Maricar Reyes and Sid Lucero topbill Anatomiya ng Korupsiyon; director Dennis Marasigan impressed by their performances


Director Dennis Marasigan says about Maricar Reyes, the lead star of Anatomiya ng Korupsiyon, "I hope that people will not just say she’s one of the pretty faces, she’s a very good actress."


Masayang-masaya ang diretor na si Dennis Marasigan sa naging reaksyon ng mga taong nanood sa kanyang pelikulang Anatomiya ng Korupsiyon.

Isa kasi ito sa tatlong pelikula na na-i- screen ng gabing iyon sa opening ng 7th Cinema One Originals Film Festival.

Ang dalawa pang pelikula ay ang Sa Kanto ng Ulap at Ulap at Di Ingon Nato.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Direk Dennis sa opening ng 7th Cinema One Originals Film festival na naganap noong Miyerkules, Nobyembre 9, sa Cinema 4 ng Shangri La Mall, Manadulyong City.

Ipinarating ng direktor ang kanyang pasasalamat sa magandang feedback na nakikita niya mula sa mga manonood ng gabing iyon.

"I’m very happy that everybody liked it, beginning from the cast for seeing it for the first time, the people who came to watch tonight, then their friends, relatives and even the public who came.

"I’m glad that they liked it, and they liked it in a way that they tell me that they’re not just here to enjoy it, but they enjoyed it, and you know there’s a certain amount of introspection that they’d like to do or to think.

"It’s a film that they’re going to bring home."

THE STORY. Limang araw lang ang taping days ng pelikula, kaya naman hindi rin inasahan ni Direk Dennis na magiging maganda ang kalalabasan nito.

Ang pelikula ay hango sa theater play na isinulat ni Malou Jacob. Ang kuwento’y konektado sa korupsiyong nagaganap sa ating pamahalaan.

Kuwento ni direk Dennis, ang ilang eksena sa pelikula ay hango sa kanyang personal na karanasan, lalo pa’t nagtrabaho rin siya sa gobyerno noon.

"I was a government employee for many, many years so, I saw a lot of people who are very good, who are very decent, and who are very honest— and these headlines we see around us, and sometimes we have all these questions about the corruption—corruption being the cause of all the ills of our society, and it’s a difficult thing to cure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think, what the film is try to say is that, I don’t think if the people get it, if they do, its an element that keeps coming up dahil, you know, you have to simplify your needs.

"Sabi, bakit hindi i-simplify ’yong kailangan, or in the words nga of Jun Lozada, ’why can’t you moderate your greed?’ you just limit from the things that you want, in relation to what you actually need, perhaps the things could get a little bit better for all of us."

THE STARS. Samantala, bilib naman si Direk Dennis sa aktres na si Maricar Reyes, ang isa sa mga lead stars ng pelikula.

Ito ang unang beses na nakatrabaho ni Direk si Maricar, kaya naman masaya siyang sa loob ng limang araw na pagsu-shoot ay nagkaroon sila ng good working relationship.

Aniya, "It was my first time to work with Maricar, but she’s very professional, she’s on time, she comes prepared, she’s willing to accept directions, she’s a sponge, e, she learns everyday.

"If you’ll consider that we shot this film for five days, ’yong learning curve that we got through together, just between me and Maricar, that we learned from each other it was very helpful.

"By the time that we capped the ending of the film, you can sense the passion in her already, e.

"She understands the material and you know, if it came across, you can see it in the performance."

Papuri pa ng direktor, "I also hope that people will not just say she’s one of the pretty faces, she’s a very good actress."

Samantala, ito naman ang ikalawang pagkakataon na nakatrabaho niya ang isa pang lead star ng pelikula na si Sid Lucero.

Una niya itong nakatrabaho sa Cinemalaya entry niya na Tukso noong 2007, kaya hindi na ganoon kahirap ang adjustment sa kanilang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabuuan, satisfied si Direk Dennis sa naging resulta ng limang araw nilang paghihirap. Kaya ang mensahe niya sa bumubuo ng production team: "I’m very satisfied with the output— I’m very satisfied with the work everybody put in.

"I’m very happy; it’s not a film that you will say, ’limang araw lang ginawa ’yan,’ I don’t think you’ll get that feeling."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN