Maja Salvador endured hospitalization and bleeding blisters on her feet for Thelma


Maja Salvador (left) trained for six weeks under Elma Muros to learn the proper technique of running. Paul Soriano wrote and directed the family drama Thelma.


Naging matagumpay ang premiere night ng Thelma sa SM Megamall noong Linggo, September 4. Dinaluhan ito ng mga ABS-CBN personalities na kaibigan ng mga bida sa pelikula.


Kasama ni Maja Salvador sa red carpet ang writer-director ng pelikula na si Paul Soriano at si Jason Abalos, ang leading man ni Maja. Ang girlfriend ni Direk Paul na si Toni Gonzaga ay dumalo kasama ang kanyang pamilya. Katabi ni Toni sina Eugene Domingo at John "Sweet" Lapus habang pinanood nila ang family drama na kinunan sa Ilocos Norte.

Bukod kay Maja at Jason, naroon rin ang ibang Thelma stars na sina John Arcilla, Eliza Pineda at Sue Prado.

(CLICK HERE to read PEP’s review of Thelma)


Isa sa mga early birds ang champion running athlete turned coach Elma Muros na may cameo role sa Thelma. Ito ang nasabi ni Ms. Elma tungkol sa pagganap ni Maja sa pelikula: "Wala akong masabi kay Maja. Magaling at patient siya. Wala siyang reklamo. Talagang na-feel niya kung paano maging athlete. Tumakbo pa siya nang nakayapak. Sabi ko, hindi madali ang maging isang atleta. Kahit artista siya, nasubukan niyang maging athlete sa pelikula. Hindi biro ang ginampanan niya at ang hirap niya talaga.

"Tatlong beses sa isang linggo kami [nag-train]. Kinorek namin ang form niya at [hinasa namin] yung endurance niya at yung strength niya. Ultimong pagtakbo niya, parang totoong runner. Sabi ko sa kanya, para kang totoong athlete."

Dumalo rin ang sports correspondent ng ABS-CBN na si Dyan Castillejo, Coach Rio dela Cruz at ilang Dragon Boat Team members. Sinuportahan din ni Kim Chiu at Cacai ang kanilang kaibigang si Maja para sa kanyang solo movie. Ang iba pang nakita nang gabing iyon ay sina Desiree del Valle, Kaye Abad at Tim Yap.

Dumating rin sa red-carpet premiere si KC Concepcion, kasama ang mga directors na sina Cathy Garcia Molina at Mae Cruz. Kasama rin nilang nanood si Amy Austria, ang co-star ni Maja sa Minsan Lang Kita Iibigin.

Ayon kay Maja, matagal na silang nagkaayos ng pinsan niyang si Deborah Sun. Sinabi ng aktres na inimbitahan niya ang kanyang pinsan upang manood ng naturang premiere sa Megamall.

Ang ama ni Maja ay ang dating aktor na si Ross Rival, na kapatid ng dating aktor at direktor na si Leroy Salvador, na ama naman ni Deborah. Kaya magpinsang-buo sina Deborah at Maja.

(CLICK HERE to read related article)


Ang former Kristine star na si Denise Laurel ay muling nakita ng publiko matapos niyang ipanganak ang four-month-old son last April.

(CLICK HERE to read related article)


Pagkatapos ng screening, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Paul na nagkuwento tungkol sa mga hirap na dinanas ni Maja para sa pelikulang Thelma.

Ayon sa kanya, dinala pa si Maja sa ospital noong ika-apat na shooting day nila dahil sa severe leg cramps. Dumugo na rin ang mga paa ni Maja dahil tumatakbo siya nang walang tsinelas o sapatos. Matapos makapagpahinga ng 2-3 hours, si Maja pa mismo ang nagsabi kay Direk Paul na ituloy nila ang pag-shoot para sa Thelma.

Ayon kay Direk Paul, si Elma Muros ang nag-train kay Maja upang makuha niya ang correct form ng isang runner. Three times a week sila nag-train for six weeks sa Ultra. Kahit busy siya noon para sa taping ng Minsan Lang Kita Iibigin, gumigising pa si Maja ng maaga upang umabot sa 5 a.m. training nila ni Elma Muros.

How big is their budget for Thelma?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The film is worth a lot, the budget is very limited, pero working in advertising also is plus factor sa ’kin, kasi marami akong kakilala for the high-tech camera, chopper and other materials na ginamit sa shoot."

How long did it take to shoot the movie?

"Honestly, we shot for 15 days, and then post production was almost six to seven months. Pre-production was almost eight months, writing the script, everything. Almost two years in the making."

Why did he choose to shoot in Ilocos Norte?

"A beautiful location like Ilocos Norte, you have to show it by air, we were able to do it, ang ganda."

"Ilocos is one of my favorite provinces, one of my favorite locations. I used to go there a lot as a kid, Pagudpud, Bangui where the windmills are. And I told myself that I wanna shoot here someday. And the story of Thelma fits here. A dream come true!"

Dagdag pa ni Direk Paul:


"Ilocano ang ginamit namin para makatotohanan, si Maja lang yung fluent kasi Ilocana siya. Galing siya ng Aparri, actually si Maja, hindi lang producer, hindi lang actress sa pelikulang ito, kundi siya rin nagturo ng dialect kina Tetchie, kay John at kay Eliza."

Is he aware that Toni Gonzaga cried towards the end of the film?


"Talaga? Malamang proud siya sa ’kin, ibig sabihin nito I was able to touch her heart. Every story, your goal is to touch the heart of the viewers, if you cannot do that, you didn’t tell a good story."

What did Toni tell him after seeing the movie?


"She said, proud siya sa akin. She congratulated me sabay kiss!"


Do you want to direct Toni in a full-length film in the future?


"Oo naman, who wanna direct the box office queen, di ba? When opportunity comes with a good story, basta maganda yung story, I wanna do it with anyone, especially Toni."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Toni, is a good swimmer, yun ang sports niya... swimming. Baka kung may gagawin uli akong istorya about athletes, yung story ni Akiko Thompson as a swimmer."

When and where will be the world premiere of Thelma?


"Right now, our first premiere date is on October 15 in Hawaii, we’re gonna be in the Hawaii International Film Festival and hopefully it’s the start of many festivals."

Is the plot of the movie inspired by the life story of Elma Muros?

"It’s a little bit, inspired by true stories, different story ito ng different runners. Elma Muros is just a part of it. Of course, she’s a known champion runner, as you see may kaunting cameo siya sa pelikula, people appreciated it, di ba? She fits in kasi she is a coach now, e."


What do you consider to be the most difficult scenes that you did in this movie?


"Definitely, the running scene, yung mga helicopter shots. And you saw Maja doing the running scenes barefoot. Mainit! You can see the sun...You can almost cook an egg on the pavement. After the take, when you look at Maja’s feet, puro blisters. Minsan nagdudugo na, pero sabi ko ’Maja, kailangan ko pa ng isang take, kasi kailangan ko ng ibang angle.’ Sabi niya, ’Direk, five minutes po.’ Nilalagyan ng alcohol yung paa niya, i-imagine mo kung gaano kahapdi yun, di ba?


"Nag-try kami maglagay ng plastic na takip sa paa niya para di naman siya barefoot, pero di siya kumportable, kaya di na namin ginamit yung plastic, si Maja na mismo yung nagsabi na ’Direk, huwag na lang, kasi di ako makatakbo ng maayos.’ Sabi ko, ’Naku, baka magalit yung mga taga-Star Magic sa akin!’ Sabi niya, "Ako ang bahala kasi gusto ko talaga itong ma-feel.


"Ayun, may eksena na tumatakbo siya barefoot habang mainit, pag cut, literally nag-collapse siya sa ground, tapos nagpunta yung mga medics, nilinis yung paa niya at mga sugat, sabi ko ’Maja, isa pa, I need another angle.’


"Ayun dinala namin siya sa start sa pamamagitan ng tricycle, tapos nun, takbo uli sya. May eksena nga siya na malapit na finish line na naka-extend yung dalawang kamay niya, pero nakasapatos na siya that time, nung tanggalin namin yung sapatos nakita namin, yung medyas niya puro dugo. Yung scream niya at that time after reaching the finish line, kala mo victory pero actually its pain. Totoong nasasaktan na siya that time, dahil sa mga sugat niya sa paa. Naaawa talaga ako kay Maja for that scene, but we have to do it para sa ikakaganda ng pelikula."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Why did he choose to depict the struggles of runners through this movie?


"I wanted the story of a runner, kasi a runner means always moving forward, any time, anybody, you’re going forward, you’re going to a direction. Running is like a metaphor ng buhay. Lahat tayo tumatakbo ng sariling race. May race ka, may race ako, di ba? It’s really up to us, how fast we gonna get there. If we fall: are we gonna get up and run again?"

Ang family drama ng Thelma ay magbibigay inspirasyon hindi lang sa mga atletang Pilipino kundi pati na rin sa mga taong may nais abutin na mga pangarap.


Ang Thelma ay produced by Time Horizon in cooperation with Abracadabra and Underground Logic. Star Cinema ang distributor ng pelikulang ito na kasalukyang pinapalabas sa mga sinehan.

Thelma is Graded A by the Cinema Evaluation Board.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN