Sam Concepcion busy with rehearsals for his musical play, Peter Pan


"I’m really excited to start working on the script, and we’re working on the characters. Basically we’re in that phase where we’re just trying to concentrate on different concerns, aspects of the play, and finally putting them together," says Sam Concepcion about his upcoming play, Peter Pan .


Bagaman busy sa kanyang pelikulang Way Back Home at TV show na Good Vibes, nagawa pa rin dumalo ni Sam Concepcion sa launching ng music video para sa "Pilipinas, Tara Na!" slogan ng Department of Tourism.

Isa kasi siya sa mga OPM artists na kumanta ng bagong version ng kantang "Biyahe Tayo," na originally ay kinanta ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sinabi nitong masayang-masaya siya na maging parte ng proyektong ito ng Department of Tourism.

Aniya, "I was really excited to be working with other OPM artists. It is like literally lending my voice, and working together on what we could do to promote that."

PETER PAN. Bukod sa pelikula at TV show, abala rin si Sam sa kanyang rehearsals para sa pagbibidahan niyang musical theater play na Peter Pan.

Mula Spetember 29 hanggang October 30, nakatakdang ipalabas ang nasabing play sa Meralco Theater, Pasig City.

Kumusta naman kaya ang rehearsals nila?

"Good!" nakangiting sagot ng young actor.

"We started the rehearsals, we’re learning the music. Music is very nice, very, very beautiful music.

"I’m really excited to start working on the script, and we’re working on the characters.

"Basically we’re in that phase where we’re just trying to concentrate on different concerns, aspects of the play, and finally putting them together.

"So, we’re doing the music, doing the blocking, reading the scripts, doing choreography, then we put it all together."

Bagaman masyang-masaya siya sa takbo ng kanilang rehearsals, ang pinaka-aabangan pa rin daw ni Sam ay ang kanilang flying scenes.

Ayon sa naunang panayam kay Sam noong presscon ng naturang play, sinabi nitong malalaking flying machines mula sa London ang gagamitin nila para sa show. (CLICK HERE for related article)

Nasubukan na ba niya ang harness na ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Di pa, di pa, sa Meralco [Theater] na," ani Sam.

"We’ll start rehearsing there when we have the set na and everything.

"It’s gonna be a major change, kasi siyempre we’re gonna have to adjust to the limitations and capabilities of the harness.

"I’m really, really excited about that!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN