Ricky Davao stars in three Cinemalaya filmfest entries


Kabilang si Ricky Davao sa mga pelikulang Endo at Tukso (Temptation) na ipinapalabas ngayon sa Cinemalaya 2007 film festival sa CCP. Ang Sinungaling Na Buwan (The Liar Moon), kung saan kabilang rin siya, ay hindi na kasama sa competition category ng Cinemalaya.


Hindi lang isa, hindi lang dalawa, kundi tatlo ang pelikula ng aktor-direktor Ricky Davao na kalahok sa 2007 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival and Competition.

Naganap ang opening night ng nasabing Pinoy indie filmfest noong Biyernes, July 20, sa Cultural Center of the Philippines (CCP) sa Roxas Boulevard, Manila. Sa Linggo, July 29, ganap na 7 p.m., ang gabi ng parangal ng naturang film festival.

Mula sa ilang daang entries, sampu lamang ang pinalad na makapasa sa panlasa ng Cinemalaya board (competition), headed by respected filmmaker and actress Ms. Laurice Guillen. Ngunit sa sampu na ito, walo na lang ang kasama sa competition category ng Cinemalaya.

Ilang araw bago mag-opening ang Cinemalaya ay nakatsikahan ng Philippine Entertainment Portal (PEP) si Ricky Davao at masayang ibinalita niya na tatlo ang kanyang entries this year.

Una ay ang Endo (short for "end of contract"), directed by Jade Castro. Kasama ni Ricky sa cast ang ABS-CBN star na si Jason Abalos, ang anak ni Laurice Guillien na si Ina Feleo, at si Alchris Galura.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikalawa ay Sinungaling Na Buwan (The Liar Moon), directed by Ed Lejano. Kabilang sa cast sina Kalila Aguilos, Jake Macapagal, Maria Isabele Lopez, Liza Dino, at Frank Garcia (dating nasa Power Boys at ngayon ay kasama sa Boyz.com group ni Polo Ravales).

Sa napag-alaman ng PEP, hindi na makakasama sa competition category ng Cinemalaya ang Sinungaling Na Buwan dahil hindi ito natapos agad sa post-production. Bagamat, ipapalabas pa rin ito mula Thursday hanggang Sunday sa CCP.

Ikatlo ay Tukso (Temptation) ni Direk Dennis Marasigan, at kasamang muli ni Ricky ang mahusay na si Irma Adlawan (nakasama niya sa pelikulang Pusang Gala), Sid Lucero, Ping Medina, Soliman Cruz, Ronnie Lazaro, at Nonie Buencamino.

Bukod-tangi si Ricky dahil siya lamang ang may record na three films sa Cinemalaya filmfest this year. Last year, isa lang ang kanyang entry, Saan Nagtatago si Happiness?.

"Dapat nga nasa Still Life rin ako, pero hindi nag-swak ang schedule ko sa shooting nila, eh," pagbabalita ni Ricky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang pinakapaborito niyang pelikula sa tatlo? Say ni Ricky, "Iba-iba kasi ang characters na ginampanan ko sa tatlong films na ’yun, at very promising ang tatlong directors na nakatrabaho ko. Magagaling sila."

Matagal-tagal nang nagdidirek ng mga TV drama specials (Maalaala Mo Kaya, atbp.) si Ricky Davao pero ngayon lang niya sinubukan ang pagdirek ng pelikula.

ON PARAISO. Kapapalabas pa lang sa mga sinehan ng Paraiso, ang first full-length movie niya bilang direktor (at gumanap din siya ng cameo role), na bida naman si Cesar Montano sa episode na Marie.

Trilogy ang Paraiso, produced by Gawad Kalinga Foundation, tungkol sa tatlong kuwento ng pag-asa. Ang bida sa dalawang iba pang episodes ay sina Michael V and Maricel Soriano, na tulad ni Cesar, ay hindi rin humingi ng talent fee.

First time idirek ni Davao si Cesar Montano and happy and satisfied naman daw ang direktor sa performance ni Cesar, lalo na sa kanyang controled breakdown scene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi mahirap idirek si Cesar dahil siguro, direktor rin siya at alam natin lahat na isa siya sa mga magagaling nating actors. Nag-usap kami bago i-take ang crying scene niya and he’s very cooperative," pagmamalaki ni Ricky.

Na-consider rin ng producer sina Christopher de Leon, Richard Gomez, Johnny Delgado, at si Ricky mismo para sa role ni Cesar.

For another possible film na type niyang idirek, minsan raw silang nagka-chikahan ni Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment.

"Nabanggit ko kay Mother na may materyal ako tungkol sa mga matatanda sa Home for the Aged, pero hindi niya type eh! Hahaha!" natatawang pagtatapos ni Ricky.

Ang Paraiso ay nakaikot na rin sa maraming states sa U.S. Sinasabing nakalikom ito ng malaking halaga para sa Gawad Kalinga na tumutulong sa mga kababayan nating mahihirap.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN