Dolphy had hoped for an end to the network war


Ang Hari ng Komedya na si Dolphy ay isang ng higit 40 years kung kaya malalim ang kanyang history sa Kapamilya Network.

Kaya naman sa bagong henerasyon ng manonood ngayon ay mas tumatak na sa kanila ang Home Along da Riles na tumagal din ng maraming taon sa ABS-CBN.

Noong 2010, lumipat si Dolphy sa TV5 at kahit hindi man naging star ng GMA-7, bilang Hari ng Komedya, masasabing si Dolphy ay may pagpapahalaga sa lahat ng network.

In fact, sa isang eklusibong panayam sa kanya ng PEP.ph noong surpresahin siya ng ABS-CBN para ipangalan sa kanya ang isang studio ng network, ang Dolphy Theater, sa kabila ng kaligayahang nararamdaman ni Dolphy noon, hindi pa rin nawala sa kanya ang paghahangad na magkaayos at mawala ang network war.

Sa naging panayam nga ni Dolphy, binigkas niya noon ang mga katagang, "At kung maaari pa, magkasundo na ang mga network. Gusto ko magkasundo pa sila. May chance pa, naniniwala ako. Kailangan lang siguro na tama lang ang padrino na gagawa noon."

(CLICK HERE to read related article)


Kung titingnan nga ngayon sa nagaganap na burol niya sa Heritage Park, kahit noong unang gabi sa mismong Dolphy Theater sa ABS-CBN, nagkaisa ang mga networks noon sa pagbibigay ng TV coverage sa mga manonood.

At bilang isang Kapamilya sa mahabang panahon, napag-alaman ng PEP.ph na ang production unit ni Raymond Dizon, ang may hawak ng halos lahat ng comedy shows sa ABS-CBN ay magkakaroon ng pagpupugay sa namayapang Hari ng Komedya.

Simula ngayong gabi ay ipapalabas na “Tatak Dolphy” sa mga comedy shows ng Kapamilya tulad ng Toda Max, Banana Split at Goin’ Bulilit.

Magkakaroon ng isang segment ang mga shows na ito bilang pagpupugay kay Dolphy. At sa pamamagitan ng campaign na ito ay maituloy ang legacy ng isang Dolphy sa mga shows ng Kapamilya network.

Tulad na lang ngayong gabi sa Toda Max, isa si Vhong Navarro sa talagang naapektuhan sa pagkawala ni Dolphy. Una pa lang ay tahasan na nitong sinasabi ang pag-idolo rito. Pero kung may natutunan man daw siya kay Dolphy, madalas daw na sinasabi sa kanya nito na, “Laging sinasabi sa akin ni Mang Dolphy, kapag may problema o may pagsubok, ‘wag magmukmok. Sa halip ay subukang maging masaya,”

Magkakaroon ng isang segment sa Toda Max ngayon kunsaan, “kantahan sa may kanto,” na dati rin napapanood sa isa sa mga naging sitcom niya noon na Home Along da Riles.

Sa Banana Split naman, mapapanood si Myrtle Sarrosa, ang Pinoy Big Brother Teen Edition 4 grand winner at ang tatlo pang girls ng PBB na sina Karen Reyes, twins Joi at Jai Apangan, kasama ang Indak cast.

Masusubukan din kung gaano ba kagaling ang big four sa pagsasayaw sa opening ng comedy show kung saan gagampanan nila ang role ng sobrang energetic na cheerleaders kasama sina Sunshine, Saicy at Aiko. Handang-handa na ang cheerleading outfit at pompoms ng mga girls ni Kuya, fresh sa paglabas sa bahay niya.

Isang espesyal na tribute nga sa nag-iisang Hari ng Komedya ang handog ng Banana Split. Ito ay mapapanood pagkatapos ng Toda Max.

Sa Goin’ Bulilit ay magkakaroon din ng segment at mga palitan ng joke na Tatak Dolphy talaga.

Isa raw ito sa magiging paraan ng mga comedy shows ng ABS-CBN para maipakitang ang Tatak Dolphy ay patuloy na mabubuhay at mamahalin ng mga manonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN