Will Chiz Escudero answer controversies in GMA-7's Pare & Pare?


Ngayong Linggo (July 1) ng gabi, katatawanan, kuwentuhan at kantahan ang hatid nina Michael V at Ogie Alcasid sa Pare & Pare.

Isang Senador ng bayan ang kanilang iimbestigahan…siya nga ba ay mayaman, may paninidigan at mabilis magsalita? No comment kaya siya sa mga maintrigang tanong tungkol kay Heart Evangelista at Kris Aquino? Sino ang best president sa kanya--si Ferdinand Marcos o Noynoy Aquino? Alamin ang sagot ni Senator Chiz Escudero.

Sasabak din ang butihing senador sa isang matinging challenge na susukat sa kanyang pagkabarako: tutulungan ni Barako Chiz sina Barako Papa at Barako Mama sa pagbigay ng BARAKO TIPS.

Ipapakila rin sa Studio 7 stage ng Kapuso network ang dalawang wannabes na sila NICKI MANASH AT NICKI MANAS. Hindi lang sila magpapatalbugan sa kantahan at sayawan, pati mga FHM’s sexiest, kanila ring tatarayan!

Sa SABI-SABI PO, iba’t ibang tweets ng artista naman ang kanilang hahanapan ng connection sa mga nakakatuwang signage around the world.

Sagot naman ng sikat na all-male rock band na 6 CYCLE MIND ang kantahan. Rarakan na sa kanilang hot single na “Basta Ako.”

Isang masayang gabi ang muling pagsaluhan kasama sina Pareng Bitoy at Pareng Ogie sa Pare & Pare sa GMA Sunday Grande, pagkatapos ng Pinoy Adventures.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN