Deadline invited to Montreal World Film Festival and Brussels International Film Festival


Deadline is topbilled by (from upper left, clockwise) Lovi Poe, TJ Trinidad, Tirso Cruz III and Allen Dizon.


Ang Deadline (The Reign of Impunity) ay ang tanging Filipino film na kabilang sa 35th Montreal World Film Festival. Ang pelikulang tungkol sa marahas na pagpatay sa mga journalists sa Pilipinas ay kabilang sa section na tinatawag na Focus on World Cinema (Features).



Idinerehe ni Joel Lamangan ang script ng Deadline na mula sa panulat ni Bonifacio Ilagan. Bida sa pelikula sina Tirso Cruz III, Allen Dizon, Ina Feleo at Lovi Poe kasama rin sina TJ Trinidad at Luis Alandy.



Kasalukuyang ginaganap ang Montreal World Film Festival sa Canada at magtatapos ito sa August 28.



Sinasabing tinalo na ng Pilipinas ang Iraq bilang most dangerous place for journalists pagkatapos ng madugong "Ampatuan massacre" na naganap noong November 2009. Bagamat naisip na ni Boni Ilagan ang gumawa ng political thriller tungkol sa media killings, lalong umigiting ang pagnanasa niya na gawin ang Deadline dahil sa naturang krimen na kumitil sa buhay ng mga media people at pati mga civilians.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Bukod sa pagpatay ng mga journalists, binigyang pansin din ng pelikula ang isyu ng "warlordism" sa Pilipinas. Pinatamaan dito ang mga dayaan sa eleksyon, paggamit ng private army at pakikisabwatan ng mga makapangyarihan sa mga opisyal ng pamahalaan.



Bukod sa pagiging parte ng Montreal World Film Festival, makikipag-compete din ang Deadline sa Brussels International Film Festival na gaganapin ngayong November.



Inaasahang dadalo si Direk Joel Lamangan at si Allen Dizon sa Brussels International Film Festival na gaganapin sa Belgium. Sasama rin si Allen sa mga screenings ng Deadline na gagawin sa iba’t ibang European countries tulad ng France, Amsterdam, Brussels, Sweden, Germany, Italy, Norway, Switzerland at United Kingdom.

Magkakaroon ng talakayan at open forum ang mga nasabing screenings sa Europe na malamang ay aabutin ng hanggang Disyembre. Early next year ay ipapalabas naman ang Deadline sa United States, Canada at Australia.

Ang Deadline (The Reign of Impunity) ay handog ng XITI Productions na siyang nag-produce ng 2011 Cinemalaya entry na Patikul. May sisimulan ang XITI Productions na panibagong pelikula tungkol sa buhay ng mga OFW na ang pamagat ay Migrante. Ito ay ididirehe ni Direk Joel Lamangan sa panulat ni Bonifacio P. Ilagan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Narito naman ang schedule ng pagpapalabas ng Deadline sa Pilipinas:

August 23, 24 and August 28 --- Davao (for Assumption College students, HCDC and Our Lady of Fatima students organized by AIM (Alliance Against Impunity). Inaasahan rin na magkakaroon ng screenings sa Brokenshine College, University of Mindanao at iba pa sa Davao).

September 17 --- Special screening sponsored by Office of the Presidential Adviser on the Peace Process

September 21--- Pampanga screenings courtesy of National Union of Journalist in the Philippines (NUJP) Pampanga

September Press Freedom Week --- return engagement in Cebu screenings

September 22- 25 --- Bataan screenings courtesy of NUJP Bataan Chapter

September 24 --- Palawan screenings courtesy of Palawan State University MassCom Society, NUJP Palawan, APAMAI (Alyansa ng Palawenyong Mamahayag, Inc) and Justice for Doc. Gerry Ortega Movement.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN