Ella Cruz, Francis Magundayao, and Bugoy Cariño topbill Wansapanataym presents Oh My Genius!




PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN:

"Ang Kapamilya teen stars na sina Ella Cruz at Francis Magundayao, at ang award-winning child actor na si Bugoy Cariño ang bibida sa pinakabagong month-long special ng Wansapanataym na pinamagatang "Oh My Genius!" na magsisimula na ngayong Sabado (August 3).

“Laking papasalamat po namin na nagbigyan kami ng pagkakataong makapagbigay inspirasyon sa mga kabataang tulad namin,” pahayag ni Ella, na gaganap bilang si Minnie, ang nakatatandang kapatid ng batang genius na si Edison (Bugoy) at special na kaibigan ni Benson (Francis).

“Siguradong marami pong matututunan ang TV viewers sa bawat episode ng ‘Oh My Genius,'” ani Ella. “Bukod po sa pagpapahalaga sa pagmamahal ng pamilya, gusto pong ituro ng kwento nina Minnie, Edison, at Benson ang masamang naidudulot ng pag-aabuso sa kapangyarihan at ang halaga ng pagsisikap sa pag-abot ng mga pangarap.”

"Bahagi rin ng Wansapanataym Presents: Oh My Genius! sina Dennis Padilla, Jason Francisco, at Igi Boy Flores. Ito ay ilalim sa panulat nina Noreen Capili at Ferdinand Aguas at direksyon ni Erick Salud.

"Huwag palampasin ang pilot episode ngayong Sabado ng pinakabagong four-week special ng storybook ng batang Pinoy, Wansapanataym, 6:45pm, pagkatapos ng Kapamilya: Deal or No Deal sa ABS-CBN."



Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company issuing the press release. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN