Asia Agcaoili and Paolo Paraiso recall steamy scenes in "Casa"


Asia Agcoili and Paolo Paraiso (right) heat up the big screen for the indie film Casa, which is written and directed by Deo J. Fajardo, Jr.


Isang babae, dalawang lalake sa iisang bubong. Magkakasalo sa makamandag na pag-ibig at pagnanasa ng katawan. Paano mo itatago ang isang kataksilan sa mata ng taong iyong pinakasalan kung iyon ay magaganap sa loob mismo ng inyong tahanan?



Ito ang istorya ng Casa na ang lead cast ay sina Michael Rivero, Paolo Paraiso, at ang tinataguriang sex guru na si Asia Agcoili. Written and directed by Deo J. Fajardo, Jr. and produced by Tonet Gadang for Artiste Entertainment World International.



Sundalo ang asawa ni Asia played by Michael Rivero na naging missing in action sa isang labanan. Dahil sa pag-aakalang patay na si Michael, nabuhay ang dating relasyon ni Asia kay Paolo Paraiso. Pero isang araw ay nagbalik si Michael na isa nang bulag, ngunit pansamantala lamang.



Ano ba ang mensaheng gustong tumbukin ng Casa?



"Walang mabuting maidudulot ang pakikiapid, isa ‘yan sa mensahe ng Casa. Adultery is really a bad thing kaya hindi dapat gawin. But on the other hand, the movie also shows how fragile humans are," turan ni Asia sa kanilang mini-press con.



"In the story, my character is torn between powerful emotions. I both love and lust [for] the two guys. And frankly speaking, this is the most exhilarating I have done so far—physically and emotionally draining.



"Just imagine, in one of our scenes—a threesome shower scene—I have to mix emotions na excited having sex with Paolo and at the same time kabado na baka malaman ni Michael na tatlo kaming nandoon sa shower! It’s totally a different experience for me," kuwento ni Asia during the presscon’s question and answer portion.



Is there a possibility that their on-screen affair will blossom into something real?



"There’s always the possibility, why not?" Paolo quips. "Wala naman sigurong magiging problema kung sakali, di ba? Pero huwag naman ’yung situwasyon namin sa Casa, I think, ’yun ang imposible," sambit ni Paolo, sabay tawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN