Tina Marasigan and Angel Movido anchor health news advisory Pamilya OnGuard


PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN:


"May katuwang na ang bawat ina sa pangangalaga ng kalusugan ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng programa ng ABS-CBN na Pamilya OnGuard, ang kauna-unahan at nag-iisang health news advisory na hitik sa makabuluhang impormasyong pangkalusugan.



"Sa pangunguna ng DZMM reporter at dating UAAP courtside reporter na si Tina Marasigan bilang anchor kasama si Angel Movido bilang reporter, ang Pamilya OnGuard ay naghahandog ng mga napapanahong balita at kaalaman sa kalusugan at hinihimay ang bawat anggulo nito sa tulong at panananaw ng mga eksperto. Nagbibigay pa ito ng practical tips para mas lalong makaiwas ang buong pamilya sa sakit.


“Ang Pamilya OnGuard ay nagsisilbing tulay ng mga ordinaryong tao, lalo na ng mga ina tungo sa mga eksperto, mga doktor o sa Department of Health mismo, para mabigyan sila ng kaalaman kung paano pa nila mas mapangangalagaan ang mga mahal nila sa buhay,” ayon kay Tina.


“Layunin ng programa na maiparating sa mga tao, lalo na sa mga nanay ng tahanan kung anu-ano pa ‘yong pwede nilang gawin para mas maging handa sa mga sakit at sakuna,” dagdag naman ni Angel.


"Walang pinipiling biktima ang mga sakit at sakuna, kaya naman katuwang ng ABS-CBN ang ABS-CBN News Channel (ANC) at DZMM TeleRadyo sa cable at DZMM Radyo Patrol 630 sa radyo sa mas malawak na paghahatid ng impormasyon at para mas maraming pamilyang Pilipino ang maging on-guard.



"Maging netizens ay magiging updated din dahil mapapanood ang Pamilya OnGuard online sa www.pamilyaonguard.abs-cbnnews.com. Makikita sa website ang kumprehensibong health news updates, safety tips, video compilations at iba pang mahahalagang impormasyon sa kalusugan.



"Para naman sa mga on-the-go, maaring pa rin maging on-guard kahit saan basta naka-install ang ABS-CBN news mobile application sa inyong Android at iOS devices kung saan mayroon ng Pamilya OnGuard page.



"Tutukan ang Pamilya OnGuard tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes sa ABS-CBN Channel 2 tuwing 5:00 ng hapon, ANC (SkyCable Channel 27) tuwing 4:30 ng hapon at sa DZMM Radyo Patrol 630 at Teleradyo tuwing 5:15 ng hapon."


Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company issuing the press release. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN