GMA-7 airs Koreanovela Moon Embracing the Sun starting today, August 13


Simula August 13, inihahandog ng GMA Network ang isang bagong Asianovela, ang Moon Embracing the Sun. Mapapanood ito mula Lunes hangang Biyernes bago mag 24 Oras sa GMA K Prime.

Ang Moon Embracing the Sun ang tinaguriang highest-rated drama ng taon sa Korea. Ito ay nanalo ng Best Drama at Best Actor sa katatapos lamang na 48th Baeksang Awards. Ang seryeng ito ay pinangungunahan ng dalawa sa most sought-after na artista sa Korea ngayon. Si Kim Soo Hyun ay gaganap bilang Lee Hwon at si Han Ga In bilang Yeon Woo /Wol.

Ang drama series na ito ay isang historical-fantasy love story sa pagitan ng isang hari at ang kanyang pinakamamahal na crown princess na akala niyang patay na ngunit nagbabalik bilang isang shaman, isang indibidwal na gumagamit ng magic para makapagpagaling ng may mga sakit at magkontrol ng mga pangyayari.

Si Lee Hwon ay nakatakdang maging first Sun o Hari ng Joseon at naranasang umibig sa unang pagkakataon kay Yeon Woo, na siya namang nakatakdang maging first Moon o Reyna ng Joseon. Ngunit biglang nagkasakit at namatay si Yeon Woo ilang araw bago ang kanilang royal wedding ceremony. Habang lahat ng tao ay inakalang patay na siya, nailigtas pala ito ni Jang Nok Young, isang head shaman.

Walong taon ang nakalipas, naging hari na ng Joseon si Lee Hwon. Isang araw, makakaharap niya ang isang shaman na kahawig ni Yeon Woo at papangalangan niya itong Wol. Dahil sa pagkakahawig nito sa kanya pinakamamahal, magdududa si Lee Hwon sa rason ng pagkamatay ni Yeon Woo at magdedesisyon na imbestigahan ang pagkamatay nito.

Mananaig ba ang kanilang pagmamahalan at malalagpasan ang mga pagsubok na darating? Makukuha ba muli Yeon Woo bilang isang shaman ang nararapat na para sa kanya, ang pagiging Reyna ng Joseon?

Alamin sa Moon Embracing the Sun simula August 13, Lunes hangang Biyernes bago mag 24 Oras sa GMA K Prime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN