Nora Aunor, Jake Cuenca, and other stars will grace benefit show of the PMPC


May fund raising show ang Philippine Movie Press Club, Inc. sa November 24 sa Zirkoh Tomas Morato, Quezon City. Titled PMPC Stars For A Cause (Big Show ‘To… Pramis!!!), ang naturang show ay gagawin ng 9 p.m.

Ang show ay pinangungunahan ng hunk actor ng ABS-CBN na si Jake Cuenca, ang GMA-7 loveteam partners na sina Jake Vargas at Bea Benene, Sex Bomb Dancers, at ang rap artist na si John Rendez.

Naroroon rin ang Superstar na si Nora Aunor na may sorpresang gagawin para sa show.

Sa pamumuno ni Pangulong Roldan Castro, ang fund raising ng show na ito ng PMPC na taun-taong ginagawa ng organisasyon ay malaking tulong sa mga taong nangangailangan. Mapupunta ang proceeds sa Child Haus Foundation at sa ibang miyembro ng organisasyon na may mga karamdaman.

Kasama rin sa PMPC Stars For A Cause sina Paula Bianca, Miguel Aguila, Le Chazz, AJ Tamiza, at iba pang surprise guest artists.

Si Laguna Governor ER Ejercito ay isa sa mga sponsors ng PMPC Stars For A Cause.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN