Pinoy Big Brother Teen Edition 4 winner Myrtle will guest on TODA Max this Saturday


Kung may isang ipinagkakapuri si Vhong Navarro sa sitcom daw nilang TODA Max, ito ay ang magandang relasyon nila ng lahat sa cast. Para raw talaga silang isang pamilya sa show. Madalas na nga namang naririnig kahit na kaninong artista ang salitang parang isang pamilya, pero, ayon kay Vhong, sa TODA Max, talagang naramdaman niya yun.

“Kailanman ay hindi nagkaroon ng kahit na anong isyu sa pagitan ng magkakatrabaho sa sitcom na TODA Max, sabi ni Vhong.

“Parang magkakapatid kami rito sa Toda, walang gulo, walang isyu, masaya lang,” dagdag pa ng komedyante.

Si Robin Padilla na gumaganap bilang pinsan ni Vhong sa sitcom ay maihahalintulad na ni Vhong sa isang tunay raw na kapamilya.

“Hindi kumpleto kapag wala si Robin, si Angel Locsin at siyempre, ang nagbalik na si Pokwang,” sabi pa niya.

Samantala, lalong tumitindi ang hidwaan ng magpinsan na Justin (Vhong) at Tol (Binoe) dahil sa ginawang panggagamit ni Justin sa kasinatahan ni Tol na si Diane (Valerie Concepcion) upang huwag bawiin ni Lady G (Pokwang) ang tinitirahang bahay.

Dadayo naman sina Joj at Jai kasama ang PBB Teen Edition 4 Big Winner na si Myrtle sa TODA Max dahil iimbitahan sila ng pamangkin ni Tol para sa isang cosplay birthday party.

Ano kaya ang mangyayari sa birthday party ni Jessica sa pagdalo ng mga sosyal niyang kaibigan? Magkaayos pa kaya ang magpinsang Justin at Tol?

Alamin sa TODA Max ngayong Sabado (Agosto 11) pagkatapos ng The X Factor Philippines sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN