Precious Lara Quigaman reveals her wedding will take place by October 2012


Precious Lara Quigaman says that her wedding to Marco Alcaraz will take place by October 2012. Precious topbills the indie horror film Babangluksa, which will open in cinemas by October 26, 2011.


May natapos na gawing indie film si Precious Lara Quigaman: ang Babangluksa na isinulat at idinerehe ng first-time director na si Yuan Santiago. Ito ang unang handog ng Creativeminds Productions. Gumaganap dito si Precious bilang isang doktora na may kakayahang makakita ng mga namatay na tao.

Ang Babangluksa ay isang horror film. Tungkol ito sa mga pamahiiin natin sa patay na kapag hindi mo nasunod ang pamahiiing ito, malamang na humantong sa kamatayan.

Kahit ganito ang tema ng kanilang pelikula ay hindi naniwala sa pamahiin si Precious.

"I don’t believe ahh..sa mga pamahiin. Di ba sinasabi natin na kapag pumunta tayo sa isang patay, dapat hindi tayo dumirecho ng uwi? Dapat pumunta muna tayo sa isang lugar para kumain. Ang tawag natin dun, pagpag, di ba?

"Ako kapag galing ako sa patay, okay lang sa akin na dumiretso sa bahay. I think it robs me of my faith kapag naniwala ako.

"Pero ayoko namang i-take against dun sa mga taong naniniwala. Kanya-kanya naman tayo ng mga beliefs."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lara kahapon, October 20, sa mini- presscon ng Babangluksa na ginanap sa Patio Carlito restaurant sa Quezon City.

Kasama rin sa Babangluksa si Angelika dela Cruz na gumaganap bilang isang psychic.

Ang sabi-sabi, dapat daw yung role ni Angelika ang para kay Precious, and vice versa.

Nang i-offer daw ang pelikula kay Precious, ang sabi raw niya ay mas gusto niya yung role ni Angelika dahil mas challenging ito. Pinagbigyan naman daw ang kahilingang ito ni Precious na nang makarating naman daw ito kay Angelika ay naimbudo raw ito kay Precious.

Ano ang masasabi ni Precious tungkol dito?

"Never kaming nagkaroon ng isyu. Never kong inisip and I’m sure never din namang naisip ni Angelika yun.

"And ahh...from the beginning talaga, alam na namin yung character na ipi-play namin. Wala, wala naman talagang isyu tungkol dun," paliwanag ni Precious.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa October 26 ang showing ng Babangluksa. Sa date ring ito ang showing ng pelikula ni Vice Ganda: ang Praybeyt Benjamin.

Hindi ba natatakot o kinakabahan si Lara na makakatapat nila sa showing ang pelikula ni Vice?

"Hindi naman po,"sagot ni Precious. "Ang mga Filipino naman ngayon..mahilig talagang manood ng mga movies. So suprotahan nating pareho. Pagkatapos nung isa, yung isa naman, di ba?

"Wala namang problema doon. Hindi naman siya competition."

Ang director ng Babangluksa ay isang baguhan pa lamang sa larangan ng pagdidirek na si Yuan Santiago.

Hindi ba natakot si Precious na gawin ang pelikula considering na isang neophyte pa lang ang kanilang director? Usually kasi, ang mga artista kapag may offer na pelikula, ang una nilang tinatanong ay kung sino ang kanilang director.

"With me sa experience ko rito [Babangluksa], sobra akong naging fan. Kasi batang-bata pa si Direk, e, mas bata pa siya sa akin.

"Sinabi niya sa akin from the very beginning na this is his first time. So ini-expect na talaga namin yun.

"Pero naging masaya kasi parangnaglalaro lang kami sa set. Although ginagawa naming yung best namin.

"Pero nandun nga yung pagtutulungan, yung mga ideas, yung suggestions.

"So, ako for me, siyempre mahirap. Lahat naman ng bagay mahirap, e.

"Pero nandun yung challenge, nandun yung saya, nandun sa ginagawa mo."

OCTOBER 2012 WEDDING. Si Marco Alcalaz ang boyfriend ni Precious. Masayang ibinalita ni Precious na tuloy na tuloy na ang kasal nila ni Marco sa October ng susunod na taon.

"May one year preparation pa kami," saad niya.

May mga napili na ba silang magiging ninong at ninang sa kanilang kasal?

"May mga nakalista na kami. Pero hindi pa namin sila naa-approach. Hindi pa namin sila nasasabihan personally.

"Mga taga-church namin na mga couples na nilu-look-up to namin ang gusto namin talagang kuning mga ninong at ninang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saan gaganapin ang kanilang kasal?

"Ahh..sa South area. Pero nag-o-occular pa kami."

Ilan ang gusto niyang maging anak nila ni Marco?

"Gusto ko maraming anak. Pero siyempre gusto ko lang, hindi ko naman kaya talaga.

"Sobrang hilig ko lang din talaga sa bata. Tapos lumaki ako na yung mga kapatid ko, yung mga pinsan ko, lahat kami sama-sama, ganyan. So masaya lang pag marami kayo."

Pero si Marco, ilan ang gusto niyang maging anak? "Dalawa lang ang gusto niya."

Wish ni Precious na lalaki ang maging unang supling nila ni Marco.

"Pag lalaki ang naging panganay namin, may naisip na nga akong pangalan niya. Katulad ng name ng papa ko, Noah Nelson.

"Pero kung hindi lalaki, okey lang din naman sa akin."

Ano ba ang nakita niya kay Marco at ito na ang pinili niyang pakasalan?

"Yummy po. Ang babaw ng sagot, di ba?" natatawang sagot ni Precious.

Selosa ba siya? "Opo,"pag-amin ni Precious.

Paano ba siyang magselos?

"Kasi ako kapag work, kahit pa may kissing scene siya [Marco] o laplapan pa yan sa kapareha niya, wala akong nararamdaman. Promise, wala talaga.

"Kasi alam ko naman na trabaho lang ang ginagawa nila at wala silang history [na nagkarelasyon].

"Pero halimbawang walang ganoong eksena, na nakita ko lang na nag-text si ganito, ’Bakit? Anong meron?’ Ganyan ako. Pero hanggang ganun lang naman."

Nanugod na ba siya sa mga pinagselosan niya?

"Hindi! Hindi ko kaya!"natatawang sagot niya.

Kung si Precious ay selosa, si Marco naman daw ay hindi seloso.

"Gusto ko nga magselos siya e. Kaso hindi talaga siya ganoon, e."

Kahit pa mag-asawa at magka-anak na si Precious ay hindi pa rin niya iiwan ang showbiz.

"Tuloy na tuloy pa rin ang pag-aartista ko hanggat gusto pa ako ng mga tao. Hanggat mayroon pang trabaho na ino-offer sa akin, nandito pa rin ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN