Mart Escudero recalls his kissing scene with male co-star in Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington


In Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington, Mart Escudero (right) plays a guy who becomes attracted to the same sex because of a curse given to him in the past. Mart shot a kilig scene with co-star Kerbie Zamora (left) in this film directed by Jade Castro.


Well-attended at star-studded ang closing ng 7th Cinemalaya Independent Film Festival, sa pamamagitan ng dalawang natatanging indie films na nagsara ng 10-day filmfest. Pinalabas ang dalawang closing films last July 23 sa Tanghalang Nicanor Abelardo (Main Theater) ng Cultural Center of the Philippines.


Una, ang Rakenrol, ang six-years-in-the-making musical-romance-drama, mula sa producer-director na si Quark Henares. Unang ipinakita ang pelikula ni Direk Quark na ipalalabas sa mga sinehan on September 7.


Sa premiere ng pelikula ni Quark ay dumalo ang kanyang celebrity mom na si Dra. Vicki Belo (but without fiancé, Hayden Kho) at ang principal cast ng pelikula, bilang struggling band members, kabilang sina Glaiza de Castro, Ketchup Eusebio, at Jason Abalos.


May mahahalagang roles din sa Rakenrol sina Diether Ocampo, Matet de Leon, Alwyn Uytingco at Eraserheads vocalist Ely Buendia.


Ikalawa, ang Zombadings 1: Patayin Sa Shokot Si Remington, a horror-comedy, na unang pagbibida, o launching vehicle para sa young actor na si Mart Escudero sa direksiyon ni Jade Castro.


Dumalo sa premiere night ng pelikula ang bidang aktor na si Mart Escudero, and co-stars Kerbie Zamora, Lauren Young, Mailes Kanapi, Nar Cabico, Nicco Manalo; director Jade Castro, writer-producer, Raymond Lee, and Popoy Caritativo (Mart’s manager), among others.


PINOY ZOMBIE MOVIE. Sa screening ng ikalawang Cinemalaya closing film, ang Zombadings 1: Patayin Sa Shokot Si Remington, simula ika-11:45 ng gabi hanggang 2 am, July 24, ay masigla pa rin ang filmfest crowd, kahit lampas na ng hatinggabi natapos ang screening.


Pagkatapos ng screening, may mga taong nakadamit na parang zombies at may namimigay rin ng Lucban longganisa na hugis kuko ayon na rin sa tema ng pelikula na isang zombie movie.


Masigabong palakpakan, tanda ng mainit na pagtanggap, ang ibinigay ng mga manonood sa pelikula, matapos ang maraming eksenang katatawanan nito, courtesy of veteran comedian Roderick Paulate, 2011 Cinemalaya best actress awardee Eugene Domingo (na pinarangalan kamakailan para sa Ang Babae sa Septic Tank), and lead actor Mart Escudero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Ang premyadong indie at mainstream director na si Jade Castro ang direktor at co-writer ng pelikula, along with multi-awarded screenwriters, Raymond Lee and Michiko Yamamoto.


Muling napatunayan nina Raymond Lee at Michiko Yamamoto (co-producer and writer, respectively of the Cinemalaya 2005 celebrated entry, Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros, by Auraeus Solito); at Direk Jade Castro and Lee (director and co-writer/producer of the Special Jury Prize-winning Cinemalaya 2007 entry, Endo) that they are the team to beat, pagdating sa mga pelikulang may temang makabuluhan at may malaking potensiyal na kumita ng malaki sa takilya.



SET IN LUCBAN, QUEZON. Ang directorial debut film ni Jade Castro, ang Endo, ay nanalo ng Special Jury Prize sa Cinemalaya 2007 at naitanghal sa iba’t ibang international film festivals.


Ang mga bidang artista nito, sina Jason Abalos at Ina Feleo, ay nagtamo rin ng una nilang acting awards, sa Gawad Urian at Cinemalaya, respectively.


Agad pumalaot sa mainstream moviemaking si Jade Castro, with a Star Cinema romance-drama, titled My Big Love (2008), na pinagbidahan nina Sam Milby at Toni Gonzaga.


After three years, muling nagbabalik-pelikula, bilang co-writer at director si Jade Castro, sa pamamagitan ng Zombadings 1: Patayin Sa Shokot Si Remington, isang horror-comedy na may makabuluhang mensahe tungkol sa kalikasan at dignidad ng pagkatao ng isang gay (male homosexual), o bading.


Bakit natagalan bago siya uli nagdirek ng pelikula?


"Matagal-tagal siyang (Zombadings) gawin, matagal ang simula, tapos, matagal naming na-shoot; ang tagal din naming nag-post [production]," sabi ni Direk Jade.


Isinulat daw nila nina Raymond Lee at Michiko Yamamoto ang script ng Zombadings noong late 2009. Mula noon, hanggang sa nakaraang Cinemalaya world premiere ng pelikula, ay humigit-kumulang sa isa’t kalahating taon.


Pero ang actual shooting ng pelikulang indie ay sa loob lamang ng 20 araw sa Lucban, Quezon, ayon din kay Jade Castro.


"Matagal ang special effects. Ang head ng post-production, si Erik Matti (isa ring direktor). Magaling siya," sabi rin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


What inspired Direk Jade to do a gay film, bilang kanyang ikatlong pelikula?


"Galing ito sa utak ni Raymond Lee. True story. Naglalakad siya noon, sa Lucban [Quezon], tapos, may batang tumawag sa kanya na, ’Bakla! Bakla!’


"Tapos, sabi niya, ’Paglaki mo, magiging bakla ka rin!’ So, du’n nanggaling [ang concept], tapos, in-address niya sa grupo, nag-decide na ako ang magdidirek, tapos, kami ang magsusulat ng script. Dinivelop namin nina Raymond at Michiko together."


"Ibu-blow up siya [sa 35mm]," pagtukoy pa ng direktor, sa tiyak na plano para sa pelikula. "Wala pa siyang subtitles. Ayaw naming may subtitles pag ipinalabas dito, except yung mga salitang bading."


PORTARYING A GAY CHARACTER. ’’Mahabang proseso," was how young actor, Mart Escudero, described his preparation for the role of a barrio lad who, by some mysterious stroke of fate, turned into a male homosexual or gay.



"Sa simula, merong kaba, dahil baka hindi ko magawa, effectively, pero dahil wala na akong iba kasing ginagawa... araw-araw, in character; bawal umalis, kaya talagang nakuha ko ’yung character," sabi ni Mart, sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), matapos ang gala night sa CCP.


Mayroong isang taga-media na nagbiro naman kay Mart. Anito’y baka raw "bakla" talaga si Mart, sa totoong buhay.


"Siguro, yung past life ko siguro... bakla ako," ganting-biro naman ng young actor.


Muli, PEP asked Mart kung paano siya nag-prepare sa kanyang papel, sa Zombadings.


"May mga tumutulong. Sina Sir Raymond (Lee), sina Direk Jade (Castro); ’tsaka si Tito Roderick (Paulate). ’Yan yung mga peg ko; mga kino-kopya..."


FIRST "KISS". Sa Zombadings naganap ang first "kiss" ni Mart Escudero with a male partner.



"Oo, first time... ayos naman," ani Mart na nakangiti.


Wala naman daw naging hesitation si Mart sa pagtanggap sa pelikula na may gano’ng eksena.


"Nung nabasa ko yung script, sa tingin ko, talagang parte ng pelikula yung scene, na kailangang gawin ’yon at makakatulong," rason ni Mart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Mart admitted feeling awkward doing a kissing scene with a male partner.


"Sa una, siyempre," pag-amin ni Mart. "Hindi kasi normal na ginagawa yun; hindi naman ginagawa talaga ’yan ng mga lalake. Pero nandu’n naman si Direk Jade para umalalay."


Naging maayos naman raw ang pagta-trabaho nila ng kanyang male co-star na si Kerbie na former contestant ng Be Bench Model Search noong 2007.


"Naging close din kami. Walang naging problema sa set, kaya nagawa namin," sabi pa ni Mart.

Papayag ba siyang gumanap uli sa isang gay character, after Zombadings? "Depende siguro," sagot niya.


Hindi ba natatakot si Mart na ma-typecast, kung sakali, sa pagiging gay onscreen? "Hindi naman... hindi naman," wika rin niya.


LAMBANOG TO LOOSEN UP. Direk Jade Castro is all praise for his lead actor, Mart Escudero, lalo sa mga eksenang mistula itong totoong gay.


"Ang galing niya! Kami-kami lang ang coach niya. Malaki naman ang grupo namin, e. Nagtutulungan kaming lahat," sabi pa ni Jade.


"Actually, si Uge [Eugene Domingo]... si Kuya Dick [Paulate], tinulungan din siya. Magaling si Mart. Sa auditions pa lang, nakita ko na kaagad, na kaya niyang gawin yung mahihirap na eksena [ng bading character]. Perfect yung comic timing niya; pati sa drama, na kahit nagpapatawa siya, alam mong malalim..."


Sa pelikula ay may eksenang makikipaghalikan si Mart Escudero kay Kerbie Zamora, na gumaganap bilang kanyang matalik na kaibigan.
"Matagal ang preparation nun. Lahat kami, nahirapan dun sa eksenang ’yon. Pero, maniwala kayo, isang take lang ’yon. Matagal lang kaming nag-rehearse," sabi rin ni Jade.


Ang eksena ay naganap sa may hagdanan, at inabot ng ilang minuto ang eksenang nauwi sa halikan ng dalawang male characters.
"Inisa-isa namin, bawat step, bawat galaw; kung saan pupuwesto sa hagdan, uupo, gano’n," paliwanag din ni Direk Jade.


"Uminom kami ng konting lambanog," natatawa ding pagtukoy ng young director. "20 days shoot kami, pababalik-balik (sa location, in Lucban, Quezon); may mga days na magkakasunod, 2-3 days, pero uuwi din, tapos, babalik kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Ang budget, mas malaki kaysa karaniwang indie," pag-inform din ni Jade.


Sa pelikula ay may malalaking artistang mainstream. Bukod kina Eugene at Roderick, may mahalagang participation ang popular actress na si Marian Rivera.

UPCOMING TV5 FANTASERYE FOR MART. Nakausap din ng PEP si Popoy Caritativo, ang manager ni Mart Escudero.


Ayon sa manager, "Exclusive na siya (Mart) sa Channel 5, (simula noong) January. Kakatapos niya lang ng Babaeng Hampaslupa [teleserye sa TV5], ngayon, uumpisahan niya yung bagong... parang fantasy-TV series naman. Magte-taping na siya, by the end of July.


"Wala pang title, sikreto pa daw, e," sabi rin ni Popoy. "Leading lady niya dito si Ritz Azul."


Bukod sa Zombadings, na ipalalabas this year (starting August 31), sabi rin ni Popoy, "May Shake, Rattle & Roll 13 si Mart, for December 2011. Sa Regal pa rin siya."


Willing ba ang manager na gumanap uli, bilang gay sa pelikula o teleserye si Mart?


"Kung mas maganda kesa Zombadings," pagtukoy ni Popoy, na manager din ni Dennis Trillo at Marian Rivera, among others.


"’Di ba, si Dennis, isa lang yung ginawa namin?" sabi rin ni Popoy, referring to Dennis Trillo’s launching film, Aishite Masu (directed by Joel Lamangan) in 2004.


"Parang ganito (sa Zombadings). Bongga din ito; hindi na namin uulitin. Si Dennis, hindi na namin inulit [ang pagba-bading, onscreen] para hindi siya ma-typecast, di ba? Gano’n din [sa kaso ni Mart]."


Wala raw problema sa lovelife ang 21-year old actor.


"Ay, mabait si Mart. Masipag," pagtukoy ni Popoy. "Mula nang maghiwalay sila ni Jennica Garcia, hindi pa siya na-involve uli.


"Wala pa. Gusto niya munang mag-trabaho. Breadwinner kasi, e," sambit pa ng manager ni Mart Escudero.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN