Chef Boy Logro's Kusina Master given extended airtime on GMA-7


Sa pagdiriwang ng kaarawan ni Chef Boy Logro, ano pa nga ba ang mas magandang regalo kundi ang pagmamahal na natatanggap niya mula sa kanyang supporters?

Dahil sa patuloy na pamamayagpag ng programa niyang Kusina Master ay mapapanood na ito sa mas pinahabang oras (45 minutes) simula July 9, 2012.

Hindi naman makapaniwala si Chef Boy sa magandang regalo na natanggap niya sa kanyang kaarawan. “Alam n'yo, hindi ko akalain na magiging ganito ka-successful ang Kusina Master. Sobrang biyaya ang binibigay ng Panginoon. At ngayong birthday ko, isang magandang regalo ang pagka-extend ng oras ng aming programa. Kaya marami pa kaming maihahandog sa mga patuloy na sumusuporta sa amin.”

Samantala, haharapin ni Chef Boy ang mga matitinding challenges sa pag-level up ng "Master X," isang 5 minute cooking challenge segment kung saan hahamunin ang kanyang kakayahan sa pagluluto. Makayanan kaya niya ang bawat hamon?

Alamin rin ang mga sikreto ng mga Kapuso stars sa paghahain ng mga katakam-takam na pagkain.

Ang Kusina Master ay napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, bago mag-Eat Bulaga sa GMA-7.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN