Alden Richards' life to be featured on Magpakailanman



PRESS STATEMENT FROM GMA-7:


"Ngayong Sabado (March 9), ibabahagi ng Magpakailanman ang kuwento ng buhay ng GMA’s Drama Prince na si Alden Richards na siya mismo ang gaganap. Kasama rin sina Jackielou Blanco at Mark Gil.


"Isa si Alden Richards sa mahuhusay na mga aktor ng kaniyang henerasyon, kaya naman hindi nakapagtataka ang magandang takbo ng kaniyang career. Ngunit sa likod ng kaniyang bawat ngiti, ano ang kuwentong nakukubli?


"Alam na ng nakararami na bago makasama sa cast ng Alakdana ay ilang beses ring nabigo si Alden sa kaniyang pag-aartista. Ngunit ano nga ba ang nagtulak sa binata na magpursige sa industriya kahit na paulit-ulit siya nitong tinanggihan?


"Mula pagkabata, nakita na ni Rosario Faulkerson na ina ni Alden na may kinabukasan ang anak sa mundo ng showbiz. Kaya sa murang edad pa lamang ay minumulat na ng ina ang anak sa mundong ito. Dinadala ang anak sa malls para, gaya ng mga iniidolo nilang mga artista, ay ma-discover rin ang batang Richard Faulkerson Jr—na mas kilala na natin ngayon bilang Alden.


"Sa pagtanda ni Alden, makikita na rin nito na bukod sa pag-aartista ay gusto niyang makapagtapos ng pag-aaral—bagay na ikinatutuwa ng kaniyang ama. Para kasi kay Richard Faulkerson Sr., mas may kinabukasan ang anak kung magtapos ito ng kolehiyo.


"Magbabago lang ang takbo ng isip ni Alden nang isang araw ay isugod ang ina niya sa ospital. Malalaman ng pamilya ni Alden na may malalang sakit si Rosario, na lubos nilang alalahanin. Hihimukin ni Alden ang ina na magpakatatag at lumaban, na kaya pa nitong mabuhay. Sasabihin naman ng ina niya na gagawin niya ‘yun kung maibibigay ni Alden ang tangi niyang hiling—ang makita ang anak na isang ganap na artista. Ipapangako ito ni Alden sa ina.


"Ngunit sa paglipas ng panahon ay magiging mailap kay Alden ang pangarap ng ina, at habang tumatagal ay humihina rin si Rosario. Unti-unti nang nauubos ang nalalabing buhay ni Rosario kapiling ang kaniyang pamilya. Magagawa ba ni Alden na tuparin ang pangako ng ina bago ito tuluyang mawala sa kaniya?


"Mula sa direksyon ni Gina Alajar, sundan ang kuwento ng buhay ni Alden Richards ngayong Sabado sa Magpakailanman, pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA-7."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company issuing the press release. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN