Aga Muhlach travels to Batanes for Pinoy Explorer


Walang pagsubok na inaatrasan si Aga Muhlach. Lumangoy na ang tanyag na actor kasama ng mga butanding sa Sorsogon at nilabanan niya rin ang matinding lamig ng Alaska. Pagdating sa paghahatid ng mga mga kapanapanabik na mga adventure, si Aga ang maaasahan ninyong kasama.

Ngayong Linggo, April 22, sa Pinoy Explorer, panibagong adventure ang gagawin ni Aga sa pagpunta niya sa Batanes. Dito ay papasukin niya ang Torongan Cave sa Itbayat Island--ang pinakahuling isla sa hilaga ng Pilipinas na may naninirahang mga tao.

Matapos ang nakakapagod na paglalakbay sa Torongan Cave, mararanasan naman ni Aga ang manirahan sa isang tahanan sa Itbayat. Wala ang mga kaginhawahang nakasanayan niya sa siyudad gaya ng aircon at kuryente. Paano kaya mag-susurvive si Aga sa lugar na ito?

Mula sa Itbayat Island, tutungo si Aga sa isla ng Sabtang. Dito makikilala ni Aga si Noli Gabilo, isang dating mangingisda na ngayon ay isa ng tanyag na photographer. Expert si Noli sa pagkuha ng travel photos at ang mga kuha niya ng Batanes ang madalas na nakikita natin sa mga websites at magazines. Dadalhin ni Noli si Aga sa bayan ng Savidug kung saan marami pang nakatayong stonehouses--ang tipikal na tirahan ng mga Ivatan.

Bago matapos ang kanyang adventure sa Batanes, isang pagtatanghal ng sayaw na palo-palo ang gagawin ng mga kabataang Ivatan at hindi pahuhuli si Aga sa mga ito!

Abangan ang kakaibang paglalakbay ni Aga sa Batanes Islands sa Pinoy Explorer ngayong Linggo, Abril 22, 6:30 PM sa TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN