Karylle's indie film "Ligaw Liham" premieres on July 21


Karylle poses in front of the Gawad Balanghai trophy, the award being given out for the winner of the full-length category of Cinemalaya 2007. The star of Ligaw Liham reveals that she is also a producer of the said independent film that will have its premiere on July 21.


Gaganapin ang premiere night ng Ligaw Liham sa Cultural Center of the Philippines ngayong darating na Sabado, July 21.

Nakatanggap ng tawag ang Philippine Entertainment Portal (PEP) mula kay Karylle na siya mismo ang nag-iimbita para sa premiere night ng Cinemalaya film niyang Ligaw Liham. Ayon kay Karylle, personal na raw kasi siyang tumutulong sa marketing ng kanyang independent film dahil aminado silang sa mga indie/digi movies, kulang talaga in terms of marketing, lalo na kung ikukumpara ito sa mga mainstream movies.

Hindi rin makapaniwala si Karylle sa mga pangyayari—hindi na lang siya kabilang bilang bida or one of the stars ng pelikula kundi film producer na rin. Sa nakaraan daw kasi nilang meeting, ipinahayag na sila rin ang magsisilbing producer ng Ligaw Liham.

"Actually, nagulat nga ako nang sabihin sa amin ’yun. Kasi, at the beginning naman, I know na naman na hindi talaga magiging malaki ang TF [talent fee] as compared, siyempre sa mainstream, pero, okey lang. Kasi, maganda naman ’yung film and I get the chance to do a film like this. And ’yung maganda pa, it was entirely shot in Bacolod. So, that would be new to the people, ibang location naman ang makikita nila sa movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Then, bigla, ‘eto, I’m one of the producers na rin. Okey naman, so, I get to help them especially in terms of marketing. Thankful naman ako, kasi, may mga sponsors naman akong nakukuha like sa premiere night namin."

Personal choice raw talaga si Karylle ng director ng film, si Jay Abello, to do the movie. Kaya sa part niya, kahit dumating sa point na sa mismong birthday niya ay nasa Bacolod siya at nagsu-shooting at hindi nakasama ang boyfriend na si Dingdong Dantes, tinanggap pa rin daw niya ito at naging cause pa ng tampuhan nila noon.

"Siyempre, medyo malungkot at saka, nakakapanibago, pero, okey lang din. Kasi, nagamit ko rin naman ‘yung nararamdaman ko noon sa movie. Mas nakapag-internalize ako.

"Ang dami ko ngang nagawa during my stay in Bacolod, I was able to write songs too na hopefully, makakasama sa next album ko, which is right now, kasalukuyan ko palang ginagawa. And I collaborated with Joey Benin of Side A band."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Karylle lang ang masasabing "sikat" at "artista" among the cast, pero, ayaw niyang sabihin na ganoon.

"Hindi naman kasi sa ganoon...nagkataon lang siguro na ako ’yung napapanood. Sila kasi, they are all from Bacolod. Pero lahat sila, magagaling. Kasi, mga theater artists naman sila and they are all trained by Direk Peque Gallaga."

Siyempre pa, inaasahan ni Karylle na ilan sa manonood sa gabi ng premiere night sa CCP Little Theater, this coming Saturday, July 21, ay ang kanyang mommy na si Zsa Zsa Padilla and her boyfriend Dingdong Dantes.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN