially pati ang exposure ko sa television and sa movies, came in handy whenever I take on any role, tulad nitong Ang Babae sa Septic Tank," sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pag napanood ninyo ang movie, you’d understand what I am saying. Kasi mahirap nga ang role kaya dapat talaga handa ka for it."

Na-experience mo na ba na sobrang lungkot pero kailangan mong magpatawa? Paano mo ito nagampanan?

"Oo naman. Aba, mahirap iyon. Tao lang naman tayo lahat. Kahit naman ang artista ay tao rin at may emosyon din," say ni Uge. "Pero lahat tayo ay may responsibilidad, like me, sa aking audience. People don’t care what or how you feel sometimes. You just have to do your job. You have to entertain the people, kailangan mo sila aliwin at magbigay ng istorya.

"Kaya kailangan dapat klaro ang karakter mo. At i-set aside mo muna kung ano ang nararamdaman mo sa totoong buhay, off-camera. That is part your responsibility as an actress. Siyempre kailangan rin na bigyan mo ng oras ang sarili mo para di ka ma-krung-krung. Lahat naman ng tao may personal problems, otherwise wala kang maibibigay na emotion.

"Pero ang nakakatuwa lang diyan, for all your hard work, is the appreciation you get from the people, and the time they spent na pinanood nila ang TV show mo or ang movie mo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN