Vaness del Moral tries the world behind the limelight via indie film Hantu


Aside from being one of the producers, Vaness del Moral was also the assistant director for the film Hantu, which stars theater actors from Teatro Expedicion de Filipinas.


Sinubukan na rin ng aktres na si Vaness del Moral ang mundo sa likod ng camera nang gawin niya ang pelikulang Hantu.

Isa si Vaness sa mga producers ng nasabing pelikula, kasama sila Joey Paras, Floid Zulueta, at Biboy Ramirez.

Naimbitahan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa special screening ng Hantu noong Sabado, Enero 28, sa CAP Auditorium sa Amorsolo St., Makati City.

Ikinuwento sa amin ni Vaness kung paano nagsimula ang paggawa sa independent film na ito, na pinagbibidahan ng mga theater performers mula sa Teatro Expedicion de Filipinas kung saan miyembro rin si Biboy Ramirez.

"Nag-start siya kasi si Joey Paras, ’yong director and writer, nasulat na niya ’yong script tapos sinasabi niya kay Biboy [Ramirez] na gusto niyang gawin ’yong movie, ’yong indie film kaya lang ’yong budget hindi niya kaya.

"So,naghahanap siya ng co-producers niya. So, sabi ko, ’sige tignan natin,’ sabi ko kay Biboy.

"So, pinabasa muna sa akin ’yong script, tapos no’ng binabasa ko siya mabilis nga ko magbasa, e, kasi pagdating do’n sa parts na nagkakagulatan na, tapos ang daming revelations, ang bilis ng basa ko kasi na-e-excite ako mabasa ’yong mga susunod na pages.

"So, sabi kong gano’n, ’maganda siya,’ ’tas nag-isip na ko na kailangan natin ng ganito, kailangan natin ng ganyan.

"So, pinag-isipan ng mabuti kung sasama ba ako, siyempre hindi naman biro ’yong maglalabas ka ng malakig halaga ng pera para do’n sa indie film na hindi naman din natin alam kung kikita siya, o magugustuhan ba siya ng mga tao.

"Pero, since nagustuhan ko naman, tsaka ako mismo na wala pa, imagination pa lang natakot na ko.

"So, sabi ko, ’sige, try natin. Malay mo,’ tutal lahat naman kami first time, e, first time naming apat na mag-produce, at first time naming apat na kami ang hahawak sa buong production."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE FILM. Samantala, sinabi ni Joey Paras, ang sumulat at direktor ng Hantu, na naging inspirasyon niya sa paggawa ng pelikulang ito ang mga horror films mula sa ibang Asyanong bansa.

Ang "Hantu" ay isang Bahasa Indonesian na salita, na ang ibig sabihin ay "multo."

Ani Joey, "nasulat ko ’to because ako takot ako na hindi ko kilala ’yong kasama ko, ’yong idea of that.

"Also, I do have an Indonesian family, I used to work with Indonesians, so, from them na-learn ko ’yong culture na ’to.

"Isa ring inspiration sa story na ’to is ’yong pagku-kwento ng kultura ng South-East Asia. Kasi, ’di ba, takot tayo sa The Grudge, takot tayo sa mga Northern-Asian stories like sa Japan, Koreans.

"So, I just got the inspiration to tell the story from the Southerners."

Ang Hantu ay kuwento ng mag-amang Ella (Ella Santelices) at Elmer (Biboy Ramirez) na nagbakasyon sa isang resort sa sa Batangas.

Unang nakaramdam at nakapansin ng mga kakaibang kaganapan si Ella, at kalaunan ay napansin na rin ito ni Elmer.

Pinili ni Ella na hindi sabihin sa kanyang ama ang mga napupuna niyang ito dahil na rin malayo ang loob niya rito.

Nagsimula magkaroon ng sama ng loob si Ella sa kanyang ama matapos ang isang aksidenteng nangyari sa kanila, na naging sanhi ng pagpanaw ng kanyang ina.

Naging kasama nila Elmer at Ella sa resort si Amos (Renan Regencia), ang caretaker ng resort na pagmamay-ari ng isang pamilya na nasa Indonesia.

Siya ang nakakaalam ng kwento sa likod ng mga kababalaghang nagaganap sa nasabing resort, mga kuwentong malalaman lamang ng mag-ama nang nagsimula na silang "paglaruan" ng mga espiritu nila Sari (Marinella Sheen Oania) at ama niyang si Ahmad (Edwin Viray), na dating nakatira roon.

THE CHALLENGES. Katulad ng ibang independent films, problemang pinansyal at teknikal ang naging hininaing ng kanilang grupo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi sa amin ni Joey, "Ang laking hindrance talaga kapag wala kang pera, ’yong gadget, ’yong mga technicalities, di ba?

"Wala kaming ilaw, ’yong mga camera namin hindi gano’n ka-high tech, ’tsaka gumamit din kami ng camcorder device dahil statement din namin ’yon.

"Pinag-usapan namin ni Biboy, na dapat nga camcorder lang all throughout the film.

"Do’n sa editing na part ang mahirap do’n oras, like ako ’yong nag-edit tapos may trabaho din akong iba, so, nahirapan ako do’n."

Para naman kay Vaness na isang artista, masaya siya na maranasan na magtrabaho sa likod ng camera, kung saan siya ang tumayong Assistant Director para sa pelikulang Hantu.

"Hindi ako nag-aral ng directing or filmmaking, through experience lang," wika ng aktres.

"Kapag nagte-taping, ang tagal kong tengga tapos walang magawa, hindi ako makatulog, nang-aagaw ako ng headset sa Assistant Director ’tas makiki-AD [Assistant Director] ako.

"No’ng ginawa namin ’yong film sabi ko, ’sige sasama ko sa magpo-produce, sa isang kondisyon, ako ang mag-e-AD,’ sabi kong gano’n.

"’Tas sabi nila, hindi magkakaro’n ka ng part do’n, sabi ko, ’cameo [role] lang, pero all throughout gusto ko mag-e-AD ako.’

"Kasi parang sa TV, nasa harapan na ako ng camera, so, gusto ko rin naman ma-experience magtrabaho ng sa behind the [camera].

"So, ’yon ang hiningi kong kondesyon sa kanila na pumayag naman sila Joey."

MOVIE ENTRY. Hindi pa matukoy ngayon nila Vaness kung ipapalabas muna ba nila ang pelikula sa mga regular na sinehan, o ilalaban nila ito sa Cinemalaya.

Bukod pa rito, pinaplano rin nilang subukan na ipalabas ang Hantu sa ibang bansa, tulad na lamang sa Indonesia, ang lugar kung saan hango ang konsepto ng nasabing pelikula.

"Siyempre nag-iisip na rin kami, sobrang direcho na ’yong iniisip namin na gusto namin siyang ilabas ng Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi kapag pino-promote namin ’yong Hantu sa Twitter, sa Facebook, may mga taong nagre-retweet na umaabot na pala siya sa Indonesia na hindi namin alam.

"So, may mga taong nagtatanong, ’yong mga Pinoy na nasa Indonesia na, ’o, dadalhin ninyo ba ’yan dito? Papa-panood ninyo ba dito ’yan?’ So, iniisip namin na dalhin sa labas ng Pilipinas."

Ngayong naranasan na ni Vaness ang mag-produce ng pelikula, sigurado raw siya na gagawa pa silang magkakaibigan ng pelikula na may kakaibang tema at istorya.

"Marami kaming plano, parang gusto na nga naming sunod-sunorin, e.

"Pero siyempre mahirap kapag sinunod-sunod mo, kasi ’yong budget niyan iba-iba. Iisipin pa namin kung horror ba ulit, drama, comedy o kung ano man."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN