Deadline will have second wave of screenings in Italy by April 2012


Allen Dizon was able to meet Joma Sison (bottom frame, right) when Allen’s film, Deadline, was screened in the Netherlands recently. Allen was also able to visit Paris, France (top frame) and other countries during his 26-day trip to Europe.


Matagumpay na ipinalabas kamakailan ang Deadline: The Reign of Impunity sa iba’t-ibang bansa at siyudad sa Europa. Kabilang sa mga ito ang Italy, Rome, London, Amsterdam, Utrecht, Brussels, Ghent, Austria, Geneva at Bern, Switzerland.


Produced by XITI Productuions, ang Deadline ay mula sa direksyon ni Joel Lamangan. Kasama rin ni Allen sa pelikula sina Tirso Cruz III, TJ Trinidad, Luis Alandy, Ina Feleo at Lovi Poe.


Ito ay tungkol sa mga reporters na ibinubuwis ang kanilang buhay upang ipakita ang korupsiyon sa gobyerno at ang kinalaman nito sa pagpatay ng mga journalists sa Pilipinas.


(CLICK HERE to read PEP’s review of Deadline)

Dumalo sa mga screenings ang isa sa mga lead actors na si Allen Dizon kasama ang asawa na si Crystle Dizon; supervising producer na si Dennis Evangelista; at ang associate producer na si Julie Gregorio.

Naging makabuluhan ang pagpapalabas dahil nagkaroon ng talakayan pagkatapos ng mga screenings. Naging usapin ang walang habas na pagpatay sa mga peryodista sa Pilipinas na naging inspirasyon sa pagkabuo ng pelikula.

Tinalakay rin sa panel ang lumalalang "warlordism" sa mga probinsya kagaya ng Mindanao. Nagsilbing eye-opener sa mga foreign viewers at mga Pilipinong naka-base na sa Europa ang pelikulang Deadline. Naniniwala sila na hindi dapat ipagwalang bahala ang nasabing isyu. Marami ang nag-pledge ng tulong suporta kagaya ng donasyon at pagpapalaganap ng nasabing problema sa media killings at warlordism sa pamamagitan ng social networking sites.

Sa halos isang buwan na pagpapalabas ng pelikula sa Europa ay nakapag-side trip din ang grupo sa Paris at Milan. Nilibot din nila ang magagandang lugar sa mga bansa kunsaanipinalabas ang Deadline. Nag-enjoy sina Allen at ang kanyang mga kasama sa mga magagandang tanawin sa Europa sa kabila ng napakalamig na temperatura.

Hindi malilimutan ni Allen Dizon ang paghaharap nila ng Communist Party of the Philippines (CPP) founder and National Democratic Front adviser na si Joma Sison na in exile sa Netherlands since 1987. Dalawang beses nanonood ng pelikula si Joma at sumama pa sa welcome dinner na binigay sa grupo ng Deadline.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagpakuha talaga ako ng picture kasama si Sir Joma. Grabe ang talino niya. At tuwng-tuwa kami dahil pinupuri niya ang pelikulang Deadline. Marami siyang na-share na mga opinyon tungkol sa sitwasyon natin sa Pilipinas sa kasalukuyan.Nang malaman niya na Kapampangan ako ay nagkuwento siya ng kanyang karanasan ng namundok siya sa Pampanga. Simple ang buhay niya sa Utrecht at paborito niya ang ice cream," pagkukuwento ni Allen.

Masuwerte si Allen dahil nakasama siya sa Europa. Nagkataon na natapos niya ang last taping day ng ABS-CBN soap opera na Nasaan Ka Elisa? bago siya nakaalis. Tinuring na rin nilang bakasyon ito para sa kanya at ang asawang niyang si Crystle.

"Nag-fit sa schedule ko talaga. At sinama ko ang wife ko para makapag-rest rin siya sa sobrang abala sa pagma-manage ng business namin sa Pampanga. Nakakatawa lang dahil on going that time ang Nasaan ka Elisa? palagi nilang hinahanap sa akin si Elisa [portrayed by Melissa Ricks]. Isa kasi ako sa main suspect sa pagkawala niya at main character ako. Sikat ang TFC dito sa Europe at least nakilala nila thru this ABS-CBN show. Masaya ang screenings. Very warm ang mga kababayan natin parang pamilya ang turing sa amin. Iba talaga ang Pinoy," dagdag ni Allen.

Sa last screening ng Deadline sa Amsterdam ay nabalitaan nila na nanalo si Allen ng Best Supporting Actor sa 59th FAMAS Awards para sa indie film na Sigwa. Very emotional si Allen na nagpasalamat sa mga organizers, headed by Maitet Ledesma, na ayon sa kanya ay naging Mommy nila sa kanilang paglalakbay sa Europa.

Patuloy ang pagpapalabas ng Deadline sa Pilipinas at naka-schedule rin ang pagpapalabas nito sa ibang bansa. Ayon sa scriptwriter na si Boni Ilagan: "Hindi maluluma ang pelikula hangga’t may mga peryodista na pinapatay at hindi nari-resolba ang ’Maguindanao massacre’ na naging inspirasyon nila upang mabuo ang pelikula."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkakaroon ng 2nd wave of screenings ang Deadline sa ilang parte ng Italya sa darating na Abril. Inaasahan na ipapalabas ang naturang pelikula sa Torino, Milan, Padua, Bologna, Florence at Naples.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN