Joey Reyes directs Judy Ann Santos and Iza Calzado for Mga Mumunting Lihim

















(L-R) Judy Ann Santos, Joey Reyes and Iza Calzado


Mula pa noong 1990s, nakilala na si Jose Javier Reyes sa kanyang track record sa industriya as a seasoned scriptwriter and director pampelikula man o telebisyon.

Isa si Direk Joey sa ating local filmmakers na naging matagumpay--commercially and critically--ang kanyang mga pelikula.

Halos lahat ng local award giving bodies ay kinilala at pinarangalan na siya through the years.

Ang kanyang last film shown ay ang My Househusband (starring Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo) na isang Metro Manila Film Fest entry last December 2011.

Ngayong 2012, unang beses na sasali si Direk Joey sa 8th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival. Ito ay para sa drama film na Mga Mumunting Lihim.

Bagama’t ito ay kanyang "first indie adventure," pasok sa kanyang bonggang casting ang mga sikat na mainstream actors: Judy Ann Santos, Iza Calzado, Agot Isidro, and Janice de Belen.

Sa Director’s Showcase category pasok ang Mga Mumunting Lihim (na nagsimula na ang shooting).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kategoryang ito ay para sa mga beteranong filmmaker tulad ni Direk Joey, at kung "relatively new" man ang filmmaker, dapat ay nakapag-release na siya commercially ng at least three (3) films nito.

The other category is called New Breed Category, at dito naman pasok ang mga baguhang filmmaker na wala pang tatlong movies ang naipapalabas sa commercial theaters.

Sa pamamagitan ng email, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Joey. Ayon sa kanya, tungkol sa pagkakaibigan ang Mga Mumunting Lihim.

Ano nga ba ang "history" o origin ng material niyang ito?

Kuwento ni Direk Joey: "Sometime July last year, one of my best friends passed away. Ito ay si Direk Don Escudero.

"Napakasakit na ang isa mong kaibigang matalik, at kababata, at naging kasama hanggang sa pagpasok sa propesiyonal na daigdig ang pumanaw.

"Kaya naisip kong gumawa ng isang pelikula tungkol sa pagkakaibigan. At kung papaanong ang kamatayan sa isang pinakamahalagang tao sa buhay mo ay nakakaapekto ng iyong perspektibo sa mundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No friendship is perfect ... But it is something we cherish.

"At kung ang kamatayan ay pagtatapos, papapaano kung sa pagpanaw ng isang pinakamamahal mong kaibigan ay nabukas ang iyong mga mata sa mga napakarami pang bagay na hindi mo inakala habang siya ay nabubuhay pa?

"Papaano kung sa napakaraming taon ay napakaraming mga sikreto ang itinago ninyo sa isa’t isa... at nabunyag sa kamatayan?

"Iyan ang dahilan kung bakit naisulat ko ang Mga Mumunting Lihim," kuwento ng award-winning scriptwriter-director.

Ano ang maiksing synopsis o buod ng pelikula?

"In a nutshell, magsisimula ang pelikula sa pagkamatay ng isang kaibigan--at kung papaano siya nag-iwan ng mga ebidensiya tungkol sa mga sikretong ipinagkatago-tago ng kanyang mga kabarkada sa isa’t isa sa napakaraming taon na kanilang pagkakaibigan."

Ang "casting" ba ay kailan pumasok sa isip niya--even before or during he was doing the script?

"Sa simula’t simula pa ay isa lang ang nasa pag-iisip ko: Gusto kong bigyan ng kaiba-ibang role si Judy Ann Santos. At gusto kong makatrabahong muli si Iza Calzado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa set ng My Househusband ay inalok ko si Agot at umoo siya... At nang nagkabulilyasuhan sa sked ni Eugene Domingo, naisip ko kaagad ang isa pang artistang miss na miss ko nang makatrabaho at gustong bigyan ng kaiba-iba ring role na hindi pa niya nagagampanan--si Janice de Belen. Kaya hayan."

Ngayong taon lang ba siya nagpasa ng kanyang script for Cinemalaya?

"Last year, sumali rin ako pero nag-backout ang financier ko nang umabot ako sa finalists. Kaya hindi ko na tinuloy.

"This year, nakahanap ako ng financier kaya malakas ang loob ko na sumali. ’Pag nanalo ako ng lotto, hindi na ako mag-aapuhap ng financiers at gagawa ako ng sandumakal na indie movies hindi lamang para sa akin kundi para rin sa ibang baguhang direktor."

Sa mga nagdaang taon ng Cinemalaya, mayroon rin siyang naging partisipasyon sa nasabing popular (and controversial) indie filmfest, pero ito ay bilang jury.

"Kadalasan ay screener ako ng short feature films ng Cinemalaya. Two years ago, naging juror ako," pagbibigay impormasyon ni Direk Joey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya nagbakasakali ako this year dahil parang ang sarap-sarap gumawa ng indie katulad ng mga kaibigan kong sina Joel Lamangan at Gil Portes.

"In short, gusto kong matikmang gumawa ng ganito at ngayong ginagawa ko na ito, never have I been so excited for so long a time!" bulalas ng batikang direktor.

Ano ang kuwento sa pagkawala sa casting ni Eugene Domingo sa kanyang first Cinemalaya film, at mapalitan ng isa pang de-kalibreng aktres in the person of Janice de Belen, na nakasama rin ni Direk Joey sa ilang past films nito noon?

"Nagkabulilyaso ang schedule ni Eugenia dahil dalawang pelikula ang sabay niyang ginagawa," sagot ni Direk Joey, referring to Kimmy Dora 2 (Temple of Kiyeme) at ang I Doo Bidoo, Bidoo.

E, may schedule of deadlines ang Cinemalaya na dapat ma-meet.

"So I figured, who else can be as good as Eugenia Domingo, at magiging bago na rin sa paningin ng manonood?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Then, I remembered the woman who literally stole the show in Budoy [ABS-CBN’s advoca-serye topbilled by Gerald Anderson].

"At kung papaano na ang tagal na naming hindi nagkakatrabaho ni Janice. Kaya, God has His ways."


Ano naman ang masasabi niya sa iba pa niyang artista sa pelikula?


"Considering how heavy my female leads have become, I realized that I needed competent actors to fill the other roles.

"Hindi na yung tinatawag na pang-billboard value.

"Para sa akin, I am most grateful for Juday, Iza, Agot and Janice to be part of my first indie adventure because I know ginagawa nila ito for the love of cinema ...

"And so, I decided to invite other actors who I know are competent or promising. That is why nandidiyan sina Lui Manansala, Madeline Nicolas, Roeder Camañag, and Gino dela Pena.

"I want a set that is as much fun, para it will not look like a lot of hard work," lahad ni Direk.


Ano’ng message ng pelikula and gaano ito kaespesyal sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Simple lang ang mensahe: Friendship is priceless yet so fragile. And that despite years we share with one another, you cannot completely know another human being even until after he or she has left us."

Sa kategoryang pasok siya ay may apat pang mga "kalaban" ang Mga Mumunting Lihim niya, pagdating sa own set of awards nito, na iginagawad towards the end of the 10-day run ng Cinemalaya sa Cultural Center of the Philippines from July 20-29, 2012.

Ang ibang entries sa Director’s Showcase category ay ang Bwakaw ni Jun Lana, ang Kalayaan ni Adolf Alix, Jr., ang Kamera Obskura ni Raymond Red, at ang Posas ni Lawrence Fajardo.

Gaano siyaka-excited sa unang indie film project niyang ito--to think na kumpetisyon rin ito?

"How excited am I? Sobrang-sobra," bulalas niya.

"It is not because of the competition, but the joy of being in the same company as Adolf Alix, Jun Lana, Raymond Red, and Lawrence Fajardo dahil alam kong gaganda rin ng mga ginagawa nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang saya!" sambit pa ni Direk Joey Reyes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN