Alex Medina, son of Pen Medina, describes how it was to be a student activist in Ka Oryang


"Dati na akong gumaganap na artista sa mga short films, ngunit dito kakaiba yung magiging karakter ko kasi aktibista ako dito, estudyante pa, at noong kapanahunan no’ng Martial Law pa," pahayag ni Alex Medina tungkol sa kanyang gagampanan na karakter sa Ka Oryang, isa sa mga entries sa 2011 Cinema One Originals.


Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang anak ni Pen Medina na si Alex Medina sa isang press conference na ginanap kamakailan para sa 2011 Cinema One Originals entry na Ka Oryang.

Ang Ka Oryang ay pinagbibidahan ni Alessandra de Rossi. Ito ay tungkol sa mga babaeng political detainees na naghirap noong kapanahunan ng Martial Law. Ito ay directed by Sari Dalena—isang short film director at documentarian.

Kasama din sa pelikula ang ilang kilalang artista tulad nina Joem Bascom at Emilio Garcia.


Ipapalabas ang Ka Oryang bilang isa sa sampung entries ng 2011 Cinema One Originals film festival na gaganapin mula November 9-15 sa EDSA Shangri-la Cineplex.


(CLICK HERE to learn more about the ten entries)

Isang estudyanteng aktibista dito ang gagampanan dito ni Alex, na younger brother ni Ping Medina.

"Dati na akong gumaganap na artista sa mga short films, ngunit dito kakaiba yung magiging karakter ko kasi aktibista ako dito, estudyante pa, at noong kapanahunan no’ng Martial Law pa.

"E, wala akong alam kung ano nangyari noong Martial Law, kung pareho ba ang paniniwala o pinaglalaban ng mga aktibista noon, sa ngayon."

Paano ka napabilang sa cast ng Ka Oryang?

"A, kaibigan ko po si Miss Sari [Dalena], yung direktor ng pelikula," saad ni Alex.

Aniya, "Actually, kaibigan ko po yung asawa niyang si Sir Keith [Sicat].

"’Tapos, ayon po, doon ko nakilala si Miss Sari, ipinakilala ako, ’tapos ayon inoffer din sa akin yung role.

"Konti lang yung scenes ko dito, pero siyempre makabuluhan yung karakter pa rin na gagampanan, bawat isa sa ’min, actually, mahalaga ang karakter."

So how was it naman working with Direk Sari?

"A, magaan naman po siyang ka-trabaho," maikling tugon ng anak ni Pen Medina.

Dagdag pa niya, "Alam mo na agad yung gagawin mo, e, kasi direkta niya sinasabi talaga kung ano yung mga eksena, saan, kailan papasok, gano’n."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kamusta namang ka-trabaho ang mga malalaking artista tulad nila Alessandra de Rossi, Joem Bascom, at Emilio Garcia?

"A, ayon, masaya naman po, magaan sila ka-trabaho," masayang balita ni Alex.

Aniya, "Marami ka po matututunan sa bawat isa sa kanila, lalo na’t matagal na sila sa industriyang ito.

"Marahil hindi sila madalas sa mga indie, tulad nito, pero mas may karanasan sila, dahil nagkaroon na sila ng mga soaps [teleserye] at gumanap na sila sa mga mainstream na pelikula."

ONE OF THE MEDINAS. Dahil anak ka nga ni Pen Medina, na isang magaling na beteranong aktor, at kapatid mo din ang magaling na aktor na si Ping Medina, wala bang pressure sa part mo?

"A, siyempre meron, kasi for sure, hindi maiiwasang ikumpara ka sa kanila, e.

"Para bang sa mundong ito, pag may nauna sa ’yo na kamag-anak mo, tatay mo pa, o kapatid, talagang may comparison na mangyayari."

Pero ano sa tingin mo ’yong edge mo, bilang bago at nagsisimulang artista?

"A, ang alam ko lang, nagsisimula pa lang ako, at paniguradong marami pa akong matututunan."

Pinapayuhan ka ba ng ama mo tungkol sa mga kung anong dapat mong gawin, lalo na sa pag-arte?

"A, laging sinasabi ng Papa ko, na maging natural lang lagi at siyempre mahalin ko kung ano yung ginagawa ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN