Will Ariella Arida win Miss Universe 2013?



PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN, published as is:

Si Ariella Arida na nga kaya ang ikatlong Pilipinang magsusuot ng korona bilang Miss Universe?

Malalaman na ang kasagutan ngayong Linggo (November 10) sa inaabangang Miss Universe 2013 na mapapanood live sa Velvet (SkyCable channel 53) sa ganap na 2 AM at may special telecast sa ABS-CBN ng 9 AM.

Talaga namang nakaabang na ang sambayanan sa kapalaran ng 24 anyos na dalagang tubong Laguna sa kumpetisyon lalo pa’t muntikan ng masungkit ni Miss Universe 2012 first runner-up Janine Tugonon ang korona noong nakarang taon.

Crowd favorite na maituturing si Ariella dahil madalas itong napapabilang sa top ten ng iba’t ibang sikat na pageant sites online. Ang kanyang “Truth or Dare” video interview sa YouTube rin ang nakakuha ng pinakamataas na hits.

Huling nakuha ng Pilipinas ang korona noon pang 1973 nang magwagi si Margarita “Margie” Moran. 40 taon na ang nakakalipas at simula noon ay first runner up na ang pinakamalapit na narating ng kandidata ng Pilipinas—si Miriam Quiambao noong 1991 at si Janine noong 2012.

Ngunit sa kabila ng mainit na pagtanggap ng marami sa pambato ng Pilipinas, nakasalalay pa rin ang lahat sa kamay ng mga hurado na kinabibilangan ng lead vocalist ng Aerosmith na si Steven Tyler, kilalang chef na si Chef Nobu, gold medal figure skater na si Tara Lipinski, modelo at aktres na si Carol Alt, supermodel na si Anne V, founder ng Farouk Systems na si Farouk Shami, pioneering designer ng U-BOAT watches na si Italo Fontana, at Russian popstar na si Philip Kirkorov.

Gaganapin ang Miss Universe 2013 coronation night sa Crocus City Hall sa Moscow, Russia, sa pangunguna nina Thomas Roberts ng MSNBC Live at Mel B ng America’s Got Talent bilang hosts.

Panoorin live ang Miss Universe 2013 sa Velvet (SkyCable channel 53), 2 AM, at sa special telecast nito sa ABS-CBN, 9 AM. Mapapanood din ang primetime replay nito sa parehong araw sa ganap na 10:45 AM sa ABS-CBN at 7 PM sa Velvet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN