Giselle Tongi becomes a first-time producer via the documentary Basco Balikbayan Project










The Basco Balikbayan Project features Fil-Am Basco siblings who will discover the roots of their Filipino blood.


Bumalik na ng bansa ang aktres na si Giselle Tongi. Pero, hindi na siya basta artista na lamang, dahil bukod sa pag-arte ay may bago nang pinagkakaabalahan si Giselle: ang pagiging producer.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment media si G (palayaw ni Giselle) noong Marso 13, sa Picasso Boutique Serviced Residences, Makati City.

Dito’y pinakilala niya sa amin ang pinakaunang proyektong kanyang ipo-produce dito sa bansa, ang Basco Balikbayan Project.

Ito raw ang kanyang paraan upang ipakita sa mga tao na hindi na lamang siya basta artista.

"Well, limang taon akong nag-aral na nasa Amerika ako, my children bata pa sila, di ba? Pero, sinabay ko ’yong pag-aaral ko kasi gusto ko talagang ma-enhance ’yong pagkaka-artist ko.

"Kasi po umalis ako dito 12 years ago bilang isang artista.

"Hindi ko po alam kung ano ’yong hinahanap ko noon pero hindi lang ako happy then, and after going to school I realized, talagang I wanted to develop my artistry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ’yon na nga nagsusulat na ako ngayon, nagdi-direct ako, nagpo-produce ako. Kasi feeling ko bilang isang artista gusto ko naman ’yong mag-evolve ako bilang artist.

"Ngayon, gusto ko maipakita na hindi lang ako artista ngayon, para naman bigyan ako ng opportunity para gumawa ng mga proyekto kung saan ako naniniwala

" Pero, hindi nawawala ’yong mga offers na mag-artista, umarte.

"Pero ’yon na nga, e, hindi na ’yon ’yong talagang nagpapaligaya sa akin ngayon."

BASCO BALIKBAYAN PROJECT. Ayon kay G, ang Basco Balikbayan Project ay ang kanyang paraan ng pagpapakilala sa mga Filipino-Americans sa lupang kanilang pinanggalingan: ang Pilipinas.

"While I was in States, I realized the lack of content for second generation Filipino-Americans," panimula niya.

"The second generation, ito ’yong mga Pilipino na marunong mag-Tagalog, their parents watch the TFC [The Filipino Channel], GMA, but they don’t really understand what is it to be a Filipino.

"So, I realized there’s a lack of content for these people, because I was one of them, I decided to collaborate with Filipino-American artists who are defining what it is to become Filipino-Americans in Hollywood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And if there is any family that defines a Filipino-American family, it is the Basco family."

Paano ba niya nakumbinsi ang Fil-Am na Basco siblings na gawin ang proyektong ito?

"In-approach nila ako," nakangiting sinabi ni G

"Si Dante kasi matagal ko ng kaibigan.

"Dante Basco, one of the successful Fil-Am actors, has agreed to be a part of this project that I’m introducing.

"[He] approached me and said, ’I want to be a part of this project that you’re doing. I don’t have an idea what it is about, G, help me make it happen.’"

DANTE BASCO. Ang Fil-Am actor na si Dante Basco ang pangatlo sa limang magkakapatid.

Ang iba pa niyang kapatid ay sina Derek, Darion, Dionysio, at Arianne--na pawang mga kilalang personalidad din sa Amerika.

Sa kanilang magkakapatid, si Dante ang pinakamadalas na makita sa harap ng camera. Lumabas siya bilang "Rufio," ang leader ng mga Lost Boys, sa pelikulang Hook (2006) at nag-voice actor sa mga animated programs tulad ng Avatar at American Dragon: Jake Long.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi ni Dante na talagang na-inspire siya na ipakilala at dalhin sa Pilipinas ang kanyang mga kapatid na hindi pa nakapunta dito sa bansa.

"I just got really inspired, like I said, I want to bring my family here," nakangiting sagot ni Dante.

"I’ve been home, this is my fourth time now, and every time I come home, the things I experience have an impact on me, that I want to share with my family because I love them so much.

"And I think as artists we can get inspired, it can affect all of our art, all of our writing, all of our acting, it could serve as an inspiration.

"Besides that, it’s so much fun out here, I mean it’s fun in the Philippines that you just want to share that with everybody."

Tingin din daw ni Dante, magiging kakaiba ang Basco Balikbayan Project dahil kuwento ng kanyang pinagmulan ang mapapanood ng mga tao dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga magulang kasi nila’y parehong Pilipino--ang kanyang ama ay galing ng Pangasinan habang ang kanyang ina naman ay galing ng Zambales.

Ani ni Dante, "I think this is gonna be different because it is us telling our story.

"As actors, you follow scripts, here we don’t have scripts. We have places we have to be, we have things that we want to accomplish, we have ideas that we want to happened, we haven’t lived here before, they haven’t been here before.

"So, we don’t know what’s gonna happened, and we’re so excited what is ahead of us."

PINOY REALITY SHOW. Kung ang pag-uusapan naman ay ang atake na gustong gawin ni G sa proyektong ito, sinabi niyang "reality show" type daw ang gusto niya.

"Edutainment" daw kasi ang gusto niyang gawin na mga palabas or programa, kaya naman hanggat maaari’y nais niyang makatotohanan ang mapnood ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"A, parang gusto kong gawin reality show siya," pagbabahagi ni G.

"Gusto ko ’yong napaka-raw niya bilang isang documentary na parang ’yong ’di mo akalain na makikita mo.

"Kasi ayoko no’ng glossy lang, gusto ko ’yong makatotohanan. So, it’s not just fun and going around the country, it’s really their dynamics as a family together."

Second generation Filipinos o Filipino-Americans ang target audience nina G sa proyektong ito.

Tatagal ng hanggang Marso 31, 2012 ang kanilang shoot sa iba’t ibang bahagi ng bansa tulad ng Zambales, Davao, Palawan, Boracay, at Naga.

Sa pamamagitan ng proyektong ito’y gustong iparating ni G sa lahat, lalong-lalo na sa mga Fil-Am na, "you need to understand where you come from in order to reach your full potential as a human being.

"Kailangan hindi ka makakalimot kung saan nanggaling ang mga magulang mo."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN