RJ Salvador felt nervous before shooting Thelma with cousin Maja Salvador


RJ Salvador says he felt nervous while shooting scenes with his cousin Maja Salvador, the lead actress of Thelma.


Kinabahan ang neophyte actor na si RJ Salvador nang makaeksena niya ang pinsan niyang si Maja Salvador sa pelikulang Thelma.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si RJ kamakailan lang sa isang coffee shop sa Ayala, Makati City.

Dito’y naikuwento niyang nag-supporting role na siya noon sa pelikulang Ka Hector (1995), na pinagbidahan ng kanyang tito na si Phillip Salvador, kaya kahit papaano ay may background na siya sa pag-arte.

"Actually, since twelve years old nag-[shoot] na ako ng commercials.

"Pero, parang pa-support-support [din] sa movies kasi yung dad ko producer din.

"So, kahit paano nakakasama ako sa mga [projects]."

Pero kuwento niya, "Yung shoot, ha, ng Thelma, siyempre first time ko yun ’tsaka first movie kaya sobrang kinabahan talaga ako.

"Tapos, siyempre unang-unang kaeksena ko pa si Maja, pinsan ko naman siya, so medyo komportable ng konti.

"Pero, siyempre si Maja Salvador ’yan, tapos first time ko lang.

"Pero yung ano naman sobrang... Sobrang dami ko din natutunan, a, parang pa-konti-konti naging komportable ako."

WORKING ON THELMA. Bagama’t producer ang ama ni RJ na si Ramon Salvador, tila aksidente daw ang pagkakapasok niya sa pelikulang Thelma.

"Sa totoo lang yung sa Thelma... Actually, hindi siya ganun kahanda kasi biglaan lang.

"Kaibigan ko yung assistant director [ng Thelma] si Bombi Plata.

"Nagkatrabaho kami sa music video, sabi niya, ’O, RJ kailangan ko ng parang mestiso na makulit.’ Sabi ko, ’O, sige’, walang tanong-tanong, sige lang. Sabi ko, sige lang, go, gawin natin.

"Tapos yun, para hindi ako masyado kabahan hindi ko siya masyadong inisip, laban na lang, parang ganun."

Gumanap si RJ bilang isa sa mga athletes na magkakagusto sa character ni Maja.

"Parang ano niya ako, manliligaw niya ako. Sobra akong mayabang na manliligaw niya, kunwari feel na feel ko na gusto niya ko."

Malaki ang pasasalamat ni RJ sa kanyang pinsan na si Maja Salvador, na bida sa naturang pelikula. Inaalalayan daw kasi siya nito sa kanilang mga eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni RJ, "Unang-una kasi nakita niya, habang nasa set, hindi pa nagte-take, sobrang kinakabahan talaga ako.

"Makikita mo talaga sa itsura ng tao pag kinakabahan, e, nakita niya talaga.

"So, yun nga, lumapit siya sa akin tapos parang kinausap niya ako sandali, ’tas sabi niya, ’Uy, ’wag ka kabahan ako naman kaeksena mo, e. Gusto mo rehearse muna kita?’

"Tapos yun, nag-rehearse na kami, tapos yung unang ano, take, parang ganun okay naman daw, wala naman daw [problema].

"Siguro nakatulong din yung kaba, kasi yung role ko dun medyo iba, e, medyo kailangan ko maging Bisaya, kailangan kong maging mayabang, kailangan kong medyo laki ng States pero promdi [probinsyano]."

Ang Thelma ay produced by Time Horizon in cooperation with Abracadabra and Underground Logic, sa direksyon ni Paul Soriano, at distributed ng Star Cinema.

Nagsimula ang showing nito noong September 4, at ito’y Graded A ng Cinema Evaluation Board.

(CLICK HERE to read PEP’s review of this indie film)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN