PMPC will soon mount 4th Star Awards for Music


Mundo ng musika naman ngayon ang pagtutuunan ng pansin ng Philippine Movie Press Club, Inc., (PMPC) after ng pagbibigay ng awards para sa pelikula noong March 14.

Ang pagre-review para sa 4th PMPC Star Awards for Music ay mag-uumpisa after ng Holy Week.

Para sa mga gustong magpa-review ng CD/album, open sa lahat ng mga recording company at maging sa mga independent producer na nag-release simula June 1, 2011 hanggang May 31, 2012. Ipadala sa PMPC office Rm. 202 Deta Bldg., 76 Roces Avenue, Q.C. Maaaring tumawag sa Tel. No. 406-5251 para sa karagdagang impormasyon.

Samantala, abala rin ang club sa pag-o-organisa ng fund-raising show na gaganapin sa May 5 sa Zirkoh Morato, Quezon City kung saan ay binabalak na isabay ang launching ng PMPC website na gawa ni Jojo Villaraza, research correspondent ng U.S. company.

Magkakaroon din ng seminar ang mga opisyales at miyembro sa April 28 para sa amendment ng Constitution ng club.

May pa-contest din ang PMPC para sa mga manunulat. Naisagawa na ang writing contest na ito ng organisasyon, kaya lang ay panandaliang natigil.

Ayon kay PMPC president Roldan Castro, “ibalik natin ang writing contest sa mga miyembro. Maganda ito para sa ating mga manunulat. English man o Filipino feature ang mga isinusulat sa kolum, puwedeng isali. Kredibilidad natin ito bilang isang entertainment writer.”

Sa mga PMPC members na gustong sumali, ang deadline ng writing contest ay sa October. Magkakaroon din ng on-the-spot writing contest ang PMPC na kung saan ay isang personalidad ang sabay-sabay na iinterbyuhin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN